Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Me Angel [Filipino]

Love Me Angel [Filipino]

Simula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan ng laman. Sa pagtakas nya ay nagtago sya sa sasakyan ng isang retiradong sundalo. Pansamantalang kinupkop sya nito. Binihisan at pinakain. Hanggang isang araw ay nag alok ito na babayaran ang mga taong humahabol sa kanya kapalit ng pagpapakasal. Dapat ba syang magtiwala dito? O kagaya din ito ng mga lalaking walang ibang hangad kundi ang katawan nya? Jeizhiro Natividad and Ivy Crisostomo story #TAGALOG #MATURE
Romance
1022.7K viewsCompleted
Read
Add to library
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Good Wife Revenge

The Good Wife Revenge

MissAlmond
Nag tatrabaho si Quelsy Arcela Guevara bilang waitress sa isang mamahaling restaurant. Nag iisa nalang ito sa buhay simula ng mamatay sa car accident ang kanyang mga magulang. She never had a boyfriend ngunit may isang lalaki itong lubos na hinahangaan. Walang iba kundi si Kavin Santiago, the CEO of Santiago Enterprise.    Dahil sa lubos na pag hanga ng dalaga dito ay mabilis na Nahulog ang kanyang puso. Hindi ito nag dalawang isip na pakasalanan si Kavin.  Hangang sa malaman nito ang totoong dahilan kung bakit sya nito pinakasalan.   Sa pag hihinagpis ni Quelsy, hindi nya inaasahan na meron syang masasandalan. Walang iba kundi si Emmett De Castro, ang matalik na kaibigan ng kanyang asawa.  Sa pag tutulungan nilang dalawa, magawa kaya nilang pabagsakin ang lalaking nag bigay ng hinagpis sa mga puso nila?  Masumpungan kaya nilang dalawa sa isat-isa ang tunay na pag-ibig? O di kaya mapabilang nalang din sila sa mga nabiktima ng mga taong lubos na nag kasalanan sa kanila.  
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid for the Billionaire (Tagalog)

Maid for the Billionaire (Tagalog)

Isa si Naya sa mga nasipa sa trabaho nang amo niyang intsik na mahilig sa mga nakasuot nang croptop, kaya naman nakuha na niyang tanggapin ang alok sa kanya nang kabaryo niya na lumuwas sa syudad at makipag sapalaran bilang isang katulong. Matatagalan ba niya ang pananatili kung ang amo na napuntahan nya ang ubod nang sungit na Bilyonaryo?
Romance
9.259.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery

Breaking the Law with my Stepbrother, Attorney Justin Avery

"You broke the law of this house when you fell in love with me, your own stepbrother. And now, you’ve broken the law of this country by killing someone. Tell me, Hariette. How will you defend yourself from the crime you’ve committed, when you couldn’t even defend the love you once felt for me?” Napagbintangan si Hariette ng mga kapitbahay na siya ang pumatay sa kanyang tiyuhin matapos makita ng mga ito na hawak niya ang patalim habang nakahandusay sa sahig ang duguan na katawan nito. Inaresto siya ng mga pulis at ikinulong nang walang matibay na ebidensya laban sa kanya. Umatras ang kanyang abogado sa paghawak ng kanyang kaso dahil ayaw niyang magsalita at ipagtanggol ang sarili. Ayaw niyang sabihin ang totoo na ang kanyang Tiya Gilda ang pumatay sa asawa nito. Wala na siyang makuhang libreng abogado kaya naman napilitan siyang humingi ng tulong sa pamilyang minsan na ring kumupkop sa kanya bago siya napunta sa poder ng kanyang tiyahin, at iyon ay ang mga Avery. Noong una, ayaw itong tanggapin ni Justin, dahil hindi ito humahawak ng kaso ng mga kriminal. Ang katwiran niya, bakit nya ipagtatanggol ang mga taong nagkasala? Ang nararapat sa mga ito ay maparusahan. Pero sa kalaunan ay tinanggap niya rin ito, ngunit bago pa man ang lahat ay nagkasundo sila na babayaran niya ito sa paraang gusto ng binatang abogado, at pumayag naman siya. Pero paano kung ang hilingin nitong bayad ay ang pakasalan siya ng sikreto? Ang akala niya ay may nararamdaman din ito sa kanya. Iyon pala, gusto lang nitong turuan ng leksyon ang babaeng nang-iwan dito. Ang babaeng pinagselosan niya kaya siya lumayas sa bahay ng pamilya Avery. Sa pagitan ng hustisya at pag-ibig, sino ang tunay na huhusgahan? Ang nagkasala, o ang nagmahal?
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Z-Virus: Seeking for Cure

