Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pakawalan mo ako, Mr. Hill

Pakawalan mo ako, Mr. Hill

[Aksidenteng nakipaglandian sa isang maalamat na kilalang tao, desperado siyang humingi ng tulong sa internet.] Matapos pagtaksilan ng hayop at ng kanyang ate, si Catherine ay sinumpa na maging tita ng walang hiyang couple! Dahil dito, nagkaroon siya ng interes sa tito ng kanyang ex-boyfriend. Huli na ng malaman niya na na ito ay mas mayaman at mas gwapo kaysa sa kanyang ex-boyfriend. Simula noon, siya ay naging romantikong asawa sa tito ng kanyang ex-boyfriend at laging nakipaglandian sa kanya. Kahit na ang lalaki ay hindi siya pinapansin, wala siyang pakialam hanggat magawa niyang mapanatili ang kanyang pagkatao bilang tita ng kanyang ex-boyfriend. Isang araw, biglang napagtanto ni Catherine na nakikipaglandian siya sa maling tao! Ang lalaking kanyang nilalandi ay hindi tito ng kanyang hayop na iyon! Nabaliw si Catherine. “Ayoko na. Gusto ko na ng divorce!” Si Shaun ay wala ng masabi. Ang iresponsable niyang babae! Kung gusto niya na kumuha ng divorce, kung gayon mangarap na lang siya!
Romance
9.5788.2K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (180)
Read
Idagdag sa library
lesleannejavier
maganda yun kwento sa umpisa, pero habang tumatagal sumasakit na din ulo ko ang buhay ni Catherine ay wlang pinag iba kay cardo dalisay di nauubusan ng mga bwiset sa plagid, nasa episode 550 plang ako, pero gusto ko na mag skip anong episode ba yun magkakaayos na cla,
Sheila
jusko chapter 48 palang ako,gustuhin ko mn tapusin pero nakakapanghinayang ng pera...7.5k din magagastos or more gang kabanata 2012 eh wla pa tiyak kung gang sa anong chapter matatapos ito.hays prang wlang ending.dugtong lng ng dugong kwento gasyos din ng gastos un mga reader.
Basahin ang Lahat ng Review
Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)

Love and Coffee Spills (SYJUCO SIBLINGS Series #1: XANDER)

Galing sa isang traumatikong relasyon si Viktoria Panlilio. Pilit niyang kinalimutan ang bahagi na iyon ng kanyang nakaraan, pati na ang mga taong sangkot doon. Isinumpa niyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Pero nang makilala niya si Xander Syjuco, at ligawan siya nito, kakaibang klaseng pagmamahal ang ipinakita sa kanya ng lalaki. Halos ilagay siya ng binata sa pedestal. Gustong-gusto ni Viktoria ang nararanasan niyang kakaibang pagmamahal na ibinibigay ni Xander sa kanya na hindi niya kailanman naranasan mula sa kanyang ama at sa dating relasyon. Sa piling ni Xander, tila siya isang babasaging kristal na pinaka-iingatan ng lalaki. Pero nakahanda na ba siyang muling buksan ang kanyang puso at tanggapin ang pag-ibig ni Xander? Paano kung malaman ni Xander ang kanyang nakaraan, ganun pa rin kaya ang pagmamahal na ibibigay ng lalaki sa kanya? O tatalikuran na siya ng lalaki dahil sa yugto ng buhay niya na iyon na hindi naman niya ginusto?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
May Contractor Ninong

May Contractor Ninong

Para maisalba ang bahay na sinanla ng sugarol kong ama ay binenta ko ang katawan ko sa Ninong kong Contractor. Ngunit ang ginawa ko na yun ay nagbunga, ngunit itinago ko ito kay Ninong. Iniisip ng Ninong ko sa kaniya ang pinagbubuntis ko pero hindi ko inamin hangga't sa kaya kong itago. Dahil isang malaking chismis na naman kapag marami ang nakaalam. Pero no'ng malaman ko na nagpaplano na magpakasal si Ninong naalarma ako at doon pa sa babaeng inis na inis ako iyon ang pakakasalan ng Ninong ko dahil gusto na raw niya magkapamilya. "Ngayon gusto mo'ng akuin ko na ang bata na yan?" "Oo kaya ako ang pakasalan mo." Lakas loob kong sagot at nakangising nakatitig siya sa akin at dahan-dahang nagalakad palapit sa akin. "Bago 'yan, gusto ko munang masigurado na walang ibang nagsawa sa'yo kung hindi ako." Umakyat sa buong katawan ni Jessa ang pinaghalong paninindig ng balahibo at init dulot ng mainit na hininga ng kaniyang Ninong.
Romance
103.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionairess Ex-Husband

The Billionairess Ex-Husband

Si Asteria Bellamy ang future CEO ng kanilang kompanya, ngunit para makuha niya ang posisyon na hinahangad niyang lakbayin ang iba't ibang bansa at makakuha ng mga bagong kaalaman para sa kanilang negosyo. Kayanin niya kaya ito kung ang magiging tourist guide niya ay walang iba kundi si Gray Anderson, ang dating niyang mister? Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa lalo na at engage na ito sa ibang babae? Makakaya ba niyang isakripisyo ang sariling puso niya para sa posisyon na inaasam, o hahayaan itong mawala sa mga kamay niya at bumalik na lang sa dati niyang negosyo na maliit na flower shop? Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama sa nakaraan ay magdulot kaya ulit ito upang sila ay magkabalikan? O itatapon na lang nila ito na parang walang pinagsamahan noon? Mapigilan kaya nina Asteria at Gray ang kanilang sarili na umibig muli sa isa't isa? O tuluyan na silang tatangayin ng alon ng pag-ibig at pagkasabik sa isa't isa?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BOSS BABY: Pregnant With My Boss

BOSS BABY: Pregnant With My Boss

Tahimik lang si Rina Alonzo sa nararamdaman niya para sa boss niyang si Elian Mercado. Matagal na siyang may gusto rito, pero alam naman niyang hanggang doon lang ’yon—lalo na’t ikakasal na si Elian sa long-time girlfriend nito. Kaya pinilit na lang ni Rina na umiwas. Sinabi niya sa sarili na wala siyang lugar sa buhay ng lalaki. Pero isang gabi ang nagbago ng lahat. Isang gabing hindi niya inasahan. At sa gabing ’yon, nagsimula ang sikreto na kahit anong iwas niya… hindi basta maitatago.
Romance
772 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Thorns Of Seduction

Thorns Of Seduction

"What are you doing here?" Marahang humakbang papalayo si Cressida nang makita ang hindi pamilyar na pigura ngunit pamilyar na amoy na iyon. Ang lalaki ay tumawa ng malalim at nakakaloko, ang presensya nito ay tila isang mabigat na bagay na nakadangan sa kanyang dibdib. "Who the hell are you?!" Sigaw nya sa aninong nakatayo lamang sa kanyang harapan. "Your admirer," marahang sabi nito pagkatapos ay naglakad papalapit sa kanya. Oh gosh no! it can't be him! it can't be Arcturus! Nakalayo na sya dito, hindi na sya muling babalik! "Hello, my serenity."
Romance
10687 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
Romance
1021.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status