Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Under His Possession

Under His Possession

Masaya na at kuntento kahit naghihirap sa buhay ang dalagang si Janiya. Para sa kanya, lahat ay makakaya at malalagpasan niya basta't kasama niya ang kaisa-iss na lang niyang pamilya- ang Papa Crisanto niya. Pero paano kung isang araw, bigla na lang siyang iwan ng pinakamamahal niyang ama? Iniwan siya nito nang wala kahit maayos na paalam man lang. Iniwan siya nito nang walang kahit ano maliban sa isang pirasong papel kung saan nakasulat ang dalawang address ng mga lugar na hindi niya alam. Isa na roon ang lugar na tinawag nitong "Mansion de Castillejos". Doon umano nakatira ang matalik na kaibigang babae ng ama niya- si Yvonne. Ngunit nang marating na niya ang mansiyon, isang nakakagulat na rebelasyon ang sumampal sa kanya- dalawang taon na palang patay ang babaeng pakay niya. At ang tanging naiwan nito sa mansiyon ay ang katulong na si Gervacia at ang nag-iisa nitong anak na lalaki, si Strike Vicencio o "SV"- isang kilalang CEO hindi lang dahil sa kagwapuhang taglay nito kundi lalo na sa pagiging enigmatiko at misteryoso- na walang pagdadalawang-isip na inako ang pangangalaga sa kanya pansamantala habang hindi pa bumabalik ang ama niya. Ano ang nakatakdang mangyari sa pagsasama nila ng binata sa iisang bubong? At paano kung unti-unti ay makaramdam siya ng pagtatangi sa lalaki? Lalabanan ba niya ang sariling nararamdaman o ipaglalaban at gagawin niya ang lahat para maangkin ang supladong bilyonaryo, kahit na sampung taon ang agwat ng edad nila sa isa't-isa at nalalapit na rin itong ikasal sa iba?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Beauty Revenge

Beauty Revenge

Queenvineeee
Delia Diaz isang accountancy student galing siya sa broken family dahil nahuli ng kanyang ama na may kasamang ibang lalaki ang kanyang nanay. Sa murang edad ay nakagisnan niya ang pananakit ng kanyang ina at ng mga nagiging asawa nito pinahinto siya ng pagaaral pero naisipan niyang patagong magaral sa isang universidad na pagmamay ari ng pamilya ni Matthew Jumaquio. Matthew Jumaquio ang kinakatakutan sa loob ng universidad at hinahangaan ng madaming babae. lahat ng gusto niya nakukuha niya sa isang pitik walang kahirap hirap. Unang pagkikita nila ay pinagtripan na ni matthew si delia pinabully niya ito sa mga studyante sa universidad lalo ng nalaman ni matthew na sakop ng dad niya yung schoolarship si delia. gusto ni matthew na matanggakl si delia sa universidad pero hindi ito sumuko hinayaan nalang siya bullyhin nito araw araw. Isang araw nagkaroon ng pustahan ang magkakaibigan ni matthew na paglaruan ang dalaga sa loob ng tatlong buwan ay dapat ibigay nito ang kinakaingatan ng dalaga. kampante ang binata dahil alam niya na makukuha niya agad si delia at hindi siya nagkamali dahil nakuha niya ito bago matapos ang araw na binagay sa kanya ng mga kaibigan niya. Nalaman ni delia ang totoo na pinagpustahan lang siya nila matthew nangako siya na hindi na siya magpapakita sa mga ito at babalikan niya ang mga ito ang maghihiganti rin. "I am the sun and you are the moon." "I always thought we were destined for each other." "But i remember the moon was mean to be with the stars."
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Sweet Karma

My Sweet Karma

Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.6K viewsCompleted
Read
Add to library
RESCUED BY A MAFIA LEADER

