Slave By My Stepfather
Halata rito na kahit may edad na, alaga parin sa gym ang sarili at kaya parin makipagsabayan sa mga anak nito kung katawan at hitsura pagbabasehan.
Maganda rin naman ang asawa nito, dito nagmana yung isang babae na kaharap ni mama sa lamesa, kamukha niya si Dakota Johnson, Anastasia ng 50 Shades of Grey. Pero mas nakakaagaw ang kulay blue nitong mga mata na maihahalintulad sa kulay ng dagat.
"Opo, Pa, siya po si Leo, ang bunsong anak ko po," pakilala naman ni Mama sa akin kaya agad akong lumapit dito at nagbless.