Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
10470 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 11 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
Accidentally Married To A Billionaire’s Son

Accidentally Married To A Billionaire’s Son

Sa isang marangyang party kung saan alak ang hari at kasiyahan ang batas, nagtagpo sina Megan Anastasia Davis at Primo Rafael Giovanni—isang simpleng babae at isang bilyonaryong sanay sa luho. Sa kalasingan at kapusukan, nadala sila ng laro ng tadhana—isang “pekeng” kasal na tinawanan lang nila noon. Pero paggising nila kinaumagahan, isang legal at totoong marriage certificate ang bumungad sa kanila. Kasado. Pirmado. Walang atrasan. Gulat. Panic. Hindi makapaniwala si Megan. Paano siya napasok sa isang kasal na hindi niya ginusto? Ngunit hindi doon nagtatapos ang gulo. Habang pilit niyang hinahanap ang paraan para makawala, isang mas malalim na sikreto ang kanyang nadiskubre—si Primo ay engaged na pala sa iba! Isang arranged marriage na matagal nang planado, pero hindi niya kailanman ginusto. Ngayon, may isang babaeng lumalaban para sa lugar niya bilang legal na asawa. May isang pamilyang nagdidikta ng kapalaran ni Primo. At may isang pusong unti-unting nahuhulog, kahit na pilit lumalaban. Tatakas ba si Megan mula sa isang pagkakamaling naging totoo? O haharapin niya ang laban para sa lalaking hindi niya inaasahang mamahalin? Samantala, si Primo—mananatili ba siya sa buhay na pinili para sa kanya? O pipiliin niya ang babaeng aksidenteng dumating pero hindi na niya kayang pakawalan?
1011.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 431 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
Married to my Ex's Billionaire Uncle

Married to my Ex's Billionaire Uncle

Isang gabi ng alak, galit, at nag-uumapaw na sakit ang nagdala kay Zamira Rios sa Fantasy Lounge matapos siyang babuyin at lokohin ng kanyang ex-boyfriend na si Nico. Ang tanging hiling niya? Ang makaganti at makahanap ng lalaking papakasalan siya agad-agad para lang mapatunayan na hindi siya kawalan. ​But karma has a twisted, wicked sense of humor. ​Nagising siya kinabukasan na may nakasisilaw na dyamanteng singsing sa kanyang daliri, hubad sa isang kama, at kasiping ang nag-iisang Santiago "Santi" Del Fierro. Si Santi na isang malamig, mailap, at bilyonaryong makapangyarihan—na tiyuhin mismo ng ex niyang si Nico. Ang mas nakakabaliw? Walang pag-aalinlangang pumayag si Santi sa baliw niyang hiling kagabi, at ngayon ay legal na silang mag-asawa. ​Sa pagitan ng maruruming lihim ng pamilya Del Fierro, ng nagbabagang selos ng kanyang ex, at ng walang katapusang pagnanasa sa bawat sulok ng mansyon ni Santi, mahuhulog si Zamira sa isang mapanganib at mapanuksong laro. Isang laro kung saan ang bawat haplos, bawat ungol, at bawat magkakaibang posisyon sa ibabaw ng kama ay unti-unting umaalipin sa kanyang puso at katawan. Kakayanin ba niyang takasan ang bilyonaryong tiyuhin, o habambuhay na siyang magpapasakop sa kama at kapangyarihan nito?
105.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 199 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
I MARRIED MY EX-HUSBAND'S BOSS

I MARRIED MY EX-HUSBAND'S BOSS

Sunny Vergara's world falls apart when she catches her loving husband cheating on her. Hindi lang basta sa isang babae, kundi sa kapatid pa niya. Niloko siya ng dalawang tao na malapit sa kanya. She's left heartbroken and betrayed. With divorce papers in hand, Sunny decides to walk away and start over. Nick Watson, is successful real state mogul and the heir to the Watson Industries in Las Vegas. Tall, dark, and handsome. Ganyan kung i-describe ng mga kababaihan si Nick. He's always put his career first, staying single by choice. Wala sa plano ang pagpapakasal, until one night with Sunny changes EVERYTHING.
948 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 34 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
I'm Married to my Zillionaire Boss?!

I'm Married to my Zillionaire Boss?!

