Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Jaybee
Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Daddy, I Got You the Coldest Wife

Daddy, I Got You the Coldest Wife

Nang umalis si Mirabella sa buhay na dati ay mayroon siya, kasabay na din niyang kinalimutan ang isang salita na kailanman ayaw na niyang hanapin o wala sa plano niyang matagpuan. Para sa kanya, sapat na ang kanyang sarili para maging masaya, sapat na kung ano ang kaya niyang ibigay para sa kanyang sarili upang mamuhay siya ng tahimik. Hindi niya hahayaang may magtangkang pumasok pa sa kanyang buhay, dahil lahat--iniiwan lang siya. lahat ay hinuhusgahan lamang siya at hindi exemption doon si Miguel Mijares- isang mayamang single parent na minsan naging parte siya ng kanyang kabataan, at nagbigay sa kanya noon ng positibong imahinasyon na lahat nagtatapos sa masayang kuwento.
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
A Husband For Convenience

A Husband For Convenience

Sawa na si Danielle Laforteza na marinig sa kaniyang ina ang mga pasaring na bumili na sila ng bahay at lupa. Dahil isa lamang na regular employee na may minimum wage, natatakot si Danielle sa malaking responsibilidad, lalo na't siya rin ang sumasalo ng lahat ng gastusin sa bahay. But a courage hits her, and she decides to apply for a housing loan; little did she know she needed to have a co-borrower to have the high chance of the approval. Kaya naman nang marinig niya ang proposal ni Boulevard Nixon, isa ring empleyado sa kumpanyang kaniyang pinagtatrabahuhan, pumayag siya na pumasok sa isang loveless marriage. Yes, they don't love each other... But that's before she get a husband for convenience.
Romance
10457 viewsOngoing
Read
Add to library
Dared to Kiss Captain

Dared to Kiss Captain

Nang dahil sa isang katuwaan ay nagkagulo-gulo ang buhay ni Freya Zayara Quinzon. Isang dare na pinagsisisihan niyang ginawa niya sa buong buhay niya. Ang dare na halikan ang basketball captain na si Xavier Davon Conner, isa sa kinaiinisan niya sa loob ng kanilang paaralan. But what if ang dare pala na iyon ang dahilan upang maturuan niyang muli na magmahal ang sarili? What if ang dare pala na iyon ang magbabago ng buong buhay niya? At paano kung ang dare palang iyon ang magbibigay sa kaniya ng matagal na niyang gusto? Tunghayan na'tin ang pagbabago sa buhay ni Zayara after she was DARED TO KISS CAPTAIN. WARNING! This story contains vulgar words which are not suitable for young readers.
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
His Secretary

His Secretary

Walang ibang hinangad si Akira kundi ang mabigyan nang magandang buhay ang kanyang pamilya. Bata pa lang siya, mulat na ang kanyang isipan sa buhay na meron sila. Nang mabigyan siya ng oppurtunidad na magtrabaho sa isang prestihiyosong kompanya, kaagad niya itong tinanggap dahil maliban sa isa ito sa pinakasikat na kompanya sa bansa, malaki rin ang pasahod dito at tiyak na maaahon niya sa hirap ang kanyang pamilya na matagal na niyang inaasam. Ngunit paano na lang kapag mas masahol pa sa hayop ang ugali ng kanyang boss? Makakaya pa kaya niyang magtiis at manatili sa nasabing kompanya kapalit ng maginhawang buhay ng kanyang pamilya?
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
Romance
1021.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Day We Met

The Day We Met

Dawnchuu
This story is about Allanah Reign Avery or known as ARA. 24 years old, She's kind, loving, rude sometimes and most of all caring. Pero pag dating sa kanyang Prof, magiging mabait at respectful pa kaya ang pakikitungo niya rito?. His name is Grey Khyler Simpson a 28 years old CEO and Professor known for being cold and perfectionist he always wants everything to be perfect. At nang dahil sa kanyang ina na gusto na nito mag karoon ng apo ay doon na pag planuhan nila ni Ara na mag kunwaring nag mamahalan sa isa't-isa. Si Ara ay isang mag-aaral sa De Maharlika University kung saan malapit na siyang makapag tapos sa kolehiyo ngayong taon at kapag nakapag tapos na siya ay siya na ang mamahala sa kanilang Kompanya which is yun naman talaga ang main goal niya ngunit dahil sakanyang ugali at galit sa isang guro na si Grey ay maging buhol-buhol ang kanyang buhay kolehiyo. Magkakaroon sila ng kontrata ng kanyang guro na kung saan ay mag papakasal sila ngunit sa isang kundisyon na hindi sila MAHUHULOG SA ISA'T-ISA. Mapipigilan kaya nila ang kanilang damdamin o sasabay na lamang sila sa daloy ng pag-ibig?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ikinulong Ako ng Aking Ama Hanggang Mamatay

Ang ampon ng aking ama ay ikinulong lamang sa masikip na storage closet nang halos labinlimang minuto, ngunit tinalian niya ako at itinapon sa loob bilang parusa. Tinakpan pa niya ang ventilation gamit ang mga tuwalya. "Bilang nakatatandang kapatid ni Wendy, kung hindi mo siya kayang alagaan, marapat lamang na maranasan mo rin ang takot na naramdaman niya,” seryoso niyang sabi. Alam niyang may claustrophobia ako, ngunit ang aking mga desperadong pakiusap, ang aking matinding takot, ay sinagot lang ng malupit na sermon. "Magsilbi sana itong aral sayo para maging mabuting kapatid." Nang tuluyang lamunin ng kadiliman ang huling hibla ng liwanag, nakakaawa akong nagpumiglas. Isang linggo ang lumipas bago muling naalala ng aking ama na may anak pa siyang nakakulong at nagpasya siyang tapusin na ang aking parusa. "Sana'y naging magandang aral sa iyo ang isang linggong ito, Jennifer. Kung mangyayari pa ito muli, hindi ka na pwedeng manatili sa bahay na ito." Ngunit kailanman ay hindi niya malalaman na matagal ko nang nalanghap ang aking huling hininga sa nakakasulasok na silid na iyon. Sa kadiliman, unti-unti nang nabubulok ang aking katawan.
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status