IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

last updateLast Updated : 2023-04-14
By:  Bb.TaklesaCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
9 ratings. 9 reviews
90Chapters
14.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“NO! YOU CAN’T DO THIS TO ME, PAPA!” Matindi ang pagtutol ni Victorina sa kagustuhan ng ama. “I WILL NEVER MARRY THAT MAN.”

“You will marry Xander in two-days, Victorina. Kailangang madaliin natin ang inyong kasal.”

“Papa, mahal ko si Carlo. Why can’t you accept him for my sake? I love him!” He trusts his instincts. Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki iyon. “Bakit po ninyo ako ipapakasal kung kani-kanino lalo na sa business partner pa ninyo?”

“Do as I say, Victorina! Malaki ang maitutulong ni Xander sa atin. He can save the company. Hindi lang pera ang makakatulong sa atin kundi ang galing ng kanyang management skills.” Valdemor trusts Xander so much dahil siya ang nagturo dito noong bago pa lang siya sa negosyo.

Ngayon ay kilalang kilala na ang Mondragon Textile Company. Ang dating maliit na kompanya na ngayon ay tinitingala sa kanyang tibay at tatag katulad ng isang dragon.

“What if I don’t? Anong gagawin ninyo, Papa?” Napabuntung-hininga si Valdemor.  “Atsaka, bakit ako pa ang kailangang mag-manage sa business na ito? Wala akong alam sa mga clothing designs. Ang alam ko lang ay magsuot ng damit, mag-shopping at bumili. I don’t mind how it is done before I even get to wear it.” Nagalit si Valdemor sa sagot ng kanyang anak. Matagal na siyang nagtitimpi dito.

“You shut up! Ito na lang ang hinihiling kong gawin mo para sa akin dahil tumatanda na ako, Iha!”

“Bakit hindi ang paborito mong anak ang utusan mo para i-manage ang kompanya? Yes Papa lang naman ang alam niyang sagot. Why not her? Why me?” Mas mataas pa ang boses niya kaysa sa ama.

“Ikaw ang panganay and that’s your responsibility.” Mabigat talaga ang dugo ni Victorina sa kapatid. Sampal muli ang kanyang natikman. Nanginginig si Val sa sobrang galit.

“Val, tama na iyan!” Gumanti naman si Victorina kay Ella.

“Ikaw ang umalis dito, Ella. You have no place in this house. Akala mo, hindi ko alam. You are trying to seduce my papa. Anong klaseng panggagayuma ang ginagawa mo sa papa ko? Maganda ka ba? Yaman ba ang habol mo sa aking papa? Why don’t you go out of here now and find a rich young billionaire to satisfy all your needs. Kating-kati ka ba at papa ko rin ang target mo!”

Hindi nakapagtimpi si Ella sa paratang ng babae. Hustong iigkas sana ang kamay nito ngunit hindi naitago ang lahat ng iyon kay Valdemor.

“What did you say, Victorina? Anong klaseng utak mayroon ka? Sino ba ang kausap mo ngayon? May maipagmamalaki ka na ba sa bahay na ito ha!” sigaw ni Valdemor. Gulat na gulat ang panganay na anak ni Valdemor sa kanyang tinuran.

“Papa…” Isa pang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Nasabunutan na niya ang anak.

“How dare you talk to your Tita Ella that way? Hindi mo pa alam ang lahat. Huwag mo akong sagarin dahil mahabang panahon na akong nagtitiis sa pag-uugali mo. Hindi ka makakapagtapos kung hindi dahil sa akin. Hindi ka makakapagsuot ng magagandang damit kung hindi dahil sa akin. Hindi ka magiging isang Newman kung hindi rin dahil sa akin. You have to earn every single penny in my company.” Inihagis ni Valdemor ang isang makapal na folder kay Victorina.

Dinampot iyon ng babae isa-isa at nakita ang mga resibo na naglalaman ng malalaking halaga ng transactions from her orders online.

“Papa…”

“Explain all these to me! How did you make all those payables in six months? Alam mo ba kung magkano ang lahat ng iyan? Kaya mo bang bayaran ang halagang two million dollars kasama ang almost five million pesos na halaga ng mga kung anu-anong gamit masunod lang ang kapritso mo! How can you spend such big amounts tapos ayaw mong kumilos ng tama sa kompanya? Will go bankcrupt in ten years kapag lahat ng personal na gastos mo ay kompanya ang magbabayad?!”

Hindi nakaimik si Victorina.

