Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Love I Tried to Hide

The Love I Tried to Hide

Noong gabi bago ang kanyang kasal, gumuho ang mundo ni Tyrra. Nahuli niya ang kanyang kasintahan sa kama kasama ang kanyang kapatid na babae. Nadurog ang puso, nakilala niya ang isang guwapong estranghero at nagpalipas ng gabi sa kanya. Pagsapit ng umaga, wala na siya. Makalipas ang anim na taon, si Tyrra ay isang single mom na may magandang karera. Hinihiling sa kanya na kapanayamin ang isang mayaman, pribadong lalaki at ang parehong lalaki mula noong gabing iyon. Ang kanyang pangalan ay Lemar Domino. Kilala niya agad. Ilang taon na niya itong hinahanap. Nag-aalok si Lemar ng deal: gumugol ng isang buwan sa kanya, at maaari siyang magkaroon ng pakikipanayam. Hindi sigurado si Tyrra. Gusto niya ang pakikipanayam, ngunit gusto niya ring kalimutan ang nakaraan. Habang nagsasama sila, nagsisimula silang maging malapit. Ngunit tinatago ni Tyrra ang katotohanan. Hindi alam ni Lemar na siya ang ama ng kanyang anak. Lalong lumala ang mga bagay nang ang seloso na kapatid ni Tyrra na si Grace ay sinubukang kunin si Lemar para sa kanyang sarili. Mawawasak ba sila ng kanilang mga sikreto at hindi pagkakaunawaan? O patatawarin ba ni Tyrra, bubuksan ang kanyang puso, at muling mahahanap ang pag-ibig?
Romance
375 viewsOngoing
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Vincent HITMAN AGENT

Vincent HITMAN AGENT

Vincent Hawley. Isang pinaka magaling at myembro ng organisasyon ng mga pumapatay sa mga matataas na leader ng sindikato. Inatasan siyang patayin ang lalakeng si Francis Villaruel isang leader ng malaking sindikato.Kalaunan ay nakilala niya ang babaeng si Shariena Villaruel Garcia sa isang gym. Napag alaman niya na iisa lang ang kanilang misyon ang mapatay ang leader ng sindikato na si Francis Villaruel. Shariena Villaruel Garcia ay naghanda para maghiganti sa taong pumatay sa kanyang mga magulang.Magagawa pa kaya ni Vincent ang kanyang misyon sa oras na malaman niya na ang babaeng nakilala niya ay pamangkin ng leader ng sindikato ang naka takda niyang patayin.Hindi inaasahan ng binata na makikipag sanib pwersa ang dalaga sa kanya para magawa ang kanilang misyon.Ngunit sa di inaasahan ay umibig si Shariena sa binata. Samantalang magagawa pa kaya ni Vincent na mahalin ang dalaga kung nakahadlang ang tiyuhin ng dalaga sa kanilang pagmamahalan?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Wife Is The Hidden CEO

My Wife Is The Hidden CEO

Ang buhay ni Edward Martel ay isang bangungot na nilikha ng kanyang sariling pamilya. Pinagtaksilan, inmanipula, at pinilit sa isang walang pagmamahal na kasal, gumuho ang mundo ni Edward nang hindi sinasadyang nakipaghiwalay siya sa tanging taong tunay na nagmamahal sa kanya, si Sasha Raine Zorion. Punong-puno ng galit at pagsisisi, tiniis niya ang malupit na kamatayan, ngunit muling nabuhay na may pagkakataong itama ang mga pagkakamali.
Romance
109.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Takasan Ang Bilyonaryong Taksil

Takasan Ang Bilyonaryong Taksil

Pagod na pagod na si Merida pakisamahan ang kaniyang asawa at kaniyang mga in-laws na ang buong attention ay nasa stepsister lang niya. Sa limang taon na kasal sila ni Evos, ginawa siyang alila ng biyenan niya at hindi siya kailanman tinuring ni Evos na asawa. Hanggang sa dumating sa puntong nalaman niya ang pagtataksil nito at iisa lang ang nais niyang mangyari, ang takasan ang asawa niyang taksil.
Romance
10107.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Beyond Contract

