Marry Me Instead
Akala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya.
Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador.
Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula.
Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal.
Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF.
Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya!
At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman.
Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti.
Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston.
Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat.
At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya.
“Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.”
Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba.
“You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…”
Napakunot-noo si Emery. “What?”
“Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.”
Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?