Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pakita Mo Na Mas Magaling Ka

Pakita Mo Na Mas Magaling Ka

Ang life trial system na “If You Think You Can Do Better, Prove It” ay sumabog sa eksena na parang isang naglalakbay na circus na nagpapangako ng magagandang bagay. Ang ideya ay plain. “Kung sa tingin mo ang buhay ng ibang tao ay magulo at tingin mo kaya mong mas gawin ito ng maganda, sige at patunayan mo. May reward na naghihintay kung magawa mo.” Bago ko mapagtanto, ang buong pamilya ko na tinuturing akong hanggal sa gitna ng palabas. Nandyan ang ina ko, nangangarap na gawin akong inahin. Ang asawa ko, na naglaan ng mga taon umiiwas sa nararapat na hati ng bigat ng pamilya. At ang anak kong lalaki, naaawa pag nakikita ako. Tinulak nila ako sa “judgement seat” na para bang kontrabida sa isang kwento. Bawat isa sa kanila ay sumumpa, sa pwesto ko, maayos nila ang buhay ko kaysa sa kaya ko. Ang pusta? Well, kung magawa nila ito, ang consciousness ko ay mabubura—mawawala, binura na parang pagkakamali sa chalkboard—at gagawin nilang personal na katulong. Dagdag pa dito, maglalakad sila palayo ng may isang milyong dolyar. Pero kung hindi nila magawa? Kung gayon ako ang siyang makakakuha ng tatlong milyong dolyar. Ngayon iyan ay pustahang kaabang abang, hindi ba?
Read
Add to library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
CERVANTES BROTHER SERIES 1-5

CERVANTES BROTHER SERIES 1-5

Kilala ang Cervantes bilang pamilyang maimpluwensiya. Limang mag ka-kapatid. Si Ace ang panganay, na ang hilig ay pangangbayo. Kaya naman siya ang namamahala ng 10-hectare na lupain ng kaniyang ama't ina. Binata si Ace, wala pang plano sa pag pasok sa commitment. Ine-enjoy lamang niya ang pakikipag fling sa mga kilalang modelo. Ngunit isang dalaga ang nakakuha sa atensyon niya. Si Malia, bago lang ang dalaga bilang caretaker, at talaga namang maganda ito at napakasimple. Ngunit napapansin niyang wala itong pake sakaniya. Hindi man lang nito mapansin ang kaniyang presensya dahilan para mas ma-curious at maging interesado siya sa dalaga.
Romance
1011.0K viewsOngoing
Read
Add to library
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
370 viewsOngoing
Read
Add to library
THE  UNEXPECTED BILLIONAIRES SON

THE UNEXPECTED BILLIONAIRES SON

MHAYIE
Hanggang san ka dadalhin ng Tapang mo kung makatapat mo ang Taong magpapabago sayo???? ROMARY CATHALEA NEPUNAN - Lumaki sa mayaman na pamilya,kaya lahat ng luho ay nakukuha,wala itong gusto na hindi nakuha,.. maganda at sexy siya kaya lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa ganda niya,mahilig ziyang makipag fling fling sa mga lalaking lumalapit sa kanya para makipaglandian,pero hndi siya yung tipong halos ibigay ang katawan sa mga poging lalaki,wala ni isa mang muli naglakas na loob na hawakan siya,dahil noong isang beses na may magtangka sa kanya na hawakan siya ay mabilis niya itong pinatumba sa mga tauhan niya.. Jiro Zen - masipag at matulungin sa kapwa ,hinangad ang simpleng pamumuhay, kesa sa buhay na pinapangarap ng lahat. . makikilala nila ang isat isa na magpapabago sa pinili nilang landas. pipiliin pa kaya nila ang gustong pamumuhay o handang bitawan para lang ipaglaban ang pag iibigan.
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Guarding the Badboy

Guarding the Badboy

Everybody wants to be protected. Everybody wants to be secured. Sa bawat kwento, pag isa kang "importanteng" tao, your life will be filled with threats kaya may mga taong papaligid sa iyo para protektahan ka, the guardians. Minsan, o di kaya halos lagi nalang, the damsel in distress ang laging prinoprotektahan. Nangangarap ng kanilang "Prince Charming" o di kaya ng isang "Knight in Shining Armor" ...pero ngayon, papatunayan ko sa inyo na ang isang babae ay kaya ring protektahan ang isang "importanteng" tao... yun nga lang... ...he's a badboy. I am guarding the badboy at ito ang aking kwento.
Romance
106.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Midnight Rain (Quijada Series)

Midnight Rain (Quijada Series)

