Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish)

Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish)

Nanggaling sa mayamang pamilya si Chelsea. Siya na ang namamahala ng kanilang kompanya bilang CEO. Nainlove siya sa gulang na twenty years old sa kaklase niyang si Mateo. Naghiwalay din sila pagkalipas ng limang taon sa kadahilanang ng taksil si Mateo, nalaman niyang may katalik si Mateo na ibang babae. Dahil dun nagfocus at ginugol niya ang panahon niya sa pagtatrabaho sa kompanya nila. Naging karamay niya si Amalia, ang matalik na kaibigan at kaklase niya noong nasa kolehiyo pa sila at hanggang ngayon. Sa isang restaurant ay may makilala sila na isang gwapong lalaki, matangkad at matipuno na pinagpantasyahan naman nang kaibigan niyang si Amalia. Hindi niya pinapansin ang lalaki noong una dahil wala siyang interes dito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa Isla may makilala naman siyang mayaman, galante at may itsurang lalaki at napag alaman niyang siya ang step son nang may-ari ng resort. Sino kaya ang lalaking bibihag sa kanyang puso pagkatapos nang pinagdaanang sakit sa ex-boyfriend niya? Ano ang katauhan ng mga lalaking nakilala niya sa restaurant at sa resort? May madidiskubre pa kaya siyang lihim sa pagkatao ng mga lalaking nakilala niya? Ano ang magiging reaksiyon ni Chelsea sa lihim ng lalaking nakilala niya sa Isla? Ano nga ba ang lihim sa nakaraan ng lalaking nakilala niya sa restaurant?
Romance
107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
His Sweet Lies

His Sweet Lies

“They are obviously my children” usal ni Juancho kay Orelia. Natigilin ang babae at naibagsak ang inaayos na mga bulaklak. ”Ano ang ibig mong sabihin?Ni hindi nga kita kilala!” iwas tinging depensa ni Orelia sa lalaki at agad niyang itinago ang dalawang bata sa kanyang likuran. “Hmm, hindi nga ba ikaw yon? But why do these children have my face then?” paninindigan ni Juancho. Pilit na nagpapakita ng matapang na mukha si Orelia, desidido na siyang hindi masangkot sa lalaki matapos ang isang gabi ng pagkakamaling iyon. Mamamatay muna siya bago niya hayaang mapasakamay ng lalaki ang kanyang mga anak. “Or would you rather have me let you remember what transpired that night,” usal ng ni Juancho sabay ng pag haplos sa mga labi ni Orelia gamit ang kanyang daliri. “Don’t touch our mom you bad guy!” biglang pumigitna ang batang babae at pilit na itinulak si Juancho. Nakasunod rito ang takot na batang lalaki. Laking gulat ni Orelia sa biglaang kilos ng mga bata kaya hindi niya napigilan ang agarang paghawak ni Juancho sa mga ito. Handa na siyang itulak ang lalaki at bawiin ang bata nang nakita niya ang mga mata ni Juancho na nakatitig sa kambal, ang malamig at walang emosyon nitong mga mata ay napalitan ng lambot. Ito ay mga matang matagal niya ng hindi nakikita, ang mga matang minsan ng nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Saksihan ang mainit, matamis at masakit na relasyon ng dalawang mag kaibang indibidwal mula sa magkasalungat na estado ng buhay. Ang kanilang katapusan ba ay magsisimula sa ligaya o patuloy na magbabadya ang paghihirap sa kanilang mga buhay?
Romance
69.5K viewsCompleted
Read
Add to library
His Wild Mistake

His Wild Mistake

Eunwoo_bluedust
Si Isabel Herrera ay may tinatakasan na nakaraan. At sa murang edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang magpalipat-lipat ng tirahan kasama ang kaniyang anak na lalaki at yaya Lorna na itinuring niya ng parang tunay na ina simula nang pumanaw ang kaniyang biological mom na si Elina. Pagod na pagod na siya sa ganoong routine subalit sa kagustuhang takasan ang bangungot ng kaniyang nakaraan ay wala siyang nagawa kung 'di ang gawin iyon. Nakatatak na sa isipan ni Isabel na hinding-hindi siya magpapapasok ng kahit na sinumang lalaki sa kaniyang buhay kaya lahat ng nanliligaw sa kaniya ay binabasted niya lang. Kahit nga pagkakaibigan lang ay hindi niya pinapahintulutan ang mga ito. Ayon pa nga sa kaniya ay okay lang mamatay siya na walang ibang lalaki sa buhay kung 'di ang anak niya lang . Subalit isang gabi, habang sinusubukang tumakas sa isang birthday party ng kaniyang kasamahan sa trabaho na ginanap sa isang engrandeng hotel ay bigla na lamang may humila sa kaniyang matipuno at ubod ng gwapong lalaki. Sobra-sobra ang pagpupumiglas na ginawa niya sa mga sandaling iyon pero dahil mas malakas ito ng ilang beses sa kaniya ay walang kahirap-hirap siyang nadala ng lalaki sa isang malawak at engrande ring silid. At doon isang mainit at masarap na gabi ang kanilang pinagsaluhan. Napamura pa siya sa isipan kinaumagahan nang bigyan niya ito ng huling sulyap bago umalis. Ang lintik naman kasi, hindi manlang nabawasan ng kahit kaunti ang kagwapuhan kahit tulog at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya. Hindi makapaniwala si Isabel sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalaing ganoon na lamang siya kabilis na bumigay sa lalaking kahit pangalan ay wala siyang kaide-ideya. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaking iyon na kaniyang nakatalik ay isa pala sa dahilan kung bakit patuloy siyang tumatakas sa nakaraan.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Blessing in That One Sinful Night

