Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10727 viewsOngoing
Read
Add to library
THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

THE OZ JUNESSE DORÈE SERIES 1 (MY UNFETTERED WIFE)

Si Vhon Di Martin Oz a.k.a Gerlan ay isa sa apat na magkakapatid na anak ng mga bilyonaryo sa larangan ng business world.Sya ay ipinagkasundong ipakasal sa anak ng business partner ng kanilang ama na si Zeffie Kazzandra Choi.Isa syang makulit at pasaway na babae kaya tinakasan nito ang kasal nila umpisa pa lang.Nagkrus ang kanilang landas pero wala silang kamalay-malay na sila pala ang ipinagkasundo.Ginamit ni Vhon ang pangalawang pangalan nito na Gerlan at si Zeffie naman ay ginamit ang Kazzandra.Para matakasan ni Kazzandra ang fiancé nito,inalok nito si Gerlan na magpakasal kapalit ang paninilbihan nito kay Gerlan.Hindi nito sinabi sa lalaki na mayaman ito.Pumayag naman ang lalaki dahil alam nyang hindi sya magugustuhan ng babae.Nagsama sila sa iisang bubong.Sa unang araw pa lamang ng kasal nila ay puro sakit ng ulo na ang binigay ng babae sa kanya.Hanggang sa isang araw ay narealize na lang nito na nahuhulog na pala ito sa asawa nito. Nang magkapalagayan ng loob ay malalaman nila ang mga sikretong itinatago ng bawat isa.Mas lalong magiging mailap ang kapalan at si kupido sa kanila dahil may mga kokontra sa kanilang pag-iibigan.Ngunit mananaig ang kanilang nararamdaman para sa isa't-isa.
Romance
231 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
kinidnap ng isang billionaire mafia

kinidnap ng isang billionaire mafia

Jennifer1234
Prologo Yanking my hairs back tanong niya "nasaan tayo ngayon" bago pinilit ang kanyang mga labi sa akin, kinagat ko ang kanyang mga labi na lalong ikinainis niya. Sa loob ng isang kisap mata ay galit niya akong itinapon sa kama, itinapon ang kanyang tuwalya, mabilis niyang inabot ang aking damit na pinunit ang mga ito na naiwan akong na stranded lamang sa aking panty. Sinubukan ko siyang labanan pero maraming beses akong nasampal, hindi pa rin ako sumuko hanggang sa naipit niya ako kaya wala akong magawa." Hindi!" Napasigaw ako na nahihirapan pa rin sa kanya "hindi mo siya pwedeng hayaang manalo" patuloy na sumisigaw ang konsensya ko sa akin. Joe nanatiling pa rin enjoying ang view ng kanyang struggling, groaned out sa kasiyahan "damn your so sexy" siya cussed out bago devouring kanya. Siya ay sumigaw, umiyak at nagmakaawa sa kanya na huminto ngunit hindi niya pinansin ang paghampas nito sa kanya na parang isang mabangis na hayop hanggang sa siya ay nahimatay, paggising niya later on natagpuan niya ang sarili niya na hubo't hubad pa rin at nag iisa sa malamig na silid, iyon ay nang sumumpa siya na maghihiganti siya sa lahat ng gastos
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Desire of a CEO