The Z-Virus: Seeking for Cure

PerfectionInRedzMystery
Isang virus ang unti-unting kumakalat sa buong panig ng Pilipinas. Ito ay unti-unti rin na umuubos sa papulasyon ng Pilipinas. Ang simpleng bakasyon ni Agent Xanthea ay nauwi sa pagharap, pakikipaglaban, at pagkikipagsapalaran sa mga infected ng virus na kumakain ng kapwa tao. Isang kagat lang ay maaari na rin itong maipasa sa iba. Kasama ang mga kaibigan at team ni Xanthea—poprotektahan nila ang cure na hawak mismo ni Xanthea. Pangangalagaan niya—nila ang cure laban sa mga taong gustong kunin at wasakin ito para tuluyang kumalat ang virus sa buong mundo. Dadanak ang dugo, marami ang lalaban, marami ang madadamay, at malaki ang mawawasak. Sa huli, katarungan at kapayapaan pa rin ang mananaig. Ngunit tapos na nga ba talaga?
Paranormal
107.9K viewsCompleted
Read
Add to library
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA

THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA

Paninumula: Pagkatapos ng limang taon na patago nilang kasal, hindi kailanman malapit sa kanya ang kanyang asawa sa harap ng iba. Hanggang sa isinama nito ang kanyang dalawang anak na lalaki at maging si Trixie Domingo para mag candle light dinner at makatanggap ng papuri mula sa pamilya ni Shania mula sa internet bago ito tuloyang mamaalam. Nang marinig niya ang kanyang anak na tinawag itong "Auntie Trixie" dahilan ng pagkaguho niya at pagkawalang interest nito sa asawa niya na kailanman ay hindi ito mahal maging ang kaniyang mga anak ay kinamumuhian siya. Naisipan na lamang ng Thessa na magpaka layo-layo at tanging paraan niya lamang ay mahalin ang sarili matapos ang pakikipag diborsyo sa asawa nito, at balikan ang dating maliit na negosyo sa Baranggay Payapa, doon ay nakakapag experimento siya ng mga halamang para sa mga may sakit , at mga halamang pang paganda. Matapos malaman na gusto niyang maghanap ng Tatay para sa anak niyang Babae , isang sayantipikong boss, isang financial tycoon , at isang nangungunang idolo sa isang aktibadong teleserye at lahat ng mga ito ay nag rekomenda at nagpakilala sa kanilang sarili. Para humingi lamang ng pabor. Kalaunan ang kanyang dating asawa ay biglang lumuhod at punong puno ito ng pagsisi sa mukha, "Thessa" mahal kita pwede ba tayong magpakasal muli? Ang tila bosses na puno ng pagsisi ng kanyang asawa. "Carlo" para alam lang alam mo sariwa pa saakin ang lahat ng nagyari mula ng ikaw ay nagloko! Maging ang mga anak nito ay nagmakaawa na rin na balikan sila: "Nay" ikaw ang kailangan namin. At si Thessa ay iwinagayway na lamang ang mga kamay, " Hindi!" Hindi ko na kaya pa.
Romance
106.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Flawless Diamond

My Flawless Diamond

Ped Xing
Isang buwan bago ideklara ng dating management na bankrupt na ang TheCompany pinakilala si Gil bilang bagong Presidente at CEO. Ayon sa mga business expert imposibleng makaahon ang TheCompany dahil sa pagkalubong nito sa utang. Pero pinatunayan ni Gil na kaya niyang maging posible ang imposible. Ano pang mga balakid na haharapin ni Gil sa kabila ng tinatamasang tagumpay? Si Ellie isang baguhang real estate agent. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Gil? Paalala: Ang kwentong ito ay kathang- isip lamang. Ang mga karakter, lugar at sitwasyon ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status