Kakaibang Init (SPG)
Napangisi at napakamot ng ulo si Aleron.
“Sa tingin ko nga ay tanga sa part na iyon si Guison. Imposibleng maging ampon ka. Isa ka ngang Colyarga. Ang pamilyang sikat na sikat sa mga mababangong luxury na perfume sa buong mundo. Actually, fan na fan ako ng mga pabango ninyo. Pabango niyo nga ang palagi kong ginagamit at ini-endorse sa mga vlog. Isa pa, napadalhan na rin ako minsan ng PR package ng Mama Mia mo, nakakatuwa nga kasi sikat na brand ang nakarating sa akin. Kaya proud akong ini-review iyon sa vlog ko,” masaya niyang wika. “Excited tuloy ako lalong ma-meet ang mama mo, Ralia,” dagdag pa niya.