Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Twisted

Twisted

Ten Writes
“Ito na ko, Autum. Hindi mo na pwedeng baguhin. I’m messed up, chaotic and twisted. I’ve been like this for so long, it’s not like kaya kong biglang baguhin ang lahat para lang sayo.” malungkot na saad niya habang diretsong nakatingin sakin ang mga mata niyang napupuno na unti-unti ng luha. “Phoe-” “No, Autumn. I really understand. Ganyan ka, ganito ako. We are two different beings, maybe you won’t ever understand me, so do I. So whatever your decision will be, I’ll gladly accept it. I will respect it, we will respect it. Ganoon ka kahalaga. Ganoon kita kamahal. It’s your call. Whether you would be willing to get tangled up into this mess and damaged world of mine or would rather stay outside.” dagdag niya pa at saka ko iniwan sa gitna ng malawak na park na ‘to. He’s a prince living in the modern world. He got money, lots of it. Fame, status, perfect image and his perfectly carved features. Lahat na ata nasa kanya pero may isang sikreto lang siyang maingat na itinatago na di sinasadyang nalaman ko. Apparently, he’s messed up and twisted. Literally. Could I accept those dark and twisted sides of him? Would I ever be comfortable loving someone like him na minsan hindi ko alam kung sino ba talaga? He’s Phoenix Alcantara. A 28-year-old CEO of two large corporations. And I am Autumn Taylor. And this is the story of our twisted and messed up love story.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART

FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART

Diosa Mei
“Pinili kong umalis para hindi ka mahirapang pumili at magdesisyon.” Lumuluhang sabi ni Via sa binata. Mapaklang ngumisi si Russell at nakakainsultong tumitig sa mga mata niya. “Do I need to thank you for that? Do you fucking want to hear me say, Oh, thank you for fucking ruin my life!” Napapitlag siya nang sigawan siya nito ngunit hindi siya nagpatinag. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nito sinasayang ang buhay nito. “I don’t have any choice—” “Goddamn it, Via! Don’t fucking tell me that you don’t have a damned choice! Pinili mong iwan ako sa kabila nang labis kong pagmamahal sa’yo! You choose to hurt me, so stop telling me your bullshits and get lost!” Nakagat niya ang kanyang labi at pinigilang huwag mapahagulhol. Nasasaktan siya sa sinapit nito, ramdam niya ang matinding galit nito sa kanya. Magagawa niya pa rin bang gamutin ang sugat na tinamo nito nang iwan niya ito? Could she really have a chance to fix the bad boy’s, broken heart?
Romance
893 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night Mission

One Night Mission

pink_miller
Si Jaxson Alconez a.k.a. Agent Fang ang tinaguriang pinakamahusay na secret agent ng National Intelligence Agency (NIA). Wala pang misyon ang hindi niya napagtatagumpayan kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala sa kanya ng kanyang kinabibilangan na ahensya. Dahil dito, siya ang malimit na ipadala na kanilang ahensiya sa mga malalaki at napakahalagang mga misyon. Ngunit sa pagdating ng rookie agent ng Philippine Intelligence Agency (PIA) ay unti unti na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang ahensiya. Bago pa lumaki ang away ay pumagitna na ang gobyerno at nagbigay sila ng magkaparehong misyon sa dalawang ahensiya. At kung sino man sa kanilang napiling agent ang makakatapos ng ibinigay na misyon ay ito ang kikilalanin na pinamagaling na intelligence agency sa Pilipinas. At katulad ng inaasahan, si Agent Fang ang siyang piniling ipadala ng NIA sa misyon na ito. Ngunit hindi inaasahan ni Agent Fang na sa gitna ng kanyang misyon ay makakatagpo niya ang isang misteryosang dalaga na agad pumukaw sa kanyang atensyon at puso. Sandali na nakalimutan niya ang kanyang misyon at sa halip ay buong init na pinagsaluhan nilang misteryosang babae ang isang hindi malilimutan at madamdaming gabi na magkasama. Sandali na iniwan ni Agent Fang ang natutulog na babae para tapusin ang kanyang misyon pero sa kanyang pagbalik ay wala na ito. Dahil sa hindi malilimutan na gabi ng kanyang misyon ay ilang beses na sinubukan ni Agent Fang na hanapin ang babaeng nagnakaw ng puso niya ngunit wala ito iniwang kahit anong bakas at pagkakakilanlan. Para bang ito na naglaho na parang isang bula. Gayun pa man ay walang balak na sumuko si Agent Fang. Gagawin niya ang lahat para mahanap muli ang misteyosang babae. Tinawag niya ito na 'One Night Mission'.
Romance
996 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