Mabilis lumipas ang dalawang araw. Napakagarbo ng kasalang Newman at Yu. Hindi halatang rush ang kasal. Kompleto ang ninang at ninong. Handang-handa ang buong simbahan pati na ang reception.

Hindi man lang sumagi sa isip ni Xander na ang araw na iyon ang itinakda ng Diyos upang paghahandaan ang araw ng kanyang kasal. He is just turning 35 that year pero wala pa sa plano niya ang mag-asawa. Pinakaisip-isip muna niya ng makaisandaang beses kung tama ba itong gagawin niya.

“Iho, ikaw lang ang inaasahan ko para maisalba ang kompanya sa pagkalugi. Puwede mo bang gawin para sa mga anak ko?” pakiusap ni Valdemor Newman.

Matanda na rin si Valdemor. Si Victorina ang pansamantalang namamahala sa Newman Company. It’s a clothing company na minana si Valdemor sa kanyang mga magulang. Isa sa dalawa niyang anak ang puwedeng magmana nito.

Ang buong akala nila ay matatag pa ang kompanya ngunit unti-unti na pala itong nalulugi. Victoriina mismanaged it.

Just by the thought of marrying Victorina ay napailing na lang si Xander. Hindi niya magawang sabihin sa mga kapatid ang magaganap na kasal.  Pakiramdam niya ay isang malaking kalokohan ang pagpayag niya. Gulo yata ang papasukan niya sa halip na tahimik na buhay lalo na sa piling ni Victorina.

“Iho, ito lang ang paraan upang mailipat sa iyo ang pagiging president ng kompanya kung ikaw ay magiging son-in-law ni Mr. Newman. Siguro naman ay hindi mo rin tatangihan si Sir?”

Walang kukuwestiyon sa kanyang magiging posisyon bilang bagong Presidente kung sakali. Iyon ang sabi ni Attorney Suarez, ang abogado ng kompanya.

Last two minutes, he walked down the isle alone. May mga inimbitahan naman para dumalo until Valdemor Newman came. Taas-noo niyang ipinaalam sa lahat na magiging manugang niya ang kanyang paboritong business partner.

Nagsimulang tumugtog ang wedding march ng huminto ang bridal car. Lahat ay napatingin sa gawing pinto ng simbahan. Ngunit napailing ang nakakita ng hangos na napatakbo ang sekretarya ng matanda.

“WHAT?!”

Nagmadaling tinawagan ni Val ang anak.

“Where are you?”

“Sorry, Papa.”

