Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Magnet

Love Magnet

[COMPLETE] Ang makahanap ng marangal na trabaho ang naisip na paraan ng lesbianang si Maria Sienna De Dios upang makawala sa poder ng kaniyang ama na paulit-ulit siyang dinidiktahan na magpakasal sa kaniyang long-lost childhood friend. Kaya noong may inirekomendang trabaho ang kaniyang kaibigan ay pinatos niya na iyon nang walang pag-aalinlangan. Ang hindi niya lamang inaasahan ay muli niyang makakaharap ang lalaking nasapak niya noon na si Yevhen Thyne Villamayor, sa araw ng kaniyang interview. Nang makilala siya ng binata ay on the spot siyang ni-reject nito kahit na nakiusap pa siya. Mabuti na lang ay may dumating na isang mabait na ginang at kinuha siya bilang secretary ng CEO ng MARIA Corporation. Ngunit kakayanin niya kaya ang trabaho gayong si Yevhen pala ang kaniyang magiging boss? At paano kung ang tsismosang tulad niya ay may malaman sa nakatagong katauhan ng binata? Love Series 3 Yevhen Thyne Villamayor xMaligaya©October2023
Romance
1013.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
Romance
10281 viewsOngoing
Read
Add to library
My Only Sunshine

My Only Sunshine

ScriptingYourDestiny
My Only Sunshine Isa si Gabriella sa mga taong walang hiya hiya at mahilig bumanat sa taong gusto niya—at ang taong iyon ay si Titus, ang kaibigan ng Kuya Gabriel niya. No'ng una, wala lang naman sa kaniya. Parang nagbibiro lang siya. Ngunit sa nagtagal ay bigla na lang siyang nagseryoso at gustong mapasakaniya si Titus. @scriptingyourdestiny Ang story na ito ay purong fictional lamang. Kung mahilig kang magbasa ng plot na may taguan ng anak (ito ang hinahanap mo) CEO at Prosecutor.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10683 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
Romance
10862 viewsOngoing
Read
Add to library
Sino Ang Ama

Sino Ang Ama

Hindi kamukha ng tatlong taong gulang na anak kong lalaki ang asawa ko. Naghihinala, ang father-in-law ko ay kumuha ng paternity test para sa anak ko. Ang resulta ay nagpakita na walang biological na relasyon sa pagitan nila. Galit at napahiya, ang father-in-law ko ay sumabog sa galit, nagbato ng mga insulto sa akin at pinagbantaan pa na patayin kami. Ang asawa ko, galit din, ay sinampal ako ng malakas sa mukha. “Walang hiya ka! Hinayaan mo ako na palakihin ang anak ng ibang lalaki ng tatlong taon!” Habang nakatitig sa kanilang nagaakusang mga mukha, kalmado akong gumawa ng isa pang report—paternity test sa pagitan ng asawa ko at ng kanyang ama. Kinumpirma nito na sila ay hindi din biological na magkaugnay. Ang kanilang mga ekspresyon ay napahinto sa gulat. Na may maliit na ngiti, sinabi ko, “Mukhang hindi natin alam kung sino ay hindi parte ng pamilyang ito, hindi ba?”
Read
Add to library
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10838 viewsOngoing
Read
Add to library
MAKING MR. HEARTLESS FALL

MAKING MR. HEARTLESS FALL

She’s loud. He’s cold. She believes in happy endings. He doesn’t believe in love at all. Sa mundo ng luxury, deadlines, at perfection, siya ang lalaking hindi marunong ngumiti. Cesar Araneta, 35, CEO ng Luxe Life Magazine, gwapo, matalino, at mayaman — pero kilalang pusong bato. Para sa kanya, ang feelings ay sagabal, at ang pag-ibig ay walang lugar sa success story niya. Hanggang dumating si Gabriela “Gavine” Gutierrez, isang Gen Z aspiring writer na kasing ingay ng alarm clock at kasing saya ng kape sa umaga. Masayahin, palpak minsan, pero may tapang at puso.Hindi siya intimidated sa suplado niyang boss sa katunayan, crush pa nga niya ito simula pa college! Ngunit isang viral post ang gugulo sa tahimik na buhay ni Cesar. Ang “Heartless but Handsome Boss” article ni Gavine ay magpapainit hindi lang ng internet, kundi pati ng opisina ng Luxe Life. But when her “Heartless but Handsome” post goes viral, their worlds collide in the most chaotic, hilarious, and unexpectedly romantic way. Pero paano nga ba magtatagpo ang dalawang magkaibang mundo? Siya, mayaman, sikat, at sanay na lahat sumusunod. At siya, simpleng dalaga lang walang pangalan sa lipunan, pero may pusong kayang umintindi kahit sa pinaka-malamig na tao. “You called me heartless.” Can a cheerful nobody melts the heart of a man who thinks love is overrated? Maybe love isn’t overrated after all — maybe it just needed the right kind of disaster to begin.
Romance
10375 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥
Romance
1018.7K viewsCompleted
Read
Add to library
UNLIKELY FATE

UNLIKELY FATE

"Once you touch me, you're mine!" Yan ang mariin kong sinabi sa fiancé ng stepsister ko. Ako si Grace Cutanda, 25 years old — isang babaeng walang pakialam sa mga taong nasasaktan ko. Mas pinili kong maging matigas at walang puso dahil 'yan ang nagligtas sa akin mula sa mga mapanlinlang na tao. Nagbago ang lahat nang magpakasal ang aking dad sa isang oportunistang babae. Sa isang iglap, ang tahimik naming buhay ay napuno ng kasinungalingan at pagkukunwari. Kasama niya ang anak niyang tila perpektong babae sa mata ng lahat — si Bianca. Pero alam ko ang totoo. Sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha ay isang babaeng sanay mang-agaw at manira. Hindi siya nagdalawang-isip na ipakita kung paano siya paborito ng lahat, habang ako ang laging nasa tabi, tila isang anino. At ngayon, ang fiancé niyang si Andrew — isang successful na businessman na may mapanuksong titig at nakakapanghinang presensya — ay parang isang gantimpala na ipinagyayabang niya. Pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Andrew, para bang may lihim na pagnanasa at pagtataksil na bumabalot sa pagitan namin. Alam kong mali. Pero bakit tila ako ang mas nanaisin niyang piliin? At sa huling pagkakataon, binalaan ko siya. "Once you touch me, you're mine." Ngunit handa ba akong akuin ang mga magiging konsekwensya ng mga salitang binitiwan ko?
Romance
10478 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status