"Sino ba sa dalawang Tarvande ang mamahalin ko? Ang ama o ang anak?" Isang simple at mahinhing babae si Mercedes Abeleda. Sa kahirapan ng buhay ay nais niyang tulungan ang kaniyang mga magulang upang may pangtustos at pampaaral sa kaniyang tatlong nakababatang kapatid. Dahil grade 6 lamang ang natapos ay hirap si Mercedes na makahanap ng trabaho, hanggang dumating ang pagkakataon at isang oportunidad ang naghihintay sa kaniya sa Maynila; ang maging tagapagalaga sa isang senior citizen na malakas ang karisma na si Fiandro Tarvande. Si Fiandro ay madalas suminghal at magalit kaya't suhestyon ng kaniyang anak na kailangan nito ng tagapagbantay. Kahit labag sa loob niya ay wala siyang nagawa, sa halip, nahulog pa ang kaniyang kalooban sa pagiging mabait at maalagain ng dalaga. Nagmahalan at in-offer-an ng kasal ni Fiandro si Mercedes. Ang inaakala niyang magiging masayang pagsasama nila ay tila mauudlot nang dumating ang anak ni Fiandro na si Alfred—Ang lalaking magiging hadlang at handang gawin ang lahat upang mapasakaniya ang pag-ibig ni Mercedes. Ano nga ba ang magiging kahihinatnan sa pag-aagawan ng mag-ama para sa nag-iisa nilang minamahal na dalaga?
Lihat lebih banyak"Karne! Mga ante, may karne ako ng baboy at baka. Alin gusto mo? Murang mura 'to!"
Isa-isa kong pinakita sa mga nanay na abala sa kani-kanilang ginagawa ang mga karneng dala ko sa balde. Tinimbang ko na rin ang mga 'yon bawat kilo at sinabi ang presyo sa kanila. "Wala na bang tawad?" tanong ng isa. "Ate, mura na po ito. Sa palengke po nito, magkano na. Ako na po ang naglalako kaysa pumunta pa kayo ro'n tapos ang mahal pa ng presyo," pagse-sales talk ko sa kaniya. "O, sige. Bigyan mo 'ko ng isang kilo ng baboy." "Sa 'kin kalahati lang. Wala pang budget e." "Baka sa 'kin. Kalahati lang din." Malapad na ngiti ang gumuhit sa mukha ko dahil nakabenta na naman ako ng mga karne. Sakto at malapit ng maubos ang paninda ko. Sigurado nito, matutuwa si Ante Asyang. Nilako ko pa nang nilako ang karneng natitira sa balde ko. Wala pang isang oras, naubos na rin sa wakas ang tinda ko. Masaya akong bumalik sa palengke kahit na medyo malayo-layo ang tinahak ko para ibigay kay Ante Asyang ang mga napagbentahan ko. "Ante Asyang! Ante Asyang! Naubos ko po iyong mga karne. Sold out!" masaya kong sabi hanggang sa magtungo ako sa pwesto niya. Nadatnan ko pa siyang tila may kinausap sa telepono niya at binaba na 'yon pagtapos. "Talaga, Mercedes? Ang bilis naman?" nagtataka niyang tanong. Nagtaka siya dahil first time kong na-sold out nang maaga ang pinabebenta niyang karne. "Opo. Ito po ang listahan ng mga bumili. Nand'yan na po ang pangalan, kung ilang kilo ang binili at nasa magkano ang halaga. Pati pirma nila, nand'yan na rin po. Pruweba ko po 'yan na hindi ako kumupit at hindi po ako nagsisinungaling," sabi ko kay Ante Asyang. "Naku! Hindi mo naman kailangang gawin 'yon e. Halos anim na buwan na kitang tindera at talagang ubos ang karne ko sa galing mong magbenta. O, ito yung komisyon mo ngayong araw. Bukas ulit, ha?" Lumapad ang ngiti ng labi ko nang mahawakan ko ang limang daang piso. May pambili na naman kami ng bigas at mauulam para mamaya! "Maraming salamat po, Ante Asyang! May pangkain na po kami!" masaya kong sabi. "Walang anuman, Mercedes. Maraming salamat din!" tugon niya. Tumalikod na ako at patakbong umuwi ng bahay dala ang