Xander was left a laughingstock by the entire business community. It was the first time that he was ever humiliated in life.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
grracechoi
Salamat po sa patuloy na pagbabasa...
2023-05-11 01:27:44
0
default avatar
grracechoi
Get the latest UPDATE everyone.
2023-04-10 19:54:29
0
default avatar
grracechoi
Samantalahin habang libre my dear readers...Enjoy!
2023-02-21 00:44:45
0
default avatar
grracechoi
Try din po ninyp yung "The Last Woman At the Bluebird's House" and 'One Perfect Wedding day'... Thanks po
2023-02-18 13:23:22
0
default avatar
grracechoi
Thank you po
2023-02-05 12:13:10
1
user avatar
Dogloverboy
mukhang exciting...
2022-12-29 15:56:10
3
user avatar
Kristel Joy Dating
Ganda ng story! looking forward sa mga susunod pa!
2022-12-28 08:33:05
2
user avatar
Big Boss
You deserve a gem, Bb.Taklesa. More books to write po.
2022-12-27 23:44:50
1
user avatar
Big Boss
Bb.Taklesa, thank you sa libro mo. Good luck.
2022-12-27 20:08:37
1
90 Chapters
CHAPTER 1
“NO! YOU CAN’T DO THIS TO ME, PAPA!” Matindi ang pagtutol ni Victorina sa kagustuhan ng ama. “I WILL NEVER MARRY THAT MAN.” “You will marry Xander in two-days, Victorina. Kailangang madaliin natin ang inyong kasal.” “Papa, mahal ko si Carlo. Why can’t you accept him for my sake? I love him!” He trusts his instincts. Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki iyon. “Bakit po ninyo ako ipapakasal kung kani-kanino lalo na sa business partner pa ninyo?” “Do as I say, Victorina! Malaki ang maitutulong ni Xander sa atin. He can save the company. Hindi lang pera ang makakatulong sa atin kundi ang galing ng kanyang management skills.” Valdemor trusts Xander so much dahil siya ang nagturo dito noong bago pa lang siya sa negosyo. Ngayon ay kilalang kilala na ang Mondragon Textile Company. Ang dating maliit na kompanya na ngayon ay tinitingala sa kanyang tibay at tatag katulad ng isang dragon. “What if I don’t? Anong gagawin ninyo, Papa?” Napabuntung-hininga si Valdemor. “Atsaka, bakit ako pa ang k
last updateLast Updated : 2022-12-21
Read more
CHAPTER 2
Hindi sumipot si Victorina sa kasal. Napatapik sa kanya ang mga bisita habang isa-isa silang umalis. Nanatiling walang imik si Valdemor sa tabi ng binata na hindi naman mukhang apektado. Napahugot ito ng malalim na buntung-hininga. “Wala akong mukhang maiharap sa iyo, Xander.” “Mahirap po talagang ipilit ang isang bagay lalo na kung hindi po talaga ukol.” Biglang tumunog ang cellphone ng dalawa. “Ayoko pong ilagay kayo sa alanganin ngunit nangyari na. Aalis po muna ako.” Alam niyang si Victoria na naman ang babalingan nito. “See you in few days. I’ll send you your ticket via on-line. Meet me in Hotel Majorica.” Kumpleto ang detalye at mukhang mas pinaghandaan kaysa ang kasal nila. So, set - off his way to US to meet Victorina. “Kuya, mag-asawa ka na,” sabi pa ni Krystal. Paulit-ulit ang mga katagang iyon. Hindi lang minsan pero sa mahabang panahon na rin halos nakukuriri na nga ang tenga niya. “Para may mag-alaga sa iyo kapag tumanda ka,” sabi ni Salli sabay tawa. “Joke lang
last updateLast Updated : 2022-12-21
Read more
CHAPTER 3
Labis na nag-alala ang mga kaibigan ni Victoria ng hindi nito siputin ang kanya mismong engagement party. Hinintay nilang dumating ang kaibigan ngunit iba ang kinahinatnan ng okasyon. Inupahan pa naman iyon ni Julia para isorpresa ang babae tulad ng instruction ni Carlo. Silang lahat ang nasorpresa ng dumating si Victorina. “Saan ka ba galing?” alalang-alala na tanong nina Billie at Veronica. Bumuhos ang iyak ni Victoria. Hindi ito mapatahan ng dalawa. Marami pa naman silang ikukuwento tungkol sa nangyari ng nagdaang gabi. “Ano ba? Bakit ka ba umiiyak? Tell us what happened.” Hindi halos makalabas si Victoria sa loob ng hotel suite na iyon. Masama ang pakiramdam niya dahil sa nangyari. Masakit ang ulo niya at kalamnan. Masakit din ang kanyang balakang. Minabuti niyang huwag nang magsalita sa kanyang mga kaibigan. “How’s Carlo? Did he look for me?” Nagkatinginan sina Billie at Veronica. “Galit ba siya sa akin?” “Victoria…” Biglang huminto ang dalawa at tinitimbang kung kailangan
last updateLast Updated : 2022-12-21
Read more
CHAPTER 4
