Loving The Tarvande
"Sino ba sa dalawang Tarvande ang mamahalin ko? Ang ama o ang anak?"
Isang simple at mahinhing babae si Mercedes Abeleda. Sa kahirapan ng buhay ay nais niyang tulungan ang kaniyang mga magulang upang may pangtustos at pampaaral sa kaniyang tatlong nakababatang kapatid.
Dahil grade 6 lamang ang natapos ay hirap si Mercedes na makahanap ng trabaho, hanggang dumating ang pagkakataon at isang oportunidad ang naghihintay sa kaniya sa Maynila; ang maging tagapagalaga sa isang senior citizen na malakas ang karisma na si Fiandro Tarvande.
Si Fiandro ay madalas suminghal at magalit kaya't suhestyon ng kaniyang anak na kailangan nito ng tagapagbantay. Kahit labag sa loob niya ay wala siyang nagawa, sa halip, nahulog pa ang kaniyang kalooban sa pagiging mabait at maalagain ng dalaga.
Nagmahalan at in-offer-an ng kasal ni Fiandro si Mercedes. Ang inaakala niyang magiging masayang pagsasama nila ay tila mauudlot nang dumating ang anak ni Fiandro na si Alfred—Ang lalaking magiging hadlang at handang gawin ang lahat upang mapasakaniya ang pag-ibig ni Mercedes.
Ano nga ba ang magiging kahihinatnan sa pag-aagawan ng mag-ama para sa nag-iisa nilang minamahal na dalaga?