FROM OLD MAID TO BILLIONAIRE'S WIFE
WARNING: Mature Content... ‼️‼️‼️
ISANG balikbayan si Elorda Manalastas, ang may long-time boyfriend for 5 years at in-long distance relationship. Pero gumuho ang lahat nang magpakasal bigla ang boyfriend sa kapatid niya na mas bata sa kanya.
Ngunit, maiiba bigla ang kanyang kapalaran. Nabuntis siya at nagpakasal sa isang bilyonaryo na hindi nalalaman ng kanyang buong pamilya.
-------
"WHO the f^ck are you!" Malakas na mura ni Jav, nasa isang kuwarto siya at katabi ang isang babae.
Bumalikwas ng bangon si Elorda nang makarinig siya ng malakas na sigaw. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang hub^'t hub^d siya at katabi ang isang lalaki.
"I-Ikaw? G*go ka!" Mariin siyang napatiim, umigkas ang isang kamay niya at dumapo ang palad sa pisngi ng lalaking estranghero.
Natigagal si Jav at napahawak sa kanyang pisngi na sinampal ng babae.
"P^t*ngna mo rin! Ako pa minura mo... ikaw, na kumuha sa v^irginity ko. 35 years kong iningatan ang katawan ko... ang puri ko. G^go ka!" Mga bulyaw ni Elorda, unti-unti nang naglaglagan isa-isa ang butil ng kanyang mga luha.