Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?
Romance
204 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
18.5K viewsCompleted
Read
Add to library
I Don't Love You Anymore, Mason

I Don't Love You Anymore, Mason

“Hindi kayang mahalin, Emerald," mariing bulalas ni Mason. Hindi akalain ni Emerald na sa ilang taon nilang pagsasama ni Mason ay hindi parin siya magawang mahalin nito. Alam naman niya simula sapol palang ay tagilid na talaga ang relasyon nila, pero dahil gusto niya ito ay pinipilit niyang siniksik ang sarili. Akala niya okay na noong may nangyari sa kanilang dalawa pero mas lumala ang trato sa kanya ni Mason, at ang nakakasakit para sa kanya ay nakabuntis ito, at nalaman niyang buntis din siya.
Romance
28 viewsOngoing
Read
Add to library
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Regret of my Billionaire Ex-Husband

The Regret of my Billionaire Ex-Husband

"Divorce paper?" kunot noo pa na tanong ni Sophia kay Francis pagkabukas nya ng iniabot nitong sobre sa kanya. Matapos kasi ang ilang buwan na pamamalagi ni Francis sa ibang bansa ay ito kaagad ang bungad nya sa kanyang asawa pagbalik nya ng bansa. Ang Divorce paper. "Yes. Divorce paper. Maghiwalay na tayo," maawtoridad na sagot ni Francis kay Sophia. "Sige kung yan ang gusto mo at makapagpapaligaya sa'yo ay maghiwalay na lamang tayo," sagot na lamang ni Sophia kahit na sa kaloob looban nya ay nalulungkot sya.
Romance
1057.9K viewsCompleted
Show Reviews (12)
Read
Add to library
Sheila Claros Glori
happy ending ba itong story mo miss A.? nakakatamad magbasa ang daming character..tapos sa ending si Sophia at Francis lng naman dapat...bawas_bawasan mo naman ang mga character, pinapahaba mo lng ang kwento.at the end yung bida lng naman ang may saysay jan.
Darwin Malate
ang haba na ng kwento pero parang malayo pa kabihasnan ang mga nagaganap..bawat chapter may bagong character..medyo bilisan mo nmn ang kwento author nakakatamad mgbasa sa totoo lang nakakawala ng interes
Read All Reviews
Mapanganib na Pagbabago

Mapanganib na Pagbabago

Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...”
Romance
8.8119.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Kabit sa Phone ng Asawa Ko

Matagal ding nagtiis si Sarah Joy mula sa pantataksil ng kanyang asawa na si Derick Dane at pang aalipusta ng kanyang mga in-law bago siya tuluyang magdesisyon na makipag divorce. Bandang huli, lubos na pinagsisihan ni Derick ang naging divorce nila ni Sarah dahil noon niya lang din nalaman na ang binabalewala niyang dating asawa ay walang iba kundi ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya. Ilang taong tinago ni Sarah ang kayang tunay na pagkatao mula sa kanyang ex-husband at sa pamilya nito. Sa sobrang pagkadesperado, ginawa ni Derick at ng kabit nito ang lahat para malimas ang mga ari-arian ni Sarah. Ngunit ang lingid sa kaalaman ng mga ito, si Sarah pala ay tinutulungan ng dalawang sobrang gwapo at yamang mga lalaki. Ano kaya ang magiging ending ng love story ni Sarah? Mahahanap niya kaya ang kanyang true love?
Romance
1088.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Sassy Fiancée

The Billionaire's Sassy Fiancée

Hinalikan ni Irene Smith ang isang lalaking hindi niya kilala upang matakasan ang ka-blind date, subalit hindi niya akalain na ang lalaking aksidente niyang hinalikan ay isa palang bilyonaryo na noon ay nakatakda nang ikasal. Si John Maki Montealegre, isang mayamang lalaki na nangangailangan ng mapapangasawa. Kailangan niyang mapapayag ang kanyang lolo na magpa-opera. Dahil sa ginawa ni Irene, siningil siya ni Maki sa kalapastanganan ng dalaga. Ang kabayaran? Ipakikilala ni Maki si Irene sa kanyang pamilya bilang kanyang fiancée.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Mafia is my  Enemy

The Billionaire Mafia is my Enemy

El Maris
Punong puno ng puot si Melanie Vergara. Kung akala ng pamilya ni Blake Ortega na naubos ng mga ito ang lahi niya, malaking pagkakamali nila ito dahil nagbabalik siya para singilin ang mga ito. Nag-antay lang siya ng tamang tiyempo para umiksena. At nakakita na nga siya. Nilaslas niya ang mga gulong ng sasakyan ni Blake bago siya sumugod dito to the rescue. Iisa lang ang kanyang mithiin- si sirain niya ang lahat ng operation ni Blake pero ililigtas niya rin ito kunwari. Two birds in one stone kumbaga. Ang di lang niya pinaghandaan ay ang karisma ni Blake. Makalaglag panty pala ang kaguwapuhan nito. Paano na lang ang paghihiganti niya kung bawat lapit ni Blake sa kanya ay nanginginig ang kanyang laman sa excitement?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status