Share

Chapter 34

Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakabalot ang katawan ko ng makapal na kumot pero nakahiga ako ngayon sa isang airbed na kakasya ang dalawang tao. Kinuha ito ni Greg sa sasakyan kagabi nang humupa na ang ulan.

Bumalikwas ako sa aking hinihigaan nang walang makapa at maramdamang presensya sa tabi ko. Kahit na hirap pa sa naaaninag na liwanag ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko upang hanapin si Greg. Nilinga-linga ko ang paligid ng kuweba ngunit hindi ko siya mahanap.

Nagmadali akong bumangon. Kinuha ko ang nabasa kong bistida na nakapatong sa kahoy na ginawa ni Greg na sampayan kagabi. Nagsindi rin siya ng apoy mula sa mga kahoy na napulot niya lang dito sa loob ng kuweba. Sinadya niya 'yon upang matuyo ang mga damit namin at magsilbi na rin na pampainit dahil muling bumuhos ang malakas na ulan kagabi. Kaunting usok na lang at mga abo nito ang natira ngayon.

Sinuot ko ang bistida at panty. Naroon sa tabi nito ang damit ni Greg ngunit ang mga pang-i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status