ENTWINED FATES WITH A MAFIA KING

Amber_cloud00
Arabella Russo, isang simpleng babaeng lumaki sa payak na pamumuhay ang papasukin ang lahat ng marangal na trabaho para lang sa amang nakaratay sa ospital. Ngunit sa haba ng araw ng pananatili ng ama rito, napagtanto niyang kailangan niya nang kumapit sa patalim. Pikit-mata niyang tinanggap ang alok na malaking halaga ng pera kapalit ng one-night-stand kasama ang isang misteryosong lalaki. Matapos nito ay makakatanggap muli siya ng alok na maging personal maid. Lingid sa kanyang kaalaman, isa palang Mafia King na nagngangalang Alessio Conti ang kanyang pagsisilbihan. Makilala kaya nila ang bawat isa? At magawa naman kaya siyang mahalin ng binata na kilala bilang isang matapang, makisig at walang kinatatakutang leader ng malaking grupo ng sindikato? Anu-ano ang mga madidiskubre nila sa bawat isa na siyang gugulantang sa kanilang mga buhay? Magagawa bang mabago ng pag-ibig ang taong lumaki sa mundo ng karahasan?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Beautiful Days with You

Beautiful Days with You

Lucy Heart
Some people still believe that forever still exist except for Chandria.A girl with a bad past memories and until now she can't still move on.Since kasi iniwan sila ng mother niya, doon na siya nagsimulang huminto na maniwala na may happy ending ang buhay.Ayon sa kanya those things only exist in books and movies. Until one day everything just suddenly change.Ang boring niyang mundo napalitan ng excitement and that is all because of Niel John Quirino.Ang gwapong happy go lucky na despite sa problema nito sa pamilya ay mas pinili na lang nitong maging masaya.Ngumiti at masiglang hinarap ang hamon ng buhay. Will he able to change Chandria and make her believe that in love everything is possible?That everything happens for a reason at minsan isang choice din ang magkaroon ng happy ending.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I shared my Husband

I shared my Husband

Azeuri
Paano kung ang tinuturing ni Solen Alejo na kanyang asawa ay may fiancé na pala na dapat ay ipapakasal kay Erwin Tovias? Ang lalaking taga pagmana ng lupang kanilang tinitirahan at ang ama ng kanyang anak, bunga ng Isang mainit na gabi. Nagkatagpo muli ang kanilang landas ng lalaki matapos itong masangkot sa isang disgrasya resulta ng pagkawala ng ala-ala nito. Kung kaya naman nag sinungaling si Solen upang hindi kunin sa kanila ang lupa at mag papanggap bilang mag asawa. Hindi nag tagal ay nahulog si Solen sa sarili nyang bitag at unti-unting minamahal si Erwin. Paano kung bumalik ang memorya ng lalaki? Magagawa nya kayang mahalin si Solen matapos sya nitong itago sa kanyang Mundo? Magagawa kaya nilang ituloy ang kanilang pag mamahalang nag simula sa pagkakamali? At paano kapag nalaman nyang muling nag bubuntis si Solen sa kanilang ikalawang anak? “Minahal mo ba ako? — hindi. Ginamit mo lang ako at natutong mahalin” –Erwin Tovias.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Ruthless BILLIONAIRE

The Ruthless BILLIONAIRE

Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
EXPLICIT LOVE: THE FORBIDDEN AFFAIR WITH BILLIONAIRE DON

EXPLICIT LOVE: THE FORBIDDEN AFFAIR WITH BILLIONAIRE DON

Ang istoryang ito ay ang Book 2 ng Ofw Wife of A Billionaire. Si Louisse Nicolas ay napilitang maglayas sa puder ng kaniyang mga magulang dahil sa halos araw-araw nitong pagbabangayan dahil sa pagka-lulong ng kaniyang ama dahil sa sugal. Dahil dito napilitan si Louisse na mamasukan bilang cleaner sa isang Motel sa Malate. Nang dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa panganib ang kaniyang sarili dahil sa isang bagay na hindi niya dapat makita. At iyon ay ang pagtatalik ng isa sa mayaman at maipluwensyamg tao na si Lester Duavit sa isang babae na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Lingid sa kaalaman ni Louisse na dahil dito ay pagtatangkaan ni Lester ang katahimikan ang kaniyang buhay, ngunit sa kasamaang palad ay pumalpak ang plano ni Lester at nabuhay si Louisse. Tila pumapabor naman kay Louisse ang ikot ng mundo ng madampot at matulungan siya ni Anthony Eduardo. Ang Don sa Malate. Ang lalaking tinitingala ng lahat. Anong mangyayari kung sa paggising niya ay malaman niyang si Lester na nagtangkang pumatay sa kanya ay ang nakababatang step-brother ni Anthony at ang babaeng binabayo ni Lester ay walang iba kundi ang fiancee ni Anthony. Hanggang kailan nila maitatago ang kanilang pagtataksil sa kaniyang boss/step-brother? Paano kung malaman niya na ang kaniyang kanang kamay at pinagkakatiwalaan niya ay step brother pala niya? Hanggang saan ang kayang ibigay ni Louisse kay Anthony kung umamin itong hulog na siya sa dalaga?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4445464748
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status