My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)
Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna.
Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?