Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Hidden Wife

The Billionaire's Hidden Wife

"Sa pagkakaalam ko ay sa ibang bahay na daw si Sir Lucian umuwi! Pakiramdam ko ay doon 'yon sa kabit nya!" Rinig kong ani ng isa sa mga kasambahay namin. "Hala! Edi grabi naman pala ang sakit non kay Ma'am Ivy. Sa pagkakaalam ko ay hinahatiran sya ni Manang ng pagkain kaso nagiimpake na ata sya para umalis." Tumingin ako sa labas ng bintana sa kalagitnaan ng gabi. Nakakapagod at nakakalungkot isipin ang mga bagay na pinagdaanan ko sa bahay na ito. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba, daig ko pa ang isang aso na naghihintay sa amo nya umuwi na sa ibang bahay pala nagpapahinga. Pinangako ko sa kanya at sa harap ng panginoon na sya lang at wala ng iba, magiging mabuting asawa ako sa kanya at sa magiging pamilya namin at higit sa lahat hinding-hindi ako magiging sagabal o magiging dahilan ng paghihirap nya. But after all that what did I get? Nothing. Our marriage quickly crumbled in an instant. It's been a few months since we last ate out. Actually, hindi ko alam kung matatawag ba iyon na date dahil ako lang naman kumain mag-isa. I waited for him to come but he didn't then I found out through his friends later that he was with his ex-girlfriend, having a date with her. That night was a mess, but also the night when I realized na ako lang ang nag iinvest sa relationship na 'to. Im the only one who actually cares and values our marriage. But I think it's time for Me and my Husband, Lucian Keanu Mancini, to go on our own ways. Sya bilang CEO while I chase my dream to become a Model.
Romance
53 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back

Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back

Hiniwalayan ng cold-blooded CEO na si Max ang kanyang asawa na si Khelowna matapos ang dalawang taong pagsasama na walang pagmamahalan. Naniniwala siyang si Khelowna ang nag-frame up sa kanyang tunay na mimanahal, na si Maveliene dahilan kung bakit na-coma ito sa ospital ng mahabang panahon. Nang malaman niyang buntis si Khelowna ng hindi sinasadya, kinuha niya ang anak nila matapos maipanganak at nilayo ito sa asawa niya. Gusto niyang maging ina ng anak niya ay si Maveliene. Ngunit makalipas ang anim na taon, muling nagkita sina Max at Khelowna sa isang ospital kung saan dinala ni Max ang anak niya para ipagamot. Dahil doon nagtatrabaho si Khelowna bilang doctor, napagalaman niya na ang batang dinala ng ex-husband niya sa ER ay anak pala nila. Agad siyang nangako sa sarili niya na kukunin niya ang anak niya. Ngunit bago niya iyon magawa, kailangan niya munang harapin ang ex-husband niya na hanggang ngayon ay galit pa rin sa kaniya. Ano ang mangyayari kay Khelowna sa pinaplano niya?
Romance
1099.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Captivate the Mafia Boss

Captivate the Mafia Boss

Lil_Simple9
Farrah Louise Alvarez, a 23 years old optimistic woman who fell in love with a mafia boss. Nasaksihan niya kung gaano ka-brutal pumatay ng tao ang taong nagugustuhan niya, ngunit mas lalo pa siyang nahulog dito sa halip na katakutan niya ito. Siya rin ay gumaganap na isang ina sa isang batang kan'yang inampon. Grayson Harvey Lewis, the 28-year old Mafia boss, and the ruthless man that can kill anyone except the innocent ones. Kaya niyang patayin ang sinumang humarang sa kan'yang mga plano at ang mga traydor sa kan'yang paligid. Lalo pa't kailangan niyang malaman ang nangyari sa kan’yang ama at hanapin ang bangkay nito. Sa pagku-krus ng landas ng dalawa ay parehong nag-iba ang takbo ng kanilang buhay. Humingi ng pabor si Gray kay Farrah na magpanggap na asawa nito kapalit nang pananatili niya sa bahay nito upang hindi makuha ng kan’yang madrasta ang lahat ng pinaghirapan ng kan’yang ama. Ngunit sa kabila ng kanilang pagpapanggap ay hindi inaasahan ng dalawa na magkakaroon sila ng mas malalim pang ugnayan. Lalo na’t isa sa layunin ni Farrah ay ang mabihag ang puso ni Gray. Magpatuloy pa kaya si Farrah na pa-ibigin si Gray sa kabila nang mga darating na mga problema sa buhay nila? Ang pagpapanggap ba nila ang magiging susi tungo sa inaasam nilang layunin?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan. Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama. Kanselado ang kasal. Tinakwil siya ng pamilya. At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon. Buntis siya… Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva. Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya? Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?
Romance
9.8687.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

