Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Maid Ako Ng Amo Ko

Maid Ako Ng Amo Ko

Fara Fabulosa, 21 years old, anak mayaman at nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Fara ay may kulang pa rin sa kanya. Oo napapalibutan nga siya ng maraming magagarang kagamitan, alahas at pera. Ngunit walang lalaking nagmamahal sa kanya ng tapat. Dahil sa isip niya ay pera lang ang habol sa kanya ng mga lalaking nagkandarapa sa panliligaw sa kanya. Hanggang sa pilitin na siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Ngunit bago mangyari iyon, gumawa na nang paraan si Fara. Tumakas siya sa bahay nila dala ang kaunting damit at perang naitabi niya. Pumasok na katulong si Fara. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ang magiging amo niya ay ubod ng strikto at sungit. Siya si Reyman Fernandez, ang lalaking hindi man lang nagawang tapunan siya ng tingin. Ngayon lang siya nakahanap ng lalaking katulad ni Reyman. Paano niya haharapin ang panibagong mundo niya? Makakaya ba ni Fara ang ugali ni Reyman? O baka susuko na lang siya at tuluyan ng magpakasal sa lalaking hindi man lang niya kilala. Tunghayan ang kapanapanabik na kabanata sa buhay ni Fara Fabulosa.
Romance
1043.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Still You

Still You

Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang muli silang magkita sa wedding rehearsal ng mga kaibigan nila at nang masundan pa ang mga pagkikita nila. Hindi man naging opisyal ang relasyon nila, si Lance ang unang lalaking totoong minahal niya pero bigla na lamang na naputol ang komunikasyon nila. Nalaman na lamang ni Laura na inagaw nito ang girlfriend ng best friend nito. Sinubukan ni Laura na iwasan si Lance dahil siguradong magugulo lang nito ang maayos niyang buhay kapag muli silang nagkalapit. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tila sinasadya ng pagkakataon na magkasama sila. Eventually, Lance asked her for a second chance. Pumayag naman si Laura. Ang akala niya ay wala na silang magiging problema, pero natuklasan niya ang malaking kasalanan na nagawa sa kanya ni Lance.
Romance
106.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My husband in- law

My husband in- law

Napilitang magpakasal Kay Marie si Ariel dahil sa gusto Kasi siyang patayin Ng Asawa Ng kanyang ex-girlfriend. Hindi Kasi akalain ni Ariel na may Asawa Ang kanyang ex-girlfriend. At Ngayon ay hinahauting tuloy siya ng Asawa nito. Kaya tuloy Wala siyang  nagawa kundi Ang pakasalan si Marie. Palagi pa Rin Kasi siyang  ginugulo Ng Ex-girlfriend nito at Ng Asawa nito.    Pero habang tumatagal ay nagugustuhan na Pala ni Ariel si Marie. At nagseselos ito sa Senior Engineer ni Marie na kasamahan niya sa trabaho. Naiinis si Ariel dahil palaging magkasama Ang dalawa. Kaya inilipat niya Ng destino Ang Senior Engineer at Ang mga kaibigan nito sa malayo. Akala niya ay mailalayo na niya si Marie sa Senior Engineer. Pero Nang kinulang Ng tao ay pinadala si Marie doon ng Chairman para samahan Ang mga kaibigan.    Makalipas Ang isang buwan matapos ni Ariel ang project niya. Kaya sumunod Naman siya sa Lugar kong nasaan si Marie at Ang mga kaibigan nito.   Doon ay palagi niyang sinusundan si Marie. At Kung Makita niya na magkasama Ang Senior at si Marie ay naiinis ito. Kaya kapag dumating si Marie sa bahay ay ikinukulong niya ito sa kuwarto.  Lalo itong nagalit Ng malaman niya na may gusto Pala Ang Senior Engineer niya Kay Marie. Kaya pagdating ni Marie sa bahay ay Hindi na niya ito pinapalabas Ng bahay. Pero si Marie ay hindi alam Ang nararamdaman ni Ariel. Akala niya ginagawa iyon ni Ariel dahil gusto niyang magalit siya rito at siya na Ang kusang lumayo Kay Ariel. Handa na Sana niyang iwan si Ariel pero nang aalis na siya ay hinarang siya ni Ariel. At sinabinh Hindi patapos Ang trabaho niya at Hindi pa siya pwedeng umalis. Kaya walang nagawa si Marie Kundi ang tapusin Ang kontrata niya sa Kompanya.    
Romance
911 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire is Chasing Me After Divorce

