Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
972 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1010.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to the Lost Heiress

Married to the Lost Heiress

“Habang patuloy na ipinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko…” Mahirap para sa isang Camilla Torres ang relasyon nila ng kaniyang Boss na si Herald Benedict Fonteverde. Hinahayaan niya kasi ang sarili na alipinin nito sa kama kahit alam ng lahat na kasal ang lalaki. Gusto ng kaniyang isip na makawala, ngunit ayaw ng kaniyang puso. Hanggang sa dumating sa punto na natatakot na siya, hindi para sa sarili kundi dahil sa anak niya. Paano na lang kung magkaisip ito at malaman na ang kaniyang ina ay isang kabit? Magawa kayang isakripisyo ni Camilla ang kaniyang kaligayahan? O magpapatuloy na lang kahit marami siyang maapakan? Paano kung pumabor nga sa kaniya ang kapalaran at sa oras din na dumating iyon ay siyang pagbunyag ng katotohanan na ang buong pagkatao niya ay isang malaking kasinungalingan lamang?
Romance
10702 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Show Reviews (118)
Read
Add to library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Read All Reviews
Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Tears In The Rain: The Billionaire's Heartache

Ang pagmamahal na iniwasan ay siyang pinakamahirap kalimutan… Si Gabriel Navarro ay isang self-made billionaire at CEO ng isang matagumpay na kumpanya, ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay at yaman, may isang lihim na hindi pa rin niya kayang bitawan—si Sofia Montes, ang unang pag-ibig na iniiwasan niyang muling magmahal. Noong nakaraan, pinili niyang iwan si Sofia, iniisip na mas mahalaga ang kanyang negosyo kaysa sa pusong may sugat. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, sa loob ng kanyang kumpanya, muling nabuhay ang mga damdamin na akala niyang matagal nang namatay. Si Sofia, ngayon ay isang malaya at matagumpay na babae, ay hindi na ang dating dalaga. May mga sugat na rin siya mula sa kanilang nakaraan. Ngunit sa bawat titig at bawat salitang nag-uugnay sa kanilang dalawa, unti-unting napapansin ni Gabriel na may nangyaring mas malalim kaysa sa kanyang iniwasan. Habang nagsisimula silang magkasama muli, isang malupit na lihim ang unti-unting lumalabas: si Gabriel ay may malubhang sakit na hindi niya kayang pagdaanan mag-isa. Lihim na siyang nahihirapan at wala pang lakas na aminin kay Sofia na ang bawat araw ay nagiging labanan sa buhay. Ngunit ang takot niyang mawala si Sofia ng hindi nila nasasabi ang mga bagay na hindi nila kailanman natapos, ay nagsisilbing pinakamabigat na hamon ng kanyang buhay. Puwede bang magtagumpay ang pagmamahal nilang nagsimula sa mga unang taon ng kanilang buhay? O magiging alaala na lamang ito, tulad ng ulan na tinatangay ng hangin?
Romance
500 viewsOngoing
Read
Add to library
The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

Kailangan na kailangan ni Cassy ng pera para sa may sakit niyang ina kaya napilitan siyang nakawin ang mamahaling kuwintas ng amo niyang babae. Hindi pa naman siya sumasahod kaya wala pa siyang pera at kahit naman may sahod na siya ay hindi pa rin sapat 'yon para sa pagpapagamot ng may sakit niyang ina. Walang kaalam-alam si Cassy na nakita pala siya ng anak ng amo niyang babae na si Zach na ninakaw ang kuwintas na 'yon. Walang umaamin sa kanilang mga katulong kung sino ang kumuha ng kuwintas na 'yon kahit siya. Kinausap siya ni Zach at sinabi sa kanya na nakita siya nito na ninakaw ang kuwintas ng mommy niya. Takot na takot si Cassy matapos na sabihin 'yon ni Zach sa kanya. Nagmakaawa siya kay Zach na huwag isusumbong sa mommy nito dahil posibleng mawalan siya ng trabaho. Zach was obsessed with her. He really wants to fuck her. Sinamantala nga ni Zach ang pagkakataon na 'yon kaya sinabihan niya si Cassy na hindi siya magsusumbong sa mommy niya tungkol sa nalalaman niya kung papayag si Cassy sa nais niya na maka-sex ito. Papayag kaya si Cassy sa nais na 'yon ni Zach? Paano kung hindi? Mawawalan siya ng trabaho kapag hindi siya pumayag. Wala siyang kaalam-alam na may gusto pala si Zach sa kanya. Hindi lang nais nito na maka-sex siya kundi nais rin nito na maging girlfriend siya kaso nga lang ay isang katulong lamang siya.
Romance
211.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Sweet Beautiful Romance