Nabislayed
Sweet Margaux Villafranco a second-year college student taking a Bachelor of Science in Information Technology meets Jace Gael Quijada a volleyball player and taking a Bachelor of Science in Information Technology course. Nag kakilala sila sa hinding inaasahang okasyon. They started being friend in a chat until Gael courted Sweet and they become a couple. Isang araw nalaman niyang may sakit ang kanyang ama at kailangan nitong magamot sa Maynila. Umalis sila at pansamatalang siyang tumigil sa pag aaral. Sa kanyang pag alis hindi niya inaasahan ang isang pangyayaring sisira sa maganda at masaya niyang buhay. Naging malupit ang tadhana sa kanya hanggang sa may tumulong sa kanya ngunit kapalit nito iwan at kalimutan ang buhay niya sa Villanueva kasama si Gael. Sa paglipas ng apat na taon muli silang nagkita ngunit mag kaiba na ang kanilang mga mundo. Tuluyan na kaya nilang kalimutan ang isa't isa at patuloy na harapin ang kanilang bago at mag kaibang mundo?
Romance
9.5901 viewsOngoing
Read
Add to library
Gabriel Montesilva

Gabriel Montesilva

Reynang Elena
Si Gabriel ay lumaki na isang kahig isang tuka, maaga pa lang ay naulila na siya kaya hindi man lang ito nakapagtapos ng pag aaral at dahil dito ay nahihirapan siyang makahanap ng trabaho. Mabuti na lang at nakilala niya si Veronica na siyang kumupkop sa kanya at tinuring siyang anak, pero hindi naging madali sa binata ang buhay dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao. Makikilala niya si Iya na siyang magpapatibok ng kanyang puso, unang beses niya pa lang ito na makita ay humanga na siya agad dito ngunit magkaiba ang estado ng kanilang buhay at alam niyang malabo siya nitong magustuhan kaya gumawa siya ng paraan para mapalapit dito Ngunit hindi naging madali sa kanilang dalawa ang lahat dahil ilang beses silang susubukin ng tadhana. Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pagmamahal? Paano kung isang araw ay malaman mo na ang pinaniniwalaan mong katotohanan ay puro lang pala kasinungalingan? Paano kung ang isang bagay na pinakaayaw mo ay nagawa ng taong mahal mo? Matututunan mo kayang magpatawad at tanggapin ang masalimuot niyang nakaraan alang alang sa pagmamahal? Dignidad. Nakaraan. Katotohanan. Kasinungalingan. Pagmamahal.
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Add to library
TWISTED

TWISTED

WARNING: IMPLICIT AND MATURED CONTENT. THIS STORY CONTAINS VIOLENCE/KIDNAPPING/FORCED/RAPED. YOU HAVE BEEN WARNED! Dahil sa utos ng ina ay napilitan siyang pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para makilala ang anak ng kababata nito. Sa edad na bente otso ay single parin ang dalaga na si Regina Santos. Hindi pa siya nagkakanobyo dahil mas gusto niya ang magkulong nalang sa loob ng kwarto at manood ng mga korean nobela kaysa ang makipag-date o makipaglandian sa mga lalaki. Kaya naman ang ina niya ay nababahala na baka hindi na siya makapag-asawa, kaya inutusan siya nito na pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para ireto sa anak ng kababata nito. Dahil sa hindi niya magawang suwayin ang ina ay sumunod siya sa utos nito. Dito na nga nagsimula ang lahat. Nakilala niya ang tatlong mayaman na binata na gugulo sa buhay niya. Matagpuan niya kaya ang tunay na pag ibig sa mga ito? O ito ang magiging dahilan ng pagkawasak niya?
Romance
9.520.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)

Mahal Ko ang Pinsan Ko (SPG)

Sa isang gabing pagkakamali nagdesisyon akong layuan ang pinsan ko. Malapit kami sa isa't isa na halos gabi gabi na kaming nagtatabi sa pagtulog. Hindi ko maiwasang ma-inlove sa kanya pero alam naman ng lahat na magpinsan kami kaya bawal yon. Pinilit ko siyang layuan sa abot ng makakaya ko pero lapit naman siya ng lapit hanggang sa hindi ko na kayang tikisin pa ang kinkimkim kong pagmamahal sa kanya. Isang araw umuwi siyang lasing na lasing at sa hindi sinasadyang pagkakataon may nangyari sa amin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos pero sinabihan niya ako na mahal din daw niya ako. Hanggang sa naulit muli ang aming ginawa, tinago namin ang aming relasyon dahil nga bawal pero malupit talaga ang tadhana dahil nahuli kami at sapilitang pinaghiwalay. Umalis siya at nagaral sa ibang bansa. Tinupad niya ang pangarap niya doon at makalipas ng limang taon, bumalik siya at hindi ko alam na ang pinagtratrabahuan ko ay isa na pa lang kumpanya niya. Tunghayan po natin ang kwento ni Jam at William, isang kwento na puno ng misteryo sa likod nito. Isang kwento ng dalawang nagmamahalan pero bawal. Isang kwento na puno ng hinanakit, may pag asa pa kaya silang dalawa?
Mafia
10508 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status