limang daang piso. "Nanay! Tatay! Nanay! Tatay!" masaya kong tawag sa mga magulang ko. Pumasok ako sa kubo naming maliit at nadatnan sa likod si Nanay na naglalaba. "Bakit, Mercedes? Anong meron?" nag-aalalang tanong ni Nanay. "Nanay, may limang daang piso na po akong kinita. May pambili na po tayo ng bigas at ulam!" pagbabalita ko. Inabot ko sa kaniya ang pera habang siya ay nakangiti sa 'kin. "Maraming salamat sa tulong, anak," saad ni Nanay. "Wala pong anuman. Si Tatay po?" tanong ko. "Nasa palayan. Abalang nag-aararo." Nagpaalam kaagad ako kay Nanay at patakbong nagtungo kung nasaan si Tatay. Nakita ko siyang nakaupo sa lilim ng puno. Mukhang napagod siya sa pag-aararo palibot sa taniman. "Tatay!" tawag ko at saka lumapit sa kaniya. "Mercedes, anak. Bakit?" tanong niya. "Tama na po 'yan. May kinita na po ako sa pagbebenta. Limang daang piso po," pagbabalita ko. "Ang galing-galing mo namang magbenta, anak! Halika nga," saad pa ni Tatay kaya't naupo ako sa tabi niya. "Hindi ka ba napapagod?" tanong pa niya. "Hindi po. Bakit naman po ako mapapagod?" tanong ko naman pabalik. "Kasi... hindi ka nag-aaral 'di gaya ng tatlo mong kapatid. Isinantabi mong mag-aral para tulungan kami ng Nanay mo na kumita ng pera para sa araw-araw. Kung nagpatuloy ka sana ng pag-aaral pagtapos mong mag-grade 6, hindi sana ganito ang buhay mo. Pasensya ka na, Mercedes, hindi namin nagagampanan nang maayos ang pagiging magulang namin." Nakatingin ako sa mga mata ni Tatay na nakatingin naman sa malayong lugar. Pansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya pero pinipigilan niya lang 'yon. "Tatay naman, hindi po ba't kusa akong huminto para tulungan kayo ni Nanay? Para may maipanggastos tayo. May mga kapatid po akong gustong magpatuloy sa pag-aaral kaya ako nagsusumikap. Gusto ko rin po na maiangat ang pamilya natin sa kahirapan. Alam ko pong hindi agad pero alam ko rin po na darating ang araw na 'yon. Tiwala lang po. H'wag niyo po akong alalahanin dahil kaya ko po ang sarili ko," paliwanag ko kay Tatay. Ngumiti si Tatay sa 'kin habang nananatili pa rin sa pagpipigil ng luha. Inakbayan niya ako. "Tulungan nawa tayo ng Diyos na makamit natin ang karangyaan sa buhay," saad ni Tatay. Niyakap ko na lamang siya para mahupa ang kalungkutan niya. PAGDAKO ng kinagabihan, ako naman ang tinuturuan ng tatlo kong kapatid sa mga napag-aralan nila sa eskwelahan. Nakaupo kami palibot sa isang gasera habang ipinapakita nila sa 'kin ang kanilang bawat kuwaderno. "Ate Mercedes, ito yung English subject namin. Kailangan mong matutuhan 'to kasi universal language 'to," saad ng kapatid kong si Mae—ang sumunod sa 'kin. Isa na siyang third year high school. "Universal language? Ano 'yon?" nagtataka kong tanong. "Ibig sabihin n'yan, lenggwaheng ginagamit kahit saang bansa ka pa magpunta. Kaya siya tinawag na universal," tugon ni Mae. "Ito naman, ate Mercedes. Ito yung Science subject namin. Mas magandang ito muna ang basahin mo kasi mas madali. Pang-grade 8 lang 'to. Tungkol sa Solar System," sabi naman ng kapatid kong si Myrna—ang sumunod kay Mae. "Ano naman 'yang Solar stem?" nagtataka kong tanong. "Hindi stem, system. Solar system. Tungkol 'to sa mga planeta. Isa na rito yung Earth o mundo natin," sagot ni Myrna. Kinuha ko ang mga kuwaderno nila at isa-isang binasa. Magaganda naman ang sulat nila at naiintindihan ko. May