Dalawang taon nang kasal si Lellah sa lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit nang gabing nag-celebrate sila kasama ang mga kaibigan, naisuko niya ang bataan sa isang estranghero. Samantala, sa edad na thirty-three, wala pa ring natitipuhan na babae si Linden kahit na kasal na siya. A man who is ambitious, arrogant, and super strict when it comes to work. He was not planning to take his parents’ decision seriously. To put the pressure away, he gave in and spent one night with a woman he met at the bar—Lellah. Pero paano kung muling magtagpo ang kanilang landas? Not just as two strangers who shared a one-night stand, but as employee and boss. Masundan pa kaya ang nangyari sa kanila sa gabing iyon?
566 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 16 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
I'm secretly married to a Playboy

I'm secretly married to a Playboy

Carmela Dela Rosa is a nobody in their school. Nobody loves her even her own parents, but everything changes after she gets secretly married to Joseph, her most hated schoolmate.
10104.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4.2K kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER

MARRIED TO MY EX'S COLD BROTHER

“Sometimes, the wrong path leads you to the right person.” Nabuntis si Arah Cervantes ng kanyang nobyong si Adrian—ngunit iniwan siya nito at tumangging panagutan ang dinadala niya. Upang maiwasan ang eskandalo, napilitan siyang magpakasal. Ngunit hindi sa lalaking minahal niya. Kundi sa nakakatandang kapatid nito—si Edison Avelino, isang cold billionaire CEO. Isang kontratang kasal na walang pagmamahal. Isang pagsasamang puno ng distansya. Sa iisang bubong, natutunan nilang tiisin ang isa’t isa… hanggang sa unti-unting may nagbabago. Ang distansya ay naging dahan-dahang paglapit. Hanggang sa isang araw—bumalik si Adrian. Handa na siyang panagutan si Arah. Handa niyang bawiin ang lahat ng iniwan niya. Ngunit huli na nga ba ang lahat? Paano kung sa maling simula, natagpuan ni Arah ang tamang pagmamahal? At paano kung ang lalaking pinilit niyang pakasalan… ang ayaw na siyang pakawalan?
215 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 8 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Sa loob ng walong taon, inakala ni Lizzy na ang fiancé niyang si Jarren ang katuparan ng kanyang mga pangarap—isang perpektong kasal at masayang pamilya. Ngunit ang masakit na katotohanan ay tumambad sa kanya: si Jarren, ang lalaking minahal niya, ay may relasyon sa iba... at ang kabit nito ay hindi lamang basta kung sino, kundi ang sekretarya niya. Hindi na tumingin pa si Lizzy sa nakaraan. Sa halip, pinili niyang balikan ang dignidad niya at lumakad palayo sa kanyang engagement. Sa gitna ng gulo at kahihiyan, pumasok sa kanyang buhay ang isang bagong mukha—si Lysander Sanchez, ang misteryosong uncle ni Jarren na puno ng karisma at lihim na intensyon. Habang bumabawi si Lizzy mula sa sakit ng pagtataksil, matutuklasan niya na ang kanyang landas ay puno ng panibagong hamon, tukso, at pagkakataon para sa tunay na pagmamahal. Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at puso, o muli siyang masasaktan sa gitna ng isang mas komplikadong mundo?
7.961.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2.2K kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
2.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 59 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

pedrosays
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Rosianne Santiago dahil sa isang aksidente. Sa tulong ni Nathalie Lucero ay nabigyan siya ng pangalawang buhay ngunit may kapalit lahat ng tulong nito. Sa pamamagitan ng marriage contract ay nakilala niya si Jacob Illustre, ang lalaking bilyonaryo at ang papakasalan niya. Para kay Rosianne, pera lamang at utang na loob ang nagpapatagal at nagpapatibay ng kanyang sikmura upang ipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap. Ngunit, unti-unti ng nahulog ang kanyang loob kay Jacob kahit alam niyang labag ito sa kanyang nilagdaang kontrata. Matigas man siya sa panglabas na anyo ngunit hindi maatim ng kanyang puso na ipagpatuloy niya ang panloloko habang minamahal niya ito kaya lilisan na lamang siya. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbalik si Nathalie at iniba nito ang takbo ng kwento. Hindi na mahanap ni Rosianne ang kontratang hawak niya bilang katibayan na napagkasunduan nilang dalawa ito. Paniniwalaan pa kaya siya ni Jacob nung malaman nitong niloloko siya nito? Ipaglalaban kaya ni Rosianne ang kanyang nararamdaman kay Jacob kahit na makulong siya? Mananaig kaya ang kanilang pagmamahalan O tatakbo na lamang siya at mamuhay ng payapa kasama ang dinadala niyang anak nila ni Jacob Illustre?
1.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 33 kali sebagai married in tagalog
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
3536373839
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status