The Desire of a CEO

Simula't-sapul, inlove na si Graziana Iglesias sa boss na si Thunder Santillan. Ang CEO ng Santillan Group of Companies. Dahil sa pagkamatay ng asawa nito, ibinuro nito ang sarili sa isang lugar sa bicol. Namuhay ito ng normal. At siya, na sekretarya nito, sa kan'ya iniatang nito ang responsibilidad nito bilang CEO. Lahat kinaya niya mapansin lang ng boss.Lahat ginagawa niya ma-appreciate lang siya ng boss. Ang buong akala ni Graziana, tutugunin na nito ang matagal na niyang pinapangarap na pagmamahal mula sa boss. Hindi pa pala. Umibig na naman ang boss niya sa isang babaeng estrangherang, na sadyang pinapalitan nito ang mukha, at isinunod sa dating asawa nito. Isang araw, nagising na lang siyang pagod na. Pagod na sa kakahintay sa boss. Nag-resign siya sa kompanya nito. Dalawang araw bago ang flight niya papuntang US, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Thunder. Dinamayan na naman niya ito sa problema nito sa babae. Nagpakalasing sila, hanggang sa dumating sa puntong isinuko niya ang pagkababae dito at hindi niya akalaing magbubunga iyon... Ano nga ba ang gagawin ni Thunder kapag nalaman nitong nagbunga ang isang maiinit na gabi nila ng sekretarya?
Romance
10170.0K viewsCompleted
Show Reviews (33)
Read
Add to library
Rizalyn Joy Borres
this story will teach you what love really means. that love should be patience, understanding and unconditional. patience interms of kung paano at kailan ka susuko at lalaban.understanding interms of understand the situation whether its good or bad but then again chose to be right and be kind.
Che Dee
mat,gal na akong silent reader ni Miss Ava nah, ang pinka una kong nabsa sa knya yung My secretary owns me, dun nagumpisa na mahook aq sa mga story ni missA, natigil lang ako nong nabsa ko ung Chasing Magda ...... natrauma ako dun, ksi nwala ung FL, pero nakita ko meron pla si mssA dito sa GN, kya
Read All Reviews
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Go Deeper (SPG)

Go Deeper (SPG)

Si Stella Solace ay isang receptionist sa kilalang hotel locally at internationally. Sa pagkakaroon ng party sa hotel, hindi niya inaasahan na makaka-one night stand niya ang senior manager nila na napakasungit na si Kendrix Harrison at bukod pa doon, hindi na tinigilan ni Kendrix si Stella. Papayag kaya si Stella sa kagustuhan ni Kendrix o okay na ang minsan?
Romance
8.736.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Wife of the Governor Billionaire

Wife of the Governor Billionaire

Sa isang iglap lamang ay kasal na sila, they spent their night together as a husband and wife ngunit paggising niya ay wala na siya. Bumalik sa dati ang lahat na parang walang naganap na kasal ngunit pagkaraan ng ilang taon ay bumalik muli siya, bumalik ang asawa niyang muli hindi bilang isang Milyonaryo ngunit bilang isang Bilyonaryo na Gobernador sa Canada
Romance
10400.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Still You

Still You

Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang muli silang magkita sa wedding rehearsal ng mga kaibigan nila at nang masundan pa ang mga pagkikita nila. Hindi man naging opisyal ang relasyon nila, si Lance ang unang lalaking totoong minahal niya pero bigla na lamang na naputol ang komunikasyon nila. Nalaman na lamang ni Laura na inagaw nito ang girlfriend ng best friend nito. Sinubukan ni Laura na iwasan si Lance dahil siguradong magugulo lang nito ang maayos niyang buhay kapag muli silang nagkalapit. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tila sinasadya ng pagkakataon na magkasama sila. Eventually, Lance asked her for a second chance. Pumayag naman si Laura. Ang akala niya ay wala na silang magiging problema, pero natuklasan niya ang malaking kasalanan na nagawa sa kanya ni Lance.
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Mistress's Revenge

A Mistress's Revenge

Paano nga ba maging masaya lalo na kapag nalaman mong isa ka na lang kabit ng lalaking unang nangako sa'yo ng kasal at pagmamahal? Si Joy Fuego, isang simpleng babae na masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kay Ricks Gregorio-- ang kan'yang nobyo dahil kahit na mahirap lang sila pareho ay responsable at mapagmahal naman ito sa kan'ya. Hindi man nito naibibigay sa kan'ya ang lahat ay alam niyang mahal na mahal siya nito at kahit na kailan ay hindi siya nito magagawang lokohin. Pero paano na lang kapag dumating ang isang malaking pagsubok sa pagsasama nila at malaman niyang kasal na pala ito sa iba? At ang masakit pa ay bago lamang nito nakilala ang babaeng pinakasalan. Matitiis ba niyang maging isang kabit lang ng lalaking pinakamamahal alang-alang sa magiging anak nila o nakahanda na siyang palayain ito at hayaang lumigaya sa piling ng babaeng pinili nitong pakasalan?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status