Limang taon.. Limang taon na nakulong si Sapphire, dahil sa kagagawan ng kanyang asawa, at ng kabit nito, na kanya mismong kapatid. Sa kanyang paglaya, mismong ang hudas pa niyang asawa ang sumundo sa kanya, dahil hindi maaaring iakyat sa bahay ng mga Briones, ang isang kabit. Alam na ni Sapphire ang kanyang plano, ang maghiganti sa kanyang asawang si Dexter, at sa kanyang kakambal na si Emerald. Nais din niyang hanapin, ang batang iniluwal niya, na pinalabas nilang patay, bago siya makulong. Ngunit pagdating niya sa kanilang bahay, ang isang lalaking gwapo, at hinahangaan ng lahat, ay naroroon, si Ezekiel Briones, na may bitbit na anak. Hindi niya mawari sa kanyang sarili, kung bakit ang pakiramdam niya sa lalaki, ay inaakit siya, at yun naman ay pinayagan ng kanyang puso. Saka pa lang malalaman ni Dexter, na nagkamali ito, at nais ayusin ang kanilang pagsasama.. Sino ang pipiliin niya? ang dati niyang minamahal, na pinahirapan siya, o ang gwapong si tito Ezekiel, na hindi niya malaman kung seryoso sa kanya?
Romance
1032.2K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
nehj ollav
wag mo igaya sa character ni Maureen SI sapphire na ito uto,sana nmn Yung lumalaban,,tsaka bakit ba lagi iniisip Yung matanda babae,ipagpilitan pa wag maghiwalay DBA nya naisip mga pinagdaanan ni sapphire,at bakit di nya alamin bakit nakulong SI sapphire
Angel Broadway Pitt
damihan nyupa po ang update Dito author, sana Malaman na nla Sapphire at Ezekiel na anak nila si Liam at sna magka aminan na tlaga ng feelings.. hwag na masyado pahirapan c Sapphire author lage Nalang cyang pinapahirapan sa kwento, bigyan nyu din po ng Kaligayahan ang puso nya..
Read All Reviews
His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

Magic Heart
Sa araw ng kaniyang kasal, biglang nawala si Carie at kinalaunan ay idineklarang patay. Subalit paglipas ng dalawang taon, muli siyang magbabalik na mas mayaman, mas malakas, at mas matapang dahil asawa na siya ng bilyonaryo na kinatatakutan ng lahat. Buo ang isip niyang pagbayarin ang mga taong umapi sa kaniya at bawiin ang lalaking dapat sana ay pinakasalan niya, subalit hindi madali iyon dahil sarili niyang pamilya ang kaniyang kalaban. Kahit binabalot ng galit at paghihiganti ang puso ni Carie, isang lalaki ang mananatili sa kaniyang tabi- si Leon. Leon Marquez- ang lalaking pinagkakatiwalaan ng pinakamayamang pamilya sa buong Asya. Isusugal niya ang buong buhay at trabaho alang-alang sa babaeng humihingi ng kaniyang tulong. Magpapanggap siyang mister ng asawa ng kaniyang amo habang nagtatago ito, ngunit hindi sinasadyang iibig siya kay Carrie. Gamit ang taglay na karisma, gwapong mukha, at mala-adonis na katawan; aakitin niya ang misis ng kaniyang boss. Ngunit hindi sapat ang pagmamahal niya sa mapanlinlang na tadhana. Baon ang sakit sa inaakalang kataksilan, lalayo si Carie at kamumuhian din siya nito. Hanggang sa magtagpo ang landas ni Leon at ng isang batang lalaki. Tatawagin siya nitong daddy. Matanggap kaya ni Leon ang anak na hindi niya nakikilala? Magawa kaya niyang ipaglalaban ang kaniyang mag-ina kung ang tingin ng iba ay isa lamang siyang NOBODY?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
BETWEEN LUST AND REVENGE: Seducing my Trillionaire Husband