Nanatili sa tabi niya ni Valdemor si Ella. Hindi na ito nakapag-asawa. She is special in the eyes of the man. Kakambal siya ng namatay nitong asawa na si Cecilia. “Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa mga bata. Malalaki na rin sila.” Tahimik na tumalikod si Ella. Tumagilid rin ng higa ang lalaki at hinalikan siya sa kanyang balikat. “Anong sasabihin ng mga anak mo kapag nalaman nila ang tungkol sa atin?” “Hindi nila maibibigay ang kaligayahan ko, Ella. Ako pa rin ang ama nila. Makikinig sila sa akin. I don’t need their approval. Hangga’t nandito sila sa poder ko, ako pa rin ang masusunod.” “Val…” “Huwag ka nang malungkot. Mahal na mahal kita, Ella.” Muli nilang pinagsaluhan ang init ng buong magdamag sa kabila ng isang lihim na pagsalo sa kama. Niyakap ni Valdemor ng mahigpit si Ella. Naghihintay lang siya ng tiyempo. Gusto niyang sabihin ang lahat pagbalik ni Victoria galing sa America. Alam niyang ang bunsong anak ang unang matutuwa sa kanyang ibabalita. Ngunit nagbagong bigla
last updateLast Updated : 2022-12-21
Read more
CHAPTER 5
After five years, Xander is turning 40 soon. What’s with the age when he doesn’t even think of quitting as a bachelor? But it doesn’t mean to say that he isn’t going to marry anymore. He is not even picky, it is just that, something happened five years ago which he couldn’t forget. That very day, while inside the elevator, gusto niyang balikan ang babaeng iyon. He is responsible for her at that very moment dahil may nangyari sa kanila. He was not raised to disprespect woman lalo pa’t limang babaeng magkakasunod ang kanyang mga kapatid na babae. Bumalik si Xander sa kanyang opisina kaharap ang maraming pending na trabaho ng araw na iyon. Tulad ng mga nagdaang taon, kaharap niya ang mga pipirmahang papeles at tseke. May iri-review siyang mga proposals mula sa mga kliyente, in and out of the country. What a busy day for him? He was able to survive because he had a loyal secretary. Ngunit ng umagang iyon, wala pa si Eula. First time na nangyari ito. Ni minsan ay hindi niya nagawang umab
last updateLast Updated : 2022-12-21
Read more
CHAPTER 6
Narinig ni Victoria ang mahinang katok sa master’s bedroom ng bahay na iyon. Dati nga ay mas gusto niyang sa maid’s quarter na lang ngunit hindi pumayag si Dr. Jang lalo na sa kalagayan ng babae. Nadatnan niyang inaayos nito ang damit nilang mag-ina. “Uuwi po muna ako sa Pilipinas. Isasama ko silang dalawa.” “Are you going to work or something? O uuwi ka sa papa mo?” “Hindi ko po alam kung tatanggapin ako ng papa ko sa katayuan ko. May anak na kambal at walang asawa? Disgrasyada? Look at me, this is not who I used to. Hindi ko alam kung mapapatawad niya ako.” “Walang magulang na nakakatiis sa kanyang anak. Alam mo, once na nakita na ng papa mo ang mga apo niya. I tell you he will be happy at makakalimutan na niya ang galit niya sa iyo.” “Kaya lang, kapag hinanap po niya ang asawa ko. Anong sasabihin ko?” “Eh ‘di sabihin mo, naano lang,” sabay-tawa ng dalawa. Iyon ang gusto ni Victoria sa kanyang katukaya, nakakapag-joke pa rin kahit seryoso na ang mga bagay-bagay. “By the way, se
last updateLast Updated : 2022-12-26
Read more
CHAPTER 7
Samantalang nakita ni Victoria ang rumehistrong numero ng kanyang TIta Ella. “Yes, TIta…” Hindi siya makapagsalita sa kabilang linya. Hindi niya masagot kaagad. Tinatanong kung kumusta ang kanyang job interview. “Sa bahay na lang po." Wala siyang ganang magkuwento habang nasa loob ng elevator. Siksikan pa naman sa loob. Medyo malungkot ang balita. “We will call you, Miss Beckham.” Iyon ang sabi ng babae. Kapag ganoon ang tuno ng salita ay nakatitiyak si Victoria na wala siyang tsansa na makuha ang trabaho. Dismayado si Victoria paglabas ng Mondragon Company. Kumbakit naman kasi inatake na naman siya ng kanyang pagiging palaban. Naiinis siya sa sarili dahil sa mga prinsipyong ipinaglalaban niya tungkol sa mga sekretarya. Mukhang napagbuntunan pa niya ng inis ang CEO na nag-interview sa kanya. Gusto lang niyang linawin na hindi porke’t secretary ay mistress na kaagad. Bakit kasi si Carlo pa ang naisip niya? Bakit kasi may pa-text-text pa siya sa kanya, early in the morning at may gana
last updateLast Updated : 2022-12-27
Read more
CHAPTER 8
Hindi makapaniwala si Daniel na makakatabi ang isang napakagandang babae ng gabing iyon. Ni minsan ay hindi siya nakaisip na mag-akyat ng kahit na sinumang babae na nakasama o nakilala lang niya saglit sa bar. But looking at this angel on his bed, he is certain that she is the right one for him. “Isa kang hulog ng langit, Lily. I never believed in loved at first sight until this night.” He traced his fingers on her thick eyebrows. She has high nose ridge and heart-shaped lips. Malantik ang kanyang pilik-mata. Her chin is cute and she had the most mysterious smile of all. “Uhm!” Napaingit ito ng bahagya habang himbing na himbing sa sobrang kalasingan. Wala sa loob nitong napayakap kay Daniel at bigla itong nagmulat ng mga mata. She dreamily smirked at him. “Sino ka?” tanong nito. Sa halip na sumagot ay mainit