LOGINSa mundong mapait ay pinilit mamuhay at magsumikap ni Cailee Estrella upang maiahon ang kaniyang sarili sa hirap. Ulilang lubos at nakaranas ng kalupitan sa kamay ng mga taong mapang-abuso na kumupkop sa kaniyang nang pumanaw ang mga magulang niya. Ngunit sa sandaling panahon ay natamasa rin niya ang marangyang buhay sa tulong ng lalaking iibig sa kaniya at inibig din niya nang lubusan. Subalit, ang masaganang buhay na 'yon ay hindi niya inaasahang mas malupit pala ang kaniyang kapalaran. Gumuho ang kaniyang mundo nang maglaho itong parang bula at iniwan siyang mag-isa na nagdadalang tao. Sinikap niyang muling bumangon at binuhay mag-isa ang sanggol sa sinapupunan niya hanggang sa lumipas ang anim na taon. Dahil sa komplikasyon ng kalusugan ng kaniyang anak ay dinoble ni Cailee ang pagsusumikap. Hindi sapat ang pagle-labor sa palengke at pagwi-waitress kaya maging ang pagpo-prostitute ay pinasok na rin niya, at doon ay nakilala niya ang taong muling gugulo sa tahimik na niyang buhay. Hahayaan ba niyang muling buksan ang kaniyang pusong minsan nang nasugatan? Paano kung ang misteryosong lalaking ito ang magiging daan upang muli niyang matagpuan ang ama ng kaniyang anak? Paano kung ang lalaking ito rin ang gagamot sa puso niyang minsan nang nasugatan?
View MorePalubog na ang araw nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nakapa ko kaagad ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Nagtaka ako nang makitang nakabukas na ang lampshade sa ibabaw ng lamesitang katabi ng aking kama. Iyon lang ang nagsilbing liwanag sa aking kuwarto kaya hindi masakit sa mata nang magising ako. Ang salaming pinto papunta sa terasa ay nakasara na rin ngunit ang mahabang kurtina ay nakabukas kaya nasilayan ko rin ang papalubog ng araw. Cellphone kaagad ang una kong hinanap. Nakita ko iyon sa ibabaw ng lamesita. Nalungkot ako nang pindutin ko iyon ay wala man lang natanggap na kahit na isang mensahe o tawag mula sa kaibigan ko. Dismayado ako at nag-aalala, may halo na ring kaba. Nagmadali akong umibis ng kama at nagpasyang lumabas ng kuwarto kahit na tila wala pa ako sa aking sarili. Nang pinihit ko ang siradura at tuluyang nabuksan ang pintuan ay agad na tumambad ang mukha ni Greg. "Gising ka na pala," saad niya. "Greg, anong balita sa la
Nagising ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakabalot ang katawan ko ng makapal na kumot pero nakahiga ako ngayon sa isang airbed na kakasya ang dalawang tao. Kinuha ito ni Greg sa sasakyan kagabi nang humupa na ang ulan. Bumalikwas ako sa aking hinihigaan nang walang makapa at maramdamang presensya sa tabi ko. Kahit na hirap pa sa naaaninag na liwanag ay pinilit kong ibuka ang mga mata ko upang hanapin si Greg. Nilinga-linga ko ang paligid ng kuweba ngunit hindi ko siya mahanap. Nagmadali akong bumangon. Kinuha ko ang nabasa kong bistida na nakapatong sa kahoy na ginawa ni Greg na sampayan kagabi. Nagsindi rin siya ng apoy mula sa mga kahoy na napulot niya lang dito sa loob ng kuweba. Sinadya niya 'yon upang matuyo ang mga damit namin at magsilbi na rin na pampainit dahil muling bumuhos ang malakas na ulan kagabi. Kaunting usok na lang at mga abo nito ang natira ngayon.Sinuot ko ang bistida at panty. Naroon sa tabi nito ang damit ni Greg ngunit ang mga pang-i
Matapos na makuntento sa pagpapaligaya na ginagawa ko ay pinatigil ako ni Greg. Inalalayan niya akong tumayo sa tapat niya at muling pinag-isa ang mga labi namin. Habang pinagsasaluhan namin ang mainit at uhaw na halik ay iginiya ako ni Greg papunta sa isang may katamtamang laki na bato. Kinalas niya ang kaniyang bibig at pinaharap ako sa batong nasa tapat ko. Sinilip ko siya sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong posisyon ang pinahihiwatig niya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa bato."Bend your knees Cai, I will ride behind you." Nakuha ni Greg ang pinahihiwatig kong tingin. Gusto ko kasing itanong kung paano namin gagawin iyon sa bato.Ngayon ay naunawaan ko na ang sinabi niya. Makinis ang bato na iyon kaya sinunod ko ang nais niyang posisyon. Pinatong ko ang dalawa kong tuhod at inangat ang baywang ko. Niyuko ko rin ang likod ko at pinilo ang mga siko upang hindi mabuwal. Ginawa namin ito sa kotse niya noon kaya alam ko na kung paano gawin ito ngayon. Tinutok niya ang d
Pareho kaming napahalakhak ni Greg dahil halos maligo na kami sa ulan. Natigil lang ako sa kakatawa nang pinapasok na namin ang loob.Namangha ako nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng kuweba. Sakto lang ang laki nito pero mayroon pa itong karugtong sa loob. Karaniwang malalaking bato lang ang nakikita ko, pero mas mainam na rito dahil hindi kami mababasa ng ulan at hindi gaanong giginawin. Naagaw ni Greg ang atensyon ko nang hinubad niya ang suot niyang itim na t-shirt. Mariin kong itinikom ang bibig ko nang makita ang maayos na pagkakahulma ng kaniyang mga abs. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay mga peklat sa iba't-ibang parte ng katawan niya lalo na sa bandang dibdib at tiyan. Hindi ko ito napansin noong may nangyari sa amin sa kotseng ginamit niya. Nahawakan ko siguro pero hindi ko gaanong naramdaman dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa namin no'n. Isa pa, madilim din doon sa tabi ng kalsada kaya malabong mapapansin ko ang mga ito.Napatingin siya sa akin. Mabi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews