LOGINMay magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
View MorePagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.