A Blessing in That One Sinful Night

Itinakwil ng ama kaya't anim na taong nawala sa Pilipinas si Jenna. Kailangan lang niyang bumalik ng bansa dahil sa trabaho. Hindi niya naman akalain na magugulong muli ang buhay niya nang bumalik ng bansa lalo pa at bumalik uli ang ala-ala ng nakaraang gusto na niyang kalimutan. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang "out of the blue" na proposal ng isang Zian Walton Escobar. Ni hindi niya personal na kilala ang lalaki kaya't ipinagtataka niya ang pag-alok nito ng kasal sa kanya. Hindi na sana niya sasakyan ang kahibangan ng lalaki dahil maaaring pinag-tripan lang siya nito lalo pa't alam niyang isa sa pinakamayaman sa bansa ang angkan nito. Ang tanging nakapagpukaw ng interes niya ay ang malaking pagkakahawig nito sa anak niyang si Xavier. Sino nga ba si Zian Walton Escobar?
Romance
1064.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ATTICUS FELL TO THE HEIR OF VERLACE FARM

ATTICUS FELL TO THE HEIR OF VERLACE FARM

May Poblete
Avery Verlace apo ng mayamang Senior Verlace ang isa sa may ari ng malawak na lupain sa Quezon Province. Hindi inaasahan ni Avery ang pagkawala ng mga lolo't lola niya na nag-aruga sa kanya mula ng mawalan ng magulang. Hindi nila inaasahan na may maghahabol ng mana ang anak sa labas ng lolo nila na si Tita Cora. Hindi akalain ni Avery na mahuhulog siya sa pamangkin nito. Sa sobrang pagmamahal nito sa lalaki na ibigay niya ang pagkabirhen niya dito. Ngunit nalaman niya ang plano ng magtiyahin na sadyang paibigin siya para makamit nila ang lupa pinamana sa kanya. Labis na nasaktan ang dalaga nilisan niya ang farm na para sa kanya hindi para sumuko sa laban sinimulan ni Atticus at Tita Cora niya. Nag-aral ang babae ng agrikultura sa ibang bansa dahil advance dito. Para sa pagbabalik nito at mapalayas na niya ng tuluyan ang magtiyahin. Para hindi nito kailanganin si Atticus aminado ang babae magaling ito sa agrikultura marami natulong ang lalaki sa sakahan simula ng dumating ito ngunit hindi makakapayag si Avery na mawala sakanya ang lupain na para sa kanya. Ngunit na lusaw ang tinayong pader ng babae para sa lalaki ng makita niya ito kasama ang mapapangasawa tila nakaramdam siya ng kirot na hindi siya ang na pili pakasalanan nito. Maiibalik ba nila ang dati nila pag-iibigan o mananatili na ito nakabaon sa limot? Gaano katapang si Avery para ipaglaban ang lupa at pagmamahal niya?
Romance
2.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE

Pinagtaksilan si Psalm ng asawang si Darvis. Sa araw ng wedding anniversary nila, sa halip na umuwi upang i-celebrate iyon kasama siya ay mas pinili ng lalaki na samahan ang kapatid niyang si Pearl na tatlong buwan nang buntis. Nagdesisyon si Psalm na umalis at hiningi ang tulong ng isang kaibigan upang magsagawa ng pekeng aksidente para sa kaniya. Pero bago lumisan, sisirain muna niya ang buhay ng asawa at ng kabit nito, bilang kabayaran sa lahat ng pasakit. Maghihiganti siya. Ngunit bago ang araw ng kaniyang pekeng kamatayan ay nakilala niya si Ymir Janus Venatici, isang lalaking hawak sa kaniyang palad ang buong bansa. Nag-alok ito ng tulong pero puso niya ang hinihingi nitong kapalit. Magagawa ba niyang ibigay ang sarili sa lalaki kung takot na siyang magmahal muli?
Romance
1093.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
Romance
66 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Ex-Fiance

My Billionaire Ex-Fiance

Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
Romance
9.247.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Lesbian Bride

The Lesbian Bride

"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita." Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga. Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo. Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya. Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata. Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang. Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae? May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Beautiful Mistake

My Beautiful Mistake

iampammyimnida
Malaki ang problema ni Keanna dahil nasa bingit ng kamatayan ang kan'yang nobyo na si Russo. Malaki ang pinsalang natamo nito sa aksidente papunta sa tahanan nila para sana mag-celebrate ng anibersaryo nila. Kailangan nito ng blood donor ngunit laking gulat niya na hindi pala tunay na anak ng mga Marquez si Russo at ang tanging pamilya lamang ng lalaki ay si Thaddeus Pacheco na isang bilyonaryo sa buong Pilipinas. Malaki ang galit ni Thaddeus kay Russo at hindi nito kayang tumulong sa lalaki dahil kinamumuhian niya ang kapatid niya. Paano nga ba niya sasagipin ang lalaking mahal niya?
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status