Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1086.8K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
rjpasiano13
Kapanapanabik ang bawat chapter Ms. A, ipon lang ako ng coins para mabasa ko pa mga next chapter. Please continue nyo po, sana matapos nyo to at makagawa pa kayo ng maraming story. Nakakakilig talaga. God bless you author.
Lyn Gambito
mahal lan kc ang bayad sa coins ky hind namin masyado binabasa ang manga story don kmi sa mura lan ang coins kung mura lan sana ang bawat chapter u 5 peso bka marami mag basa sa story u mahal 26 bawat chapter u talagan kunti lan
Read All Reviews
The Good Wife

The Good Wife

I wanted him. I needed him. I adored him. I loved him. But. He never wanted me. He never needed me. He never adored me. and the most heartbreaking part is, he never loved me. Sa puso ni Yanah ay walang ibang laman kundi si Ashton lamang. Ginawa na rin niya ang lahat para mapaamo niya ang kanyang asawa. Ngunit kahit gaano pa sya kabuti rito ay hindi pa rin nito kayang ibigay ang puso sa kanya. Ngunit paano kung ang madilim na nakaraan ng dalaga ay pilit na bumabalik sa kanya? At paano kung ang lalaking kanyang tinatangi ay may iba ding iniibig? A/N: This is my first time writing a story, so if there are grammatical errors and chapters that are slightly childish, ay pagpasensyahan niyo na po . This is an original story written by me, enjoy ️
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS

The Billionaire's Affair Bk. 1 WOUNDED HEARTS

WOUNDED HEARTS Marcus Ace Thompson is a well-known businessman at his own rights. Marami na siyang naabot at napatunayan sa larangan ng negosyo. He is also a well-known womanizer. Walang babae na nakakatanggi sa karisma niya pero wala din siyang sineseryoso. Luhaan ang babae kapag iniwan niya pero wala siyang pakialam sa bagay na yon. Hanggang sa makilala niya si Blanca dela Riva. Ang kaisa-isang babaeng ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Para sa kanya ay challenge ang babaeng ito at sampal sa kanyang ego kaya pinilit niya itong hanapin. But things happened at nahulog ang loob niya dito. Hindi niya alam na may malalalim na dahilan ang pagtatagpo nila ni Blanca. Makuha kayang hilumin ng pag-ibig na nararamdaman nila para sa isa’t-isa ang mga sugat ng nakaraan?
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1014.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Marks and Memories (Original Tales of Remorse)

Marks and Memories (Original Tales of Remorse)

Chleo Magnison was sure Drako Lafrell's the only man she'd want to be with forever. The modern-day princess of Brenther pack had been dreaming of a fairytale-like lovestory with her loving boyfriend, and a never-ending happily ever after with him...not until her parents got killed, leaving her and her brother, Layco a very important task at a young age--to rule over Brenther...and to seek justice for their parents. Akala niya ay kakayanin niya ang lahat hangga't nasa kanyang tabi ang binata...ngunit nang pumutok ang balitang ang mga Lafrell ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang, tila ang akala niyang pang-habambuhay na pagmamahal dito, sa isang iglap, ay bigla na lamang natabunan ng walang kapantay na galit at poot. Now she's facing a heavy decision to make. To leave him, or to stay by his side so she could find an evidence to get him and his family executed for the death of her parents.
Other
5.1K viewsCompleted
Read
Add to library
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Romance
278 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
Romance
9.8234.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status