BETWEEN LUST AND REVENGE: Seducing my Trillionaire Husband

"Sign those damn divorce papers, Blaire. I want you out of my life as soon as possible!" Nagising si Blaire sa ospital na walang alaala sa nakalipas na anim na taon. At sa harap niya, si Ryker Montefalcon, ang pinakamayaman, pinaka-cold at pinaka-hot na CEO sa bansa. Ang mas masakit pa ay dala nito ang divorce papers, habang ang isang batang mahina at puno ng pasa ay tawag sa kanya ng “Mommy.” Sa mata ng lahat, isa siyang traydor na asawa at masamang ina. Ang anak niyang lalaki, puno ng galit at ayaw siyang makita. Ang anak niyang babae, takot na takot na maiwan. At si Ryker, galit, sugatan, at handang burahin siya sa buhay nito. Naguguluhan man ay hindi papayag si Blaire na malaman ang katotohanan sa likod ng mga misteryo. Hindi siya maniniwalang gano’n ang pagkatao niya. Kaya kahit gaano kasakit, kahit gaano kainit ang galit ni Ryker, sa halik na puno ng poot, sa yakap na may halong tukso ay gagawin niya ang lahat para muling makuha ang puso nito. Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at pagnanasa… handa bang magpatalo si Blaire sa apoy ng isang lalaking kaya siyang wasakin pero siya rin ang tanging lalaking gusto niyang mahalin muli?
Romance
356 viewsOngoing
Read
Add to library
Heirs Of The Tyrant Billionaire

Heirs Of The Tyrant Billionaire

Babz07aziole
"I want to taste you again, like a secret or a sin." Tracy Evanz Villasis, binatang bilyonaryo. Mailap sa nakararami, tuso at makapangyarihan. Hindi basta nagtitiwala sa kung sino-sino lang. Kung bansagan siya ng mga employee niya ay "binatang kinulang sa aruga". Wala naman talaga siyang pakialam kung tatanda siyang mag-isa. Ngunit magbabago lahat ng iyon, magmula ng makita niya sa isang boutique store ang isang napaka-cute na baby. Sa isang iglap ay ninais niyang magkaroon ng isang katulad nito. Tila dininig naman siya ng nasa itaas, dahil ang batang si Trace na inasam niyang maging kanya ay madiskubre niyang anak niyang tunay. Si Grace Demecia ay ang ina pala mismo nito! Walang iba kung 'di ang nag-iisang babaeng sineryuso at binalak niyang pakasalan noon. Muli ay nabuhay sa kanya na alamin kung bakit siya nito basta iniwan kung buntis na pala ito sa kanya. Sa paghahanap niya ng kasagutan sa mga katanungan niya ay napagtanto niyang hindi nawala ang pagmamahal niya kay Grace lalo at nagka-anak pa sila. Ngunit, hindi aakalain ni Tracy Evanz na masasaktan siya ulit. Muli... Sa isang mapait na paraan ni Grace.
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Accidental Prodigy Baby

The Ceo's Accidental Prodigy Baby

"Who are you?" tanong ni Arlon habang hawak sa braso ang isang bata na babae. "Let go of me. You scumbag!" The arrival of his daughter awakened a longing for connection and love that he had never known. He loved Charlotte unconditionally but found himself lost, unsure of how to bridge the gap that had formed between them. Umiiyak si Charlotte sa isang kwarto. Puno iyon ng mga laruan na pambata, stuff toys at puno ang closet niya ng magaganda na dress ngunit wala sa mga iyon ang nakakuha ng ngiti at attention ng batang si Charlotte. As fate intertwined their lives, the complexities of love, sacrifice, and the unbreakable bond of family began to unfold. In their journey through the trials of life, would they discover that true strength lies not in perfection, but in the messy, beautiful reality of loving one another? "Wala sa inyo ni Miss Ophelia ang nagmatch ng blood type ng bata. Paano nangyari iyon?" May isang babae ang umiiyak na tumatakbo patungo sa emergency room na talagang kamukha ng nagpakilala na ina ni Charlotte at nakasama niya ng gabi na iyon. Cordelia Monteveros the woman who have a mentally unstable and walang kakayahan makapagsalita. Putikan ang dulo ng suot nito na puting dress at nakapaa. Hinawakan siya ng babae, puno ng pag-aalala at paulit-ulit na hinila ang sleeve niya— gumawa ng mga hand sign language na talagang hindi maintindihan ni Arlon. Nanatili si Arlon na nakatingin sa babae na akala niya na hindi na niya na ulit makikita at doon narealize ni Arlon na nakagawa siya ng malaking pagkakamali. In a world where family ties are tested by secrets, control and power.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
Romance
1016.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status