mga bago na naman akong malalaman. "Nasaan si Min-Min?" tanong ko. "Tulog na, ate. Matutulog na rin kami. May pasok pa bukas e. Pagtapos mong basahin 'yan, pakilagay na lang sa mga bag namin," saad sa 'kin ni Myrna. "O sige. Matulog na kayo," sagot ko naman at sinimulang magbasa. Ito ang gawain ko tuwing gabi, ang basahin ang mga pinag-aralan nila. Ito lang ang nagiging paraan ko para malaman ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman. May iba na hindi ko maintindihan pero karamihan, naiintindihan ko naman. Kahit hindi man ako pumapasok sa eskwelahan, sa pagbabasa, may natututuhan ako."Kumusta po?" tanong ko kay Manang Lucelle. Ngumiti siya sa 'kin at kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa.Mabuti naman. Nagsisimula pa lang kami."Mercedes, kinakabahan ako. Baka mamaya nito, kahit na gawin ko ang plano natin, hindi naman niya ako mamahalin sa huli," pag-aalalang sabi ni Manang Lucelle nang lapitan niya ako."Manang Lucelle, h'wag po kayong mag-alala. Nasa likod niyo lang po ako. Basta po, gagawin natin yung pinag-usapan nating plano," bulong ko naman kay Manang Lucelle para lumakas ang loob niya. Ngumiti naman siya sa 'kin.Naging abala kami ni Manang Lucelle sa kani-kaniya naming trabaho. Tinanggap naman siya ni sir Fiandro para bumalik dahil nakiusap ako. Alam ko naman kasing mabuting tao si Manang Lucelle.Kaya lang, sa pagbabalik niya, hindi na siya ang mayordoma. Naging isa siya sa mga kasambahay. Siya ang nakatoka sa paglilinis ng pool, tumutulong sa paglalaba at paglilinis ng bahay. Sa pagbabalik niya, pansin ko ang maraming inis na inis—isa na ro'n si Anj
Tinitigan ko ang litrato ni sir Fiandro. Ito pala siya noong kabataan niya. Mga nasa 20 mahigit siguro ang edad niya rito?"Binigay niya 'yan sa 'kin kasama ng maikling sulat," sabi pa ni Manang Lucelle. Dahil doon ay binasa ko ang nakasulat sa likod ng litrato.'Mahal na mahal kita, Lucelle. Itago mo 'to bilang tanda ng pagmamahal ko. Magsasama pa tayo sa habang buhay, tandaan mo.'Nakakalungkot lang isipin na ang pangakong nakasulat dito ay hindi tinupad ni sir Fiandro."Alam niyo, Manang Lucelle, may nakita nga rin po ako noong naglinis ako sa opisina ni sir Fiandro e. Nakaipit po sa libro. Kasama nga po ito noong itatapon ko na ang mga litrato sa basurahan," sabi ko at saka kinuha ang litrato ng magandang babaeng tinago ko. "Ito po."Nangilid sa mga mata ni Manang Lucelle ang namuong luha nang tignan ang ipinakita kong larawan."A-Ako ito," sambit niya.Ha?! Siya 'to?!Hindi ko akalain na ito si Manang Lucelle noong kabataan niya. Napakaganda! Hindi ko maitatangging habulin at lig
Kinabukasan ng umaga, inasikaso ko na ang kakainin na almusal ni sir Fiandro. Hinain ko na sa mesa ang mga pagkain kaya't sakto ang pagdating niya."Good morning—este—magandang umaga, Mercedes," pagbati kaagad ni sir Fiandro. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako dahil sa pagbago ng pakikitungo niya."M-Magandang umaga po," pagbati ko naman pabalik. Ngumiti siya sa 'kin bago siya naupo para kumain."Pabalik na rito si Lucelle. Pwede mo siyang kausapin. Ako naman, pupunta na muna ng opisina saglit," sabi nito."Sir, 'di po ba dapat niyo akong isama kasi ako po ang alalay ninyo?" tanong ko."H'wag kang mag-alala, sasaglit lang ako. Kausapin mo muna si Lucelle at pakiayos ng mga damit ko sa closet. Ikaw na ang bahala," sabi pa ni sir."Opo," sagot ko na lamang. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni sir Fiandro habang abala siya sa pagkain.Ang gaan sa loob kapag ganito siya kakalmado. Sana, ganito na siya araw-araw.Matapos lamang ng pagkain ni sir ay kumilos akong
