Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Bodyguard

My Bodyguard

Si Cassandra Belmonte, anak ng isang kilalang Mafia boss, ay nasaksihan ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanyang mga magulang. Isang gabing nababalot ng kulog at ulan, ang mga putok ng baril na nagmula sa kanilang silid ang sumira sa kanyang buhay. Dahil sa pangyayaring ito, kinailangan niyang magtago at protektahan ang kanyang sarili. Para sa kanyang kaligtasan, isang dating miyembro ng US Military Special Task Force na si Christopher Herrera, ay bumalik sa Maynila upang magsilbing kanyang bodyguard. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, hindi lamang ang kanyang buhay ang kailangan niyang protektahan, kundi pati na rin ang kanyang puso? Magagawa kaya ni Christopher na pigilan ang pag-ibig na sumibol sa puso ni Cassandra, o mananatili lamang siyang isang tagapagbantay?
Romance
3.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Vampire's Tale

The Vampire's Tale

Isang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali. Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan. Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya? Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana? Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
Fantasy
109.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1066.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Love From The Year Of 1942

My Love From The Year Of 1942

malditah
Si Lilac Bacani ang nag-iisang babaeng heneral na namuno at lumaban sa mga hapon kasama ang kanyang hukbo noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigdig. Isa siyang matapang na heneral at nirerespeto ng lahat. Ngunit dahil sa pagtatraydor ng taong pinagkakatiwalaan niya ng labis ay in-ambush sila ng mga sundalong hapon na nagdahilan ng pagkamatay ng mga sundalo niya at pati na rin siya. Ngunit sa halip na umakyat sa langit ay nag-travel ang kanyang kaluluwa patungo sa taong 2022 at nagising siya sa katawan ng isang twenty years old na babaeng bagong kasal pa lamang na si Gwen Del Rio na kamukhang-kamukha niya. Paano mapaninindigan ni Lilac ang kanyang bagong katauhan sa makabagong mundo na hindi niya kabisado ang kapaligiran at sa katauhan pa ng isang dalagang binu-bully ng mga kamag-anakan nito? At paano kung umibig siya sa asawa ni Gwen ngunit matutuklasan naman niya na may isa pang katauhan si Lander na inililihim nito sa lahat? Makakaya ba niyang harapin ang pangalawang pagta-traydor na magaganap sa kanyang buhay? Makakaya pa ba niyang patuloy na mahalin ang apo ng taong dahilan kung bakit siya namatay kasama ang kanyang mga kasundaluhan noong nasa taong 1942 pa siya at ang taong nag-iwan ng malalim na pilat sa kanyang dibdib?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)

THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)

twtl_trtd
Hindi na nagugustuhan ni Mary Joy Chua ang sitwasyon niya sa ngayon. Kung kailan inakala niyang giginhawa na ang kaniyang buhay, saka naman siya nasampal ng katotohanang walang silbi ang pera kung hindi pa rin siya importante sa mga mata ng kaniyang ina. Sawa na siyang maghintay, at sawa na rin siyang magbilang ng mga araw. Kung hindi siya kayang gustuhin nito, maghahanap na lamang siya ng lugar kung saan siya ang pinakaimportante sa lahat.
YA/TEEN
106.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

Sa ikatlong taon ng kasal ni Demux at Aimee. Hindi inakala ni Aimee na doon niya malalaman ang matagal ng gustong malaman tungkol sa kanyang asawa. Sa wakas natuklasan ni Aimee kung sino ang lihim at pinakatagong mistress ni Demux. Hindi na pala kailangan lumayo ni Aimee. Dahil ang babae ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang kanyang hipag. Si Bella pala ang babaeng matagal ng hinahanap ni Aimee na siyang nagpapahirap sa pagsasama nilang dalawa. Nang gabing pumanaw ang panganay na kapatid Aimee wala man lang makikita na awa, simpatsa, lungkot at malasakit sa mga mata ni Demux. Kahit pa kitang kita sa asawa nitong si Aimee ang labis na sakit at pangungulila dahil sa pagkawala ng kapatid nito. Mula ng araw na ‘yun prinotektahan ni Demux at Aimee ang asawa ng kanyang kapatid na si Bella sa lahat. Ngunit isang ahas pala ang inaalagaan ni Aimee ng lubos. Dahil sa nalaman ni nais ni Aimee na malaman mula sa dalawa ang totoo, kinausap niya ang mga ito. Nalaman ni Aimee na planado talaga ang lahat. Imbis na kalinawan ang makuha sa paghahanap niya ng katotohanan, sakit at kawalan ng respeto sa kanyang sarili ang kanyang nakuha. Demux proposes an urgent divorce. Dahil wala naman ng nakikitang bukas si Aimee sa lalaki agad niya itong sinang-ayunan. Walang nakuha si Aimee mula sa asawa. But Demux make sure na nakuha niya sa babae ang lahat. Ngunit sa likod ng kabiguan at betrayal na nakuha ni Aimee may isang lalaki ang nag-aabang ng tyempo para makamit na ang pangarap na kaligayahan kasama ang babae. Ang lalaki ay kilalang Big Boss sa business world. And that man named Eleazar Medrano. The man who can make the universe scream in so much fear, sa isang bitaw lang ng salita.
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Naughty Boss

Naughty Boss

Theresa Clarita
Sonya is not your typical woman. Hindi siya nagsususuot ng mga damit na sexy, hindi rin siya nag-aayos ng sarili. Manang at Baduy kung tawagin. Madalas din siyang hindi natatanggap sa mga ina-applyan na trabaho dahil sa itsura at pananamit niya kaya naman laking tuwa niya ng may isang tumanggap sa kanya. Ang akala ni Sonya ay magiging normal na ang pag-ikot ng kanyang mundo. But despite of being Manang and Baduy, her boss began to show actions that he's beginning to likes.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Play with me, Mr. Rafa

Play with me, Mr. Rafa

Isang mabuting anak si Nathalie Jimenez sa kanyang mga magulang ngunit pinipilit siya ng mga ito na magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Isang matagumpay na business man si Rafael Blake. Halos nasa kanya na ang lahat. Nagtatrabaho si Nathalie sa Blake Company at may lihim na pagtingin kay Rafael ang pinsan ng kanyang boss. Isang gabi ay may nangyari sa kanila dahil sa truth or dare na laro ng kanilang mga kaibagan. Pagkatapos nang gabing iyon ay naging friends with benefits na sila. Magbabago ba kasunduan nila? Paano kung may sekreto si Rafa, matatanggap kaya ito ni Nathalie?
Romance
1023.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Secret Husband Is A Mafia Boss [

My Secret Husband Is A Mafia Boss [

“Mamili ka: ikukulong mo ‘ko at wala kang makukuhang impormasyon, o ibibigay mo sa’kin isa sa mga anak mo at makikipagtulungan ako sa inyong mahuli niyo ang ibang mafia bosses?” Iyan ang naging speech ng mafia boss na si Heath kay General Chrysanthe—ang lalaking nakahuli sa kaniya at ang tatay ni Brianna. Kaya sila biglang kinasal nang patago. Heath married Brianna for leverage. Brianna married Heath because she wanted to protect her younger sister from their father. Hindi akalain ni Brianna na may mas lulupit pa pala sa mundong gusto niyang takbuhan. Ang mailap na ugali ni Heath ay hindi niya matagalan. Alam niyang mali pero parang nahuhulog siya sa kaniyang bodyguard na si Rainer. Pareho silang naghahanap ng daan palabas sa kanilang mga problema. Ang tanong: matatapos ba ito at paano? Alam nilang walang "happy", at "ending" lang ang mayroon sa kwentong ito. Pero... hindi nga ba talaga posible ang happy ever after?
Romance
1020.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I'll Be Yours

I'll Be Yours

Miss Elle
Raizel Benitez-Cruz grew up believing that he was bullied by Cornelia Bella Braganza. Mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon—kung hindi aasarin at lalaitin, ang palaging ending ng pagtatalo nila ay magpapaka-ate ito sa kanya. Ang palagi pa naman tawag nito sa kanya ay “bata” at “taba.” "Kahit kailan, hindi ko magugustuhan ang babaeng iyon!” So he said. He had enough of her. Kaya ang naging solusyon niya ay sundan ito ng tingin at camera, kunin ang mga failed moments at reactions nito, at gamitin na pang-asar. Hanggang sa hindi niya namamalayan, hanap-hanap niya na ito. Dumating ang araw ng graduation ni Bella. Hindi niya inaasahan na sisisihin siya nito sa mga kamalasan nito sa buhay bago sila maghiwalay ng landas. Walang ideya si Raizel sa mga pinatutungkulan ni Bella. Kaya ipinangako niya sa sarili na kung magkikita ulit sila, ipararanas niya rito kung ano ang malas na dala ng isang Raizel Cruz. Magawa niya kaya ito kung sariling puso na ang kalaban niya?
Romance
104.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4041424344
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status