Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Chosen One

The Chosen One

Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?
Paranormal
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vampire who will fall inlove with me

The Vampire who will fall inlove with me

Iam Sorowenpein
Habang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat ang buong katawan at may pana pang nakabaon sa likudan nito. Dahil sa pagtulong ni Erinn, ay di niya akalain na mapapaloob siya sa isang ugnayan na ang tanging makakapagpasawalang bisa lang ay kamatayan. Magiging obligasyon ni Volt na protektahan si Erinn hanggang sa pinakadulo ng buhay nito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya.
LGBTQ+
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Slave to His Slave

Slave to His Slave

🔞 🔞"Sei il mio tormento dolce." Belleza Cruz, the mafia leader's prisoner. She is his slave, he owns her, body and soul... But she's the one in control. Lumaki sa hirap at simpleng buhay ngunit parang dyamante naman kung ingatan ng kaniyang ama si Belleza. Pero isang araw ay nagising na lang siyang naghihingalo ito dahil sa impeksyon. Sa kagustuhan na maisalba ang buhay ng natatangi niyang yaman, sinuong niya ang masamang panahon para humingi ng tulong. But her desperate quest leads her into the dark world of a Mafia don Lionzo Mancini. Naging saksi siya sa krimeng ginawa nito kaya naman ay binihag siya nito at ginawang alila. Becoming his all-consuming obsession, Belleza must fight for survival and escape. Ngunit nang matuklasan niya na ang kanyang ama ay namatay noong araw na siya ay binihag ni Lionzo, ang kanyang pagnanais para sa kalayaan ay naging isang matinding pangangailangan para sa paghihiganti. Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang galit? At hangga't kailan ang pagiging baliw ni Lionzo sa kaniya?
Mafia
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with the Magnate

A Night with the Magnate

Cupcake Empress
Isang Cardiothoracic Surgeon si Gracious Faith o mas kilala bilang Faith. Isa siyang tanga sa pag-ibig na binigay ang lahat ng luho ng boyfriend niya. Ngunit pinagtaksilan lamang siya nito dahil ayaw niyang ibigay ang sarili dito. Taas noo niyang hinarap ang boyfriend at diretsahang nakipag-break dito. Then she met Froiland. Ang lalaking nagligtas ng buhay niya. Hindi niya akalain na sa sobrang atraksyon niya dito ay ibibigay niya ang sarili dito. Ang nakakawindang sa lahat ay nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ng binata. Then she decided to raise their child on her own. Isang bagyo ang bumago sa buhay niya. Dahil sa bagyong iyon ay ipinadala siya sa Dream Guys Resort kung saan isa si Froiland sa may-ari ng resort na iyon. They met by coincidence. Nagdadalawang-isip siyang sabihin dito na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Will she tell him the truth about her pregnancy? Or will she run away again without telling him? Will she fall in love with him? Lalo pa't patuloy nitong ginugulo ang puso't isip niya?
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Party A Is In Love!

Party A Is In Love!

mooncake_o07
Simple lang ang pangarap ni Lalaine Madrigal at yun ay ang magkaron ng maayos na trabaho na may mataas na salary para maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman hanggang sa makilala niya ang aroganteng si Juaquin Cristobal ang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Siya na kaya ang sagot sa pangarap ni Lalaine? At ano kaya ang gagampanan ng binata sa buhay ng dalaga?
Romance
2.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Good Lawyer's Impostor Wife

The Good Lawyer's Impostor Wife

Mula sa isang huwad na hatol, pagkakakulong, at sunog na dapat sana’y kumitil ng kanyang buhay, muling isinilang si Beatrice Pascual sa katauhan ni Margaret Villacaceres. Sa likod ng bagong mukha ay naglalagablab ang paghihiganti laban sa mga taong umagaw sa kanyang kalayaan, anak, at pangalan. At sa gitna ng lahat, nakatayo si Atty. Theodore Galvez—ang abogado na siyang nagdiin sa kanya. Hindi niya alam, ang muling pagkikita nila ang magiging simula ng pinakamadilim at pinakamatamis na laro ng hustisya, pag-ibig, at paghihiganti.
Romance
145 viewsOngoing
Read
Add to library
SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE

SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE

Dahil sa malubhang sakit ng kanyang ama, walang nagawa si Renata Ferrer nang ipagbili siya ng sariling madrasta sa isang bilyonaryong walang puso, si Severino "Sev" Morelli. Kilala si Sev bilang isang malamig, walang awa, at walang interes sa pag-ibig. Para sa kanya, lahat ng bagay ay may presyo, at si Renata? Isa lang siyang bayad na ari-arian. Ngunit hindi niya inasahan na ang babaeng ito—na pinilit lang ipasok sa kanyang buhay—ay magtutulak sa kanya sa isang bagay na hindi mabibili ng pera.
Romance
284 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Annoying Assistant

The Billionaire's Annoying Assistant

Para mabuhay ang mga batang tinuturing na niyang kapatid. Nag-apply si Petra ng trabaho sa isang malaking kompanya. Nakuha siyang assistant ng arogante at mapaglarong CEO na si Joshua. Maayos naman ang lahat sa trabaho, kahit na minsan ay gusto niyang pilipitin ang leeg ng loko-loko niyang amo. Hanggang sa isang araw, ang pinakatago-tago niyang sikreto ay nabunyag. Dahilan para masisante siya sa trabaho at mawala sa buhay ng binatang amo na nagkaroon na ng parte sa kaniyang puso.
Romance
1056.2K viewsCompleted
Read
Add to library
WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

ATHAPOS
Si Vegee Mariano, isang heartbreaker, binayaran siya ni Steffi, eight-hundred thousand. Ipapahinto niya ang kasal ng babae at magpanggap na nobya sa nobyo nitong si Gabriel Quiros. Nagawa niya ang trabaho. Dumaan ang linggo, nagpakamatay si Gabriel Quiros dahil sa matinding depression. Siya ang sinisisi ng pamilya nito. Dahil sa takot umuwi siya ng Bohol. Naging payapa ang buhay ni Vegee sa probinsya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay niya si Wilson Montreal. Naging pamilyado si Vegee sa mukha nito. Ito ang lalaking nakasama niyang kumain sa fast-food chain noon sa Manila. Nasa probinsya na ito at may business. Araw-araw itong bumibisita ang lalaki at nagsabi ito ng totoong nararamdaman nito. Hindi manhid si Vegee sa naramdaman ng lalaki at ganoon din siya sa kanyang sarili. Naging mapusok sila sa kanilang naramdaman. Isang gabi, nagyaya si Wilson sa resort nito. Nagpunta kaagad si Vegee ngunit nandoon si Steffi. Pinahiya siya ng babae at doon niya nalaman na si Wilson ay ang kapatid ni Gabriel Quiros. Kaya bang ipaglaban ni Vegee ang kanyang nararamdaman sa lalaki kung naghihiganti lang pala ang lalaki sa pagkamatay ng kapatid nito? Kaya niya bang ipaglaban pa rin ang kanyang pagmamahal sa lalaki kung nalaman niyang may relasyon si Steffi at Wilson? Paano kung nagbunga ang mapusok nilang mga gabi?
Romance
10873 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ruthless Mafia

My Ruthless Mafia

Si Agent Eighteen ay isa sa mga kilala at tinitingalang agent ng isang pribadong organisasyon na kung saan ang layunin ay mahuli ang mga malalaking kriminal na naninirahan sa Pilipinas. Dahil sa husay nito ay naatasan siyang hulihin ang isa sa pinakamalaki at pinaka delikadong Mafia Group sa Pilipinas, ang Black Spades. Sa pamamagitan ng kanyang undercover at pagpasok nito sa buhay ng mafia boss na si Death, matutuklasan ni Eighteen ang iba't-ibang gawain ng isang mafia at kung paano unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa't-isa.
Romance
685 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status