"Hindi naman po kayo nag-iisa, sir. Kahit sino, pwede niyong makasama, basta't maging mabuti lang kayo sa mga nakapaligid sa inyo," sambit ko rito. "Hindi ko alam kung paano ko patatakbuhin nang maayos ang buhay ko, Mercedes. Kunsabagay, hindi ko na kailangan pang umasa dahil matanda na ako. Nalalapit na rin naman ang kamatayan ko kaya—" "H'wag nga po kayong magsalita ng gan'yan," agad kong sabi sa kaniya. Tinignan naman ako ni sir Fiandro at nakita ang ekspresyon ng mukha ko. Ngayon ay napapangiti na siya kahit kapiranggot. "Sir, hindi naman po natin alam kung kailan tayo mamamatay e. Ang importante, hangga't may buhay po tayo, matuto tayong maging mabuti sa kapwa, libangin yung sarili natin sa mga magagandang bagay na gustong gawin, at yung mahanap yung pagpapatawad sa puso. 'Di ba nga po, ang kadalasang sinasabi, hangga't may buhay, may pag-asa? Gano'n lang naman po kasimple e," paliwanag ko sa kaniya. "Kahit na Grade 6 lang ang tinapos mo, matino at maayos kang kausap. Ew
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni sir Fiandro. Totoo ba ang narinig ko? Kailangan niya ako?"Para saan, sir? Hindi niyo naman po kailangan ng alalay e," seryoso kong sabi at akmang maglalakad na ngunit pinigilan na naman niya ako."Mercedes, tinanggal ko si Lucelle dahil sa ginawa niya. Siya ang totoong may gawa kaya nagalit ako sa 'yo nang matindi. Hindi man lang kita hinayaang makapagsalita. Mercedes, bumalik ka na sa trabaho," sabi pa ni sir Fiandro."Bakit po ba kasi sinundan niyo pa ako para dito? Marami pa naman po kayong pwedeng kuhanin na mag-aalalay sa inyo, ah?""Sinundan kita dahil inuusig ako ng konsensya ko, hija. Handa ko pang taasan ang suweldo mo, kung gusto mo? Kung maghahanap pa ako ng ibang mag-aalalay sa 'kin, baka hindi sila na kagaya mo na—""Kagaya ko na alin po, sir?" tanong ko. Sandali pa siyang napahinto sa pag-iisip."N-Na may busilak na puso," sagot nito.Hindi naman ako umimik ngunit nananatili pa rin akong nakatingin nang seryoso sa kaniya."
Umabot ako ng tanghali nang matapos ko ang pagbebenta. Dahil malaki ang benta, binigyan ako ng isang libong piso ni Ante Asyang."Ang laki naman po nito," sabi ko sa kaniya."Mas malaki ang benta mo. Salamat, Mercedes," sabi naman ni Ante Asyang. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik."Salamat po nang marami, Ante Asyang. Bukas ulit," sabi ko bago nagpaalam."Oo, uuwi na rin ako e. May dapat pa akong asikasuhin. Yung kuwento mo, sa susunod na lang," pahabol niyang sabi. Tuluyan na akong umalis matapos nito. Gutom na ako.Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang sinabi ni Anjie kanina sa tawag."Sa maniwala ka't sa hindi, si Manang Lucelle ang dahilan kaya nagalit si sir Fiandro."Bakit naman gagawin sa 'kin ni Manang Lucelle 'yon? Hindi kapani-paniwala."Magandang hapon po, Nanay," pagbati ko nang makauwi na ako."Magandang hapon. Natanghali ka, ah?" tanong naman nito."Opo. Medyo marami-rami po kasi ang nabenta e. Ito nga po pala ang pera," sabi ko naman at saka inabot sa kaniya ang isa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen