LOGINNAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
View MoreBAKAS pa rin sa mga mata ni Melody ang saya. Para sa kaniya parang nananaginip pa rin siya. Kasama niya talaga si Elijah at hindi mababago ang katotohanan na 'yon. "Okay ka lang ba?" bahagya pa siyang nagulat dahil sa boses ni Elijah sa likuran niya. Nakalapit na pala ito sa kaniyang hindi niya man lang namalayan."Ayos lang ako. Napakaganda lang ng paligid, lalo na ang bughaw na karagatan, Elijah.""Salamat naman at nagustuhan mo, Melody. Maganda talaga dito, kaya nga mas minabuti kong mamalagi sa lugar na 'to."Hindi napigilan ni Melody na mapangiti sa harap ni Elijah nang makalapit ito sa kaniya. Simple lang pala ang lalaking nasa harap niya ngayon, dahil nga sa sinabi nitong mas gugustuhin nitong tumira sa lugar na 'yon keysa sa siyudad na mas komportableng tirhan ng ibang katulad nito."Ikaw ba? May pagkakataon bang gusto mo rin tumira sa isla?" tanong nito sa kaniya.Sa totoo lang minsan niya na rin naman naisip ang bagay na 'yon. Iyon nga lang alam niyang hindi
ISANG malaking ngiti ang pinagkaloob ni Melody sa kaniyang sarili. Hindi niya lubos na inakalang makakatanggap siya ng isang imbitasyon mula kay Elijah. Inaasahan naman niyang magkikita silang dalawa pero iyong iimbitahan siya nito para sa isang hapunan kasama nito ay hindi naging sakop ng imahinasyon ng dalaga. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat ng 'to. Hindi niya pa nagawang magpaalam sa dalawa niyang kaibigan, tsaka niya lang siguro sasabihin kapag iyon paalis na siya. Baka kasi magduda na naman ang mga ito at mag-isip na naman ng mali.'Bahala na! Mapagkakatiwalaan ko naman siguro si Elijah. Hindi niya naman siguro ako pababayaan. May reputasyon siya rito hindi niya ipagpapalit iyon sa isang katulad ko lang.'I mean! Hindi lang naman ako basta lang, may ibibigay naman ako kung tungkol sa estado ng buhay nila ang pag-uusapan. Hindi man nila ganoon kasing yaman sina Elijah tulad na lamang ng lahat na napag-alaman niya tungkol sa binata, kahit papano marangyang buh
HINDI pa rin mawala sa isip ni Melody ang tagpong mayroon kanina sila ni Elijah. Mukhang makakagawa na naman siya ng panibagong kanta, aniya pa."Para saan na naman ang ngiting 'yan?" bulong sa kanya ni Zandra. Kasalukuyan sa isang boutique silang dalawa para mamili ng mga pasalubong nilang tatlo, siya si Sonata lang naman ang balak niyang bilhan sa mahigpit nitong bilin sa kaniyang polseras daw. Mahilig ang bunsong kapatid nya sa mga abubot kaya hindi nya ito bibiguin, alam niyang magiging masaya si Sonata kapag binigay nya ito rito.Malaki naman ang lihim na pabaon sa kanya ng mommy niya."Hindi ka pa rin makamove-on sa pagkikita niyo 'no?" tukso ni Zander. Talagang tumigil pa ito sa harap niya kasabay ng pagwagayway ng t-shirt na napili nito sa mukha niya."Masaya lang ako.""Alam naman namin, feel na feel naman namin, Oddy. Pero huwag magpakalunod at baka hindi ka makaahon," anito sa kaniya.Alam niyang may laman ang sinabi ni Zander. Tumingin siya sa kakambal nito
"IYONG kamay ko, miss." Bigla ang ginawang pagbitiw ni Melody at hindi niya namalayang natagalan ang paghawak niya sa kamay ng lalaking kaharap niya na walang iba kung hindi si Elijah Perez. Inaasahan niya rin naman ang paghaharap nilang dalawa pero ang hindi niya akalain ay ang mapaaga ito. "How's your stay?" tanong ng inaakala niyang si Elijah sa kanilang magkakaibigan. Hindi ito nakatingin sa kaniya kun 'di sa dalawa niyang kasamang nasa tabi niya. Hindi pa rin halos makapaniwala si Melody sa pagkakataong 'tong hindi niya ito inaasahan ng lubos. "Okay na okay naman, Mr. Perez. Masaya naman kami lalo na ang kaibigan naming si Melody." Tumingin sa gawi niya ang dalawang kaibigan niya, may panunudyo sa mga mata nito. Umiwas na lang siya ng tingin dito at baka isipin agad ni Elijah na gustong-gusto niya ito."Enjoy yourselves, guys. Salamat sa pagbisita. Welcome in Villa Camino."Sinundan ng tingin ni Melody si Elijah habang magalang itong nagpaalam






![THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)











Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.