RESCUED BY A MAFIA LEADER

Azuus
CASSY ALONTO, isang ulilang dalaga na nagmula sa bahay ampunan ang mapipilitang magtrabaho sa isang drug assossiation matapos siyang malinlang na bibigyan siya ng maayos na trabaho. Hindi siya makakatanggi sapagkat, buhay niya ang kapalit. Magiging tagahatid siya ng droga. At dahil sa angking ganda nito’y mapapansin siya ng kanilang druglord. Kaya naman, plano niya itong gawing babae. Na siya namang, hinding hindi masisikmura ni Cassy. Ayaw niyang maging parausan ng may edad na lalaki. Lalo pa at, nasa labing pitong taong gulang pa siya. Dahil sa nalamang plano ng kaniyang amo’y magbabalak siyang tumakas. Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa maging parausan lang. Sa kaniyang pagtakas ay hahabulin siya ng mga tauhan ni Don Alfonso. At dahil makapangyarihan nga ito’y mahihirapan siyang magtago rito. Kalaunan nga’y mahahanap rin siya ng mga tauhan nito. Ang inaakala niyang, tuluyan siyang mabibihag nang sapilitan siyang hatakin sa van ay siya namang dating ng isang itim na sasakyan. Kung saan, iluluwa nun ang di pamilyar na mukha ng lalaki. Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, ay makikitang, pinagpapatay ng estrangherong lalaki ang kikidnap sa kaniya. Paano kung, ang inakala niyang nakatakas siya sa sindikato ay siyang mas lalong pagmulat niya. Lalo pa at, ang lalaking nagligtas sa kaniya'y isa palang Mafia Leader. Gagawin rin ba siyang tauhan nito, o palalayain? Ano ang dahilan nito para iligtas siya sa mga taong kagaya rin naman niyang druglord. Abangang ang kuwentong pag-ibig ni Cassy at Kaizer sa Rescued By A Mafia Leader.
Romance
10998 viewsOngoing
Read
Add to library
THE LADY ALPHA

THE LADY ALPHA

BeauWP
After her father was killed and her mother disappeared, Calithea Del Mundo was forced to take the title as an alpha of their pack when she was thirteen year old. Nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan ng mga lobo at hunters dahilan para magdulot ng marahas na labanan sa pagitan ng dalawang grupo. Namatay sa kalagitnaan ng labanan ang ama ni Calithea at tinangay naman ang kanyang ina. Bago pa man lisanin ng mga hunters ang teritoryo nila Calithea, ikinulong nila ang mga lobo ng ilan sa mga piniling sumuko sa laban at mabuhay gamit ang isang pilak na kadena. Kahit anong pilit nila, kahit anong mahika pa ang gamitin nila, hindi nila magagawang makalaya mula roon. Ang kanilang mga lobo ay mananatiling nakagapos. Ang tanging paraan lang para makalaya sila mula sa bagay na ‘yon ay ang isang susi. Susi para sa kanilang kalayaan. Ngunit ang susing iyon ay hawak ng mga taong muntik ng umubos sa kanilang lahi. And she was obliged to take that key. Drico Wagner, the head supreme of the hunters. He is a fearless and brave man. Sa edad na tatlumpu't lima, libo-libong lobo na ang napatay niya. It’s so ironic that their kind hunts werewolves down wherein fact, his stepmother is a pure blooded werewolf and his half-sister is a half-blooded wolf. Ibinigay sa kanya ng kanyang ama ang susi. Susing magpapalaya sa grupo nina Calithea. Calithea is after him. But, as she was on her way of taking the key to their freedom, she didn’t expect that love would be her number one enemy. Will she choose to beg for his love? Or just focus on saving her people?
Other
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
976 viewsOngoing
Read
Add to library
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10681 viewsOngoing
Read
Add to library
LOGAN'S SECRET OBSESSION

LOGAN'S SECRET OBSESSION

WannaReadMyStory
Logan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa kung anu-anong trabaho upang matustusan pagkain, tirahan, pati na rin ang pag-aaral ni Laine, ang half-sister niya. Tumigil siya sa pag-aaral, at sa edad na disi-nuwebe, siya na ang tumayong magulang ng kaniyang kapatid. Ngunit talaga yatang mailap sa kanila ang suwerte. Nabuntis kasi nang maaga ang kaniyang kapatid at hindi pinanagutan ng nakabuntis dito. At makalipas ang ilang buwan, kinailangan nila ng malaking pera upang makapanganak ito. Doon niya nakilala si Shan Elton Xanders, isang lalaki na naghahanap ng kapwa nito lalaki upang maitayo ang isang sikretong agency: ang SDS. At ang agency na iyon, s*x ang hatid na serbisyo. Logan willingly joined Shan in order to save his sister's life. Makalipas ang ilang taon, napakarami nang nagbago sa kanilang buhay. Napagtapos niya ang kaniyang kapatid, nakapagtayo ng negosyo na lumago at nakilala sa buong mundo, at nakapagpundar ng ari-arian. Because of the secret 'Services,' he became a billionaire, and now, after twelve long years, gusto na niyang iwan ang SDS. But there is a one rule. To leave the SDS, he must find a wife who will genuinely love him despite the fact that he is a male hooker. That's when he met Rebecca Watkins. A mystery woman who came from a prominent family but is willing to pay him a million for his service. He promised himself that Rebecca will be his last client before leaving SDS. Ngunit tila kakaibang misteryo ang bumabalot kay Rebecca at hindi niya maiwasan ang unti-unting pagkahulog ng kaniyang loob sa dalaga...
Romance
875 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
202122232425
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status