Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
Romance
109.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Forbidden Desire With My Brother-in-law

Forbidden Desire With My Brother-in-law

"Tigilan mo na Ito, Tristan. I'm your brother's wife, for God's sake. This is forbidden." "I don't care if it's forbidden; if loving you was a sin, then I'm willing to be a sinner. Just love me back, Karina. I love you damn much." Pumikit si Karina at nilalabanan ang tuksong maaring sumira sa buhay niya. "Please, Tristan, iba na lang, wag ako." Naramdaman Niya Ang masuyong paghaplos nito sa bewang Niya pababa sa binti niya. Napapikit siya sa kakaibang sensasyong bumabalot sa kanya, kakaibang init na kailanman di Niya naramdaman Kay Travis. Only Tristan gives this kind of feeling for her. A forbidden bliss. Hanggang kailan nila ipaglalaban ang pag-ibig na bawal?
Romance
121 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Brutal Wife (Tagalog)

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!
Romance
1028.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVING YOU IN PAIN

LOVING YOU IN PAIN

Katana
Nang dahil sa malaking halagang kinakailangan ni Cielo para sa pagpapa-opera ng kaniyang ina upang agapan ang pagkabulag nito ay pumayag si Cielo sa isang kasunduan.  Iyon ay pakasalan ang kasintahan ni Solenn na si Warren Sandoval ngunit bawal siyang umibig sa lalaki. Taksil man kung tawagin, ngunit hindi mapigilan  ni Cielo and damdaming sumisibol para kay Warren. Nalaman din ni Cielo na may pagtingin din si Warren sa kan'ya ngunit nagtatalo ang puso’t isip niya sa kung anong susundin. Lalabag ba siya upang sundin ang puso? O susundin ang dinidikta ng isip na tumupad sa kasunduan upang tumanaw ng utang na loob? 
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Owned By Mr. Verano

Owned By Mr. Verano

"Mahal ko ang pamangkin mo dati." "At ngayon, akin ka na. Nilaro niya ang puso mo, pero ako? Wawasakin ko kahit sino para sa'yo." Hindi kailanman inakala ni Ysabel na ang kanyang pagluha dahil sa isang sirang relasyon ay magiging daan upang mapasakamay siya ng pinakamapangahas at pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ng ex niya. Ang sariling tiyuhin nitong si Leonardo Verano. Tahimik. Malamig. Pero nakakabaliw kung tumingin. Inalok siya ng kasal nito. Proteksyon. Kayamanan. Lahat ng nawala sa kanya, ibinalik, kapalit ng sarili niya. Pero ang magmahal kay Leonardo ay may kasamang kondisyon. At ang unang batas? Bawal mong banggitin ang pangalan ng pamangkin niya, habang buhay.
Romance
9.75.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.3K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (28)
Read
Idagdag sa library
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Basahin ang Lahat ng Review
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1011.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dragon Tattoo 'Equilibrium Series II' (Tagalog)

Dragon Tattoo 'Equilibrium Series II' (Tagalog)

S.B.S
Trina Ellis grew up from a broken family, so while growing up she instilled in her mind that there is nothing good about getting married 'happy ending doesn't exist' though until she met Chiharu Harriz. *** Trina Ellis A.KA. Sky is a spy agent from Equilibrium Agency. One day, the Agency sent her on a mission in Japan to assassinate all the six members of Gokudo Soshiki also known as Yakuza Organization, one of the toughest gang in the country. On the mission, Sky accidentally met Chiharu Harriz o 'Chin' a Japanese-American. He hated Trina for her existence na halos isumpa nito ang dalaga dahil aksidenteng nasira ni Trina ang proposal nito para sa longtime girlfriend nito. Tila ba nananadya ang panahon at palaging pinagkrus ang landas nila, tuloy mahinuhang aso't pusa ang bangayan nilang dalawa. Ngunit paano kung ang hatred will turn into love? Kakalimutan na ba niya ang kanyang paniniwala na happy ending doesn't exist? Disclaimer: This story written in a combination of Tagalog and English Cover design Sheryl Singh
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bayani: Katutubong Diyos

Bayani: Katutubong Diyos

Bilang isang mamayang Filipino, gaano mo kakilala ang bansang Pilipinas. Hanggang saan ang nalalaman mo pagdating sa ating nga kultura at tradisyon. Ilan sa mga natatanging kuwento at hiwaga ng ating bansa ang iyong nalalaman. Panahon na upang tuklasin ang ugat ng ating pagkapilipino at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno. Gaya na lamang ni Earvin, na matapos ang isang malagim na pangyayari, ay natagpuan ang sarili sa isang natatagong lupain. Isang lugar kung saan ang nakaraan ay nagbabalik, ang mga bagay na nakalimutan ay siyang iyong makikita at mga hiwagang inakala niyang nasa libro lamang. Maging ang kaniyang kapalaran ay nasubok dahil sa kawalan ng kasanayan sa ibang lupain. Dito ay nakilala at nakita niya ang iba't ibang katutubong Diyos, mga Diyos na dating kinikilala sa ating bansa. Mga Diyos na nagbigay sa kaniya ng tulong, gabay at basbas. Mga Diyos na siyang nangangalaga ng mga tao. Maging mga Diyos na nagtataglay ng katakot takot na kapangyarihan. Nagawa din niyang makipaglaro sa ibang nilalang at mga diwata. Maalala ang mga tradisyunal na larong pilipino. Ang payak na pamumuhay ng mga mamamayan. Maging ang makipagtalo at makipaglaban sa mga nakakatakot na nilalang at mga engkanto, gaya ng tikbalang at mga aswang. Kaya naman samahan natin si Earvin sa kaniyang paglalakbay na nagpapakita ng mga nalimot na kultura. Masdan kung paano niya magagawang pagharapin, pagsamahin at pagbuklodin ang ating nakaraan at kasalukuyan.
Fantasy
103.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
 A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

A LOVE STORY OF REKINDLED SOULS

10ShyGirl
Si Seraphina ay isang Reincarnated soul at isang Bilyonaryang CEO na Suplada at Allergic sa mga kalalakihan ang mahuhulog at mababaliw sa isang sikat at gwapong Celebrity Billionaire na si Elias Tan. Ang kanilang kasalukuyang kwento ay maraming katanongan na ang tanging mga kasagotan ay nasa nakaraang buhay. Magsisimula ang kwento dahil sa dalawang magkasintahan na kinitil ang sariling mga buhay. Matapos magpakamatay ni Brent ay nagpakamatay din si Amelia.Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng Binata kaya nagpasya din siyang taposin ang sariling buhay. Samantala, matapos ang 27 na taon ay unti unting nagkakaroon ng mga kakaibang panaginip si Seraphina,mga panaginip na para bang konektado sa kanyang nakaraang buhay. Si Elias naman ay ganoon din ang nararanasan, ang managinip ng mga kakaibang scenario na puno ng mga katanongan. What if mag meet si Seraphina at Elias? Ano kaya ang mararamdaman nila sa isat-isa? Magkakaroon na ba ng mga sagot sa kanilang mga katanongan? Si Seraphina at Elias nga ba ang reincarnation ni Amelia at Brent? Mauulit ba ang nakaraang pangyayari tragically sa kasalukuyan? Sino-sino ang mga reincarnated souls?Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit natapos ang buhay Pag-ibig ni Brent at Amelia tragically? Handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang mga reincarnated souls na magpapainit ng inyong mga katawan at mapapakilig ng inyong mga puso? Alamin natin ang buong kwento.
Romance
824 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1516171819
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status