The Sweet Beautiful Romance

Paano kung malaman mo na ang papel na pinirmahan mo na akala mo ay para sa insurance lang ay marriage certificate na pala? Paano kung magising ka na lang isang araw tapos malaman mong matagal ka na palang kasal sa isang lalake na hindi mo pa nakikita o nakikilala? Paano haharapin ni Mikael Mendoza ang panibagong buhay niya kasama ang isang lalake na ayaw makita ni anino niya? Damon Monverde, isang magaling at kilalang Doctor. Kinatakutan din siya dahil sa taglay na kagaspangan ng ugali nito na kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi niya pinapalampas. A man with few words, but when he speaks it is sharper than the sharpest thing on earth. Paano matitiis ni Mikael Mendoza ang katulad niya? May pag-asa rin kayang mahulog sila sa isa't-isa? THE SWEET BEAUTIFUL ROMANCE
Romance
107.2K viewsCompleted
Read
Add to library
THE GANGFIA QUEENS

THE GANGFIA QUEENS

Napatawa sina Yanah at Emerald sa akto ni Marian. Lasing na kasi ito. "Ayaw mo pa lang maputulan ng kaligayahan ang gagong Drix na iyon! Sinaktan ka na nga, may awa ka pa din!" Bulyaw ni Yanah. "Ba-liw ka ba! Mag-pa-pa-anak pa ako sa hi-nayu-pak na 'yon! Sa-ka ko iwan!" Napabunghalit si Marian ng tawa sa na isip. "Ay baliw! Lakas ng tupak mo, Mars! Mas malala ka pa pala sa amin ma-inlove!" Napapailing na sambit ni Emerald. "W-Walang ba-sha-gan ng t-trip!" Bulalas ni Marian. "What's happening here, Ladies!" Isang malamig na boses ang nagpalingon sa kanilang tatlo. "Kylle" "Sean" "D-Drix!" Sabay-sabay na bigkas nila ng sumulpot bigla sa harap nila ang tatlong mga greek god na seryoso na nakatingin sa kanila na walang kangiti-ngiti.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Veil of the Billionaire's Child

Veil of the Billionaire's Child

Dahil gusto niyang tulungan ang kanyang pamilya at gamutin ang kanyang may sakit na ama, napilitan si Lia na sumali sa isang lihim na fraternity. Akala niya na ito ay isang mas mahusay na paraan upang kumita ng pera, ngunit hindi pala. Lalo na nang kinaladkad siya sa isang hindi pamilyar na kubo dahil sa paglabag sa initiation ng fraternity. Nakapiring siya. Gusto niyang pagsisihan ang lahat, ngunit huli na. Nakuha ng isang estranghero ang kalinisan na pinaka-inaalala niya. At ang tanging bagay na magagawa niya nang gabing iyon ay tumakbo at takasan ang lahat ng maling desisyon na nagawa niya sa buong buhay niya. Ngunit ang gabing pinabayaan niya ang kanyang sarili ay nagbunga. Hanggang sa nalaman niya na ang batang dinadala niya ay anak ng isang milyonaryo.
Romance
10193 viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa loob ng tatlong buwan na ito? Paano kung, alipin parin ito sa isang masamang kasaranan? Matatanggap parin ba niya o tuluyang wakasan ang totoong nararamdaman?
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status