The Billionaire is Chasing Me After Divorce

Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
Romance
9.7138.4K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (29)
Baca
Tambahkan
Sue mae
Maganda sana kaso habang tumatagal papangit ng papangit. Yong bida hanggang dulo ata lagi nalang nagiging kawawa. Wala ka man lang nabasa na hindi siya naagrabyado nila chloe at zayden. Nakakaumay basahin
Onria Pulga
sana makabwibawi Naman PO ang Bida para maging masya Naman sya d parte si chloe ang Masaya at nag tatagumpay sarap sbunutan ni chloe inis ako 20 haha tpos yansi zayden bruha dn may narramdaman na dpa umamin dmi kong grrrrr..
Baca Semua Ulasan
Spying my Billionaire Husband

Spying my Billionaire Husband

Alyana Lopez, isang raketerang babae, ulila at layunin ay makaipon ng maraming pera, mga sampung milyon para makapamuhay ng komportable sa buong buhay niya, kaya naman tinatanggap niya ang kahit na anong trabaho o raket na inaalok sakaniya. Nilapitan siya ng isang kaibigan na isa ring raketera at inalok siyang maging spy sa isang kilalang bilyonaryo na si Jeffrey Anderson, kailangan niyang malaman ang mga susunod nitong hakbang sa loob ng anim na buwan tungkol sa mga investments, deals, at negotations ng korporasyon nito. Inaral ni Alyana ang lahat ng detalye tungkol rito at namasukan siya bilang sekretarya at personal assistant nito. Hindi inasahan ni Alyana ang karismang taglay ni Jeffrey, at ang inaakalang puro trabaho lang ang gagawin niya sa pagpapangap bilang sekretarya ay nagulat siya nang alukin siya nitong maging asawa lang sa papel. Mula sa pagiging spy, pagpapanggap bilang sekretarya, hanggang sa pagiging asawa sa papel, mapasubo kaya si Alyana sa pinapasukang raket para makaipon ng sampung milyon? O hahayaan niya ang lahat ng pinaghirapan kapalit ng konsensya niya at ang namumuong damdamin para kay Jeffrey?
Romance
102.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK

Nang dahil sa utang na loob ng mga magulang ni Liliana Cruz sa pamilyang Silverio ay ipinakasal siya sa bilyonaryo at tagapagmanag si Dwayne Silverio. Hindi niya ‘yon tinutulan dahil lihim na niyang iniibig ang binata noon pa man. Ngunit sa loob ng apat na taon nilang mag-asawa, ay ni minsan hindi siya nito nagawang mahalin. Hindi niya akalain na sa pagmamahal niya at pagiging butihin niyang may bahay ay “divorce paper” pa ang isusukli ni Dwayne. Ayaw niya sanang pumayag, ngunit nang makita niya ang babaeng minamahal ni Dwayne habang magkasalo ang mga ito sa kama ay tuluyan siyang nawasak. Dwayne’s first love, and ex-fiance came back. Kaya sino siya para hadlangan ang pagmamahalan ng dalawa? Matapos niyang pirmahan ang divorce paper, saka pa lamang siya ginulat nang balitang nagdadalang tao siya– hindi lang isa, kundi kambal pa! Paano kung mag-krus muli ang landas nila at willing si Dwayne na makipagbalikan at bumawi sa kaniya? Maniniwala pa rin ba siya o tuluyan na ngang magiging bato ang puso niya?
Romance
1036.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Dangerous Touch

His Dangerous Touch

PROSERFINA
Anim na taon ang ginugol ni Maya sa Singapore at magtrabaho bilang OFW upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang nag-iisang kapatid at pati na rin ng kanyang nobyo. Ngunit hindi niya inasahan ang dadatnan niya pagbalik ng Pilipinas. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kanyang kapatid at boyfriend. Nasaktan siya ng sobra dahil umasa siyang matutuloy na ang kasal sana nilang dalawa ni Mark. Nagpakalasing siya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpo ang landas nila ni Felip nang iligtas siya nito mula sa mga lalaking may masamang balak sa kanya. Ano kaya ang magiging papel ni Maya sa buhay ni Felip?
Romance
107.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Rouzan Mei
Hindi inaasahan ni Yorzuana Ghitt na ibebenta siya ng kaniyang mga magulang sa isang lalaki kapalit ng bilyon-bilyong halaga. Naisipan lang na bilhin siya ni Roger Mizores dahil sa pagnanasa niya rito at walang halong pagmamahal sa dalaga. Ngunit sa kabila ng pagiging matigas na puso ni Roger, paninilbihan ang isinukli ni Yorzuana sa kaniya hanggang sa magsawa ito dahil sa pag-amin ng binata na binili lamang niya ito. Nasaktan, nagpakamatay ngunit muling babangon. 'Yan ang nangyari kay Yorzuana nang hindi niya inaasahan. May magagawa ba si Roger para sa dalaga?
Romance
4.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4041424344
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status