Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Metal Cage

His Metal Cage

Yenah Arabella a girl with a disability. Ipinanganak siyang bulag ngunit lumaki kasama ang matandang itinuring niya nang ina. Siya ang naging pasanin ng kaniyang abuwela dahil sa kaniyang kapansanan. Until her grandmother died. Mas naging mahirap na kay Yenah ang mabuhay. She's only seventeen. Her age isn't suitable for work. Pero sinikap niyang maghanap at sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas siya sa kaniyang comfort zone at nakipagsapalaran sa labas. Inayawan siya ng mga in-apply-an niya dahil sa kapansanan niya pero hindi ang mga Rojo. Dahil tinanggap siya ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Yenah na napakarami nang umalis na katulong sa bahay na iyon. Ang lalaking nakakulong sa basement ng mansyon ng mga Rojo na pinagsisilbihan niya ang dahilan ng lahat. Ang nakakagulat ay sa lahat ng katulong na pumasok sa silid na iyon ay si Yenah ang hindi nakalabas.
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Back Babe

I'm Back Babe

charmynxwp
Sabi nila, age doesn't matter. Pero bakit nang malaman nila ang nangyari bakit sila nagalit?. Aleandra Kaye Dioa, she is a first year high-school student who just want to study and make friends. Ang kanyang pamilya ay strikto at ang mga kapatid nito ay ganon rin. Jethro Ashier Claver, he is also a first year high-school student. Kaye and him are classmate. Siya ay isang makalokohang lalaki, wala siyang ginawa kung hindi ang mangasar ng mga kaklase. Naging magkaibigan sila at malapit sa isa't isa. Ang mga tao ay napagkakamalan na silang magkasintahan sa sobrang lapit nila. Ngunit ang mga akala ng tao ay nagkatotoo, napamahal sila sa isa't isa sa murang edad. Nalaman ito ng mga magulang ni Kaye at ito ay mga nagalit. Ngunit paano kung ayaw makipaghiwalay ni Jethro? Ano ang mangyayari? Itutuloy pa rin ba nila ang namamagitan sa kanila?.
YA/TEEN
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Love or Lust

Love or Lust

Mysterious Novelist
Hinulma ng galit, hirap at sakit ang puso at buong pagkatao ni Safira Morgen mula nang nagbago ang kanyang naging tadhana nang mahiwalay siya sa kanyang totoong pamilya. Napunta siya sa pamilyang hinulma sa karahasan at kasalanan. Nang umabot sa 16 anyos na edad si Safira ay inakala niya na pinatay ng malaking sindikato ang mga taong nag aruga at nagpalaki sa kanya, kung kaya't nagawa niyang mailagay ang hustisya sa kanyang mga palad. Hinanting niya lahat ng mga malalaking taong may posibilidad na koneksyon sa taong pumatay sa kanila habang ginagamit niya ang kanyang makamandag na umaapoy na alindog. Saka niya makikilala si Grievo na kalaunan ay ang taong magtuturo sa kanya ng totoong pag-ibig.. .Magagawa pa ba niyang mahalin si Grievo kung malalaman niya na siya pala ang pumalit sa buhay na dapat para sa kanya dahil siya ay ampon ng pamilyang MORGEN na kanyang totoong pamilya? Nasa huli ay matutuklasan din niyang siya rin pala ang totoong anak ng mga SENDON, mga taong nag aruga sa kanya na kalaunan ay malalaman niya na siya ay tunay na binenta nila bilang kalakal sa mga sindikato? Na naging dahilan ng kanyang paghihikahos at pagkalugmok sa mundo ng PROSTITUSYON? Mamahalin din ba ni Grievo si Safira kung malalaman niya sa huli na isa pala siyang BETERANANG ESCORT GIRL na inakala niyang isang simple, isang Manang na wierd at balot na balot kung panamit ay lihim din palang pumapatay para lang makamit ang inaakala niyang hustisya.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10354 viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge Of Mafia Queen

The Revenge Of Mafia Queen

Alarcio Mj
si Reina ay mabait at cold na klase ng babae ngunit Hindi alam ng karamihan ay sa loob loob nito ay Isa syang malupit at walang awang tao at lingid sa kaalaman ng karamihan ay ginagawa lamang nya ito ng dahil na rin sa taas ng kanyang position ngunit Ang totoo Nyan ay Isa lamang syang simpleng dalaga na naghahangad ng hustisya dahil sa murang edad ay nasaksihan ng. inocente nyang mga Mata Ang pagkawalan ng buhay ng kanyang mga magulang ng dahil sa karanasang ito ay nabalot Ang puso nya ng puot at Galit ipinangako nya sa puntod ng kanyang mga magulang na maghihiganti sya at uubusin Ang mga kalaban at babawiin nya Ang buhay na ipinagkakait sa kanya ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon ay muli Silang magtatampo ng lalaking ky tagal na nyang hinihintay muling mabubuo Ang kanilang pagiibigan ngunit sa Hindi inaasahang pagkakataon malalaman nya na Ang kanyang minamahal ay anak Pala ng kanyang mortal na kaaway matutupad pa kaya Ang pinangako nya sa kanyang mga magulang na uubusin nya Ang angkan ng mga Kalaban o hahayaang nalamang na mamuuo Ang naudlot na wagas na pagmamahalan ng Dalawang taong itinakdang makaaway. Tunghayan Ang pakikipaglaban nila Reina Satory Azumi at Aix Mathew montefalco sa ngalan ng pagibig at paghihigante.
Romance
3.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ruthless BILLIONAIRE

The Ruthless BILLIONAIRE

Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Tale of Nayagi

The Tale of Nayagi

TheChaserMe
Ang gusto lang ni Devon ay malaman kung bakit nagpakamatay ang kapatid niyang si Deanna. Ngunit hindi niya inasahan ang pagtuklas sa mga Nayagi, ang mga alagad ng demonyo na nagtutulak sa mga tao upang gumawa ng kasalanan. Isa na roon si Damon, ang Nayagi na may kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang kapatid...at ang lalakeng magpapainit ng malamig niyang puso.
Paranormal
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Unwanted Bride

The CEO's Unwanted Bride

Leona D.
Mahigit dalawang taon na pilit itinatago ni Britanny at ng kanyang kasintahan ang kanilang relasyon sa kaniyang mga magulang. Bagamat mahirap ito para sa kanila ay nakukuntento naman sila sa kanilang sitwasyon.Palihim silang nagkikita, nag-iintay nang tamang panahon upang maipagtapat ito sa kaniyang mga magulang. Ngunit sa isang araw lamang ay nagbago ang lahat. Ang buhay ni Britanny ay tila naging isang bangungot ng sa kaniya iniatang ang responsibilidad na hindi naman dapat sa kaniya. Kaya ba niyang panindigan hanggang huli ang napakalaking responsibilidad na ito? Magpapadala na lamang ba siya sa agos ng tadhana na tila iginuhit sa kanyang palad ng kanyang mga magulang?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status