Love Beyond Contract

Synopsis Si Sienna ay napilitang sumang-ayon sa isang kontrata ng kasal kay Denver Thompson, isang bilyonaryo at CEO ng Thompson Corporation, kapalit ang malaking halaga para sa gastusin ng kanyang mama at kuya. Dahil sa malalang aksindente at wala siyang malaking halaga ng pera. Ang kontrata ay may dalawang taong tagal. Bago nito, si Sienna ay nagtrabaho bilang sekretarya ni Denver ngunit umalis siya nang malaman niya na si Denver ang dahilan sa  pagkamatay ng kanyang pangalawang kuya. Alam na sa sarili ni Denver na mahal na niya si Sienna unang kita pa lang niya sa dalaga. Ngunit ayaw na ng dalaga magmahal dahil sa naranasan niya sa ex-boyfriend. Nang sumang-ayon si Sienna sa kasunduang kasal ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Denver lalong lalo na fiancée at ang pamilya nito. Habang tumatagal na magkasama ang dalawa ay unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata, na halos makalimutan na niya ang kasalanan na ginawa nito sa kaniyang kuya, halos naibigay na niya ang sarili niya sa binata at nabuo ang munting sanggol. Ngunit sa isang aksidente na nagdulot sa lalaki ng pagkakaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng 7 taon. Si Denver na isang maginoo, mabait at makulit kay Sienna, na babalik sa kaniyang dating masamang ugali, na siyang gagamitin ng ex fiancée niya upang bumalik sa kaniya. Maibabalik pa ba kaya ni Sienna ang pagmamahalan at alala na binuo nila ni Denver ng magkasama? Kakayanin kaya no Sienna ang mga hamon na kakaharapin niya? Ibabalik pa ba niya ang lalaking minahal kung ang makakalaban niya ang ama ni Denver na hindi siya tanggap bilang daughter-in-law at mga iba pang hamon?  
Romance
10640 viewsOngoing
Read
Add to library
Playing With My Boss

Playing With My Boss

Mahal na mahal nina Mathia at Draken ang isa't isa at halos hindi sila mapaghiwalay ng tadhana. Nangyari ang nangyari sa kanilang mga buhay at magbubunga 'yon ng isang bata na nasa sinapupunan ni Mathia. Ngunit imbis na sumaya ay nalungkot at halos bumigat ang pakiramdam ni Mathia nang bigla siyang iwan ng kasintahang si Draken. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngunit nagpakatatag siya para sa anak. At sa hinaba-haba ng panahong lumipas, muling magkikita ang dalawa gayundin ay masisilayan ni Draken ang kaniyang anak sa dating nobya. Bakit nga ba nagawang iwan ni Draken ang kaniyang mag-ina?
Romance
9.623.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
Romance
10485 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir

Marrying a Cold Hearted Billionaire Heir

Ang buong akala ni Monica ay makakasama na niya ang kanyang nobyo na hindi niya nakita ng matagal na panahon dahil sa pangingibang bansa ngunit laking gulat niya sa kanyang paguwi ay may ibang babae na pala ang kaniyang nobyo. Sa sakit at paghihinagpis, napilitan si Monica na tanggapin ang alok ng kanyang madrasta na mag pakasal sa anak ng isang mayamang pamilya, ang pamilya Monterde. Pinaalalahan siya ng kaibigan niyang si Patricia na magiingat sa gagawin niyang desisyon dahil hindi basta basta ang papasukin niya ganun din ang pamilya nang papakasalan niya. Ngunit buo na ang loob ni Monica at handang gawin ang lahat dulot na lamang ng sakit na ginawa ni Jhorby, kahit na alam niya na tatlong buwan na lamang ang nalalabi sa buhay ng kaniyang papakasalan. Naiayos na ng mga magulang nila ang papel sa kanilang kasal at ang tanging hinihintay na lamang nila ay magkaanak at dalawa ngunit sa kasamaang palad ay ayaw ng lalaki kay Monica dahil alam rin nito na pera lamang ang habol nito at kanilang ari arian. Pero matapang at buong loob pa rin sa Monica sa kaniyang binabalak. Sa umpisa ng kanilang pagsasama ay, makikita na ayaw na ayaw talaga ni Fabian kay Monica ngunit may mga bagay na pinapatunayan si Monica at napapabilib nito ang lalaki at abangan sa mga susunod na kabanata kung ano nga ba kahihinatnan nang kanilang pagsasasama.
Romance
374 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE AND MYSTERY

LOVE AND MYSTERY

BLURB OF THE STORY Ang simpleng buhay ni Cassey ay biglang nagbago dahil sa isang aksidente. Pagkatapos niyang magising sa pagkaka-comatose ay nagkaroon siya ng partial amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari bago siya naaksidente. Ngunit kasabay ng pagkakaroon niya ng amnesia ay ang pagkakaroon naman niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa ng taong namayapa na. Dahil sa bagong kakayahan niyang iyon ay nakilala niya ang kaluluwa ng kamamatay pa lamang na artistang si Dindy Arevalo. Humingi ito sa kanya ng tulong na iparating niya sa fiance nitong si Marcus Monteverde na hindi ito nagpakamatay katulad ng pagkakaalam nito at muling pa-imbestigahan sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ng aktres. Dahil mahirap ang ipinapagawa ng kaluluwa ni Dindy kaya tinanggihan niya ito. Ngunit sa bandang huli ay nagdesisyong siyang tulungan ito dahil na rin sa walang tigil na pangungulit nito sa kanya. Pero paano niya sasabihin kay Marcus na nakikita at nakakausap niya ang fiancee nito at ang tungkol sa nais iparating ng babae dito nang hindi siya magmumukhang nababaliw sa mga mata ng binata? At ano ang gagawin niya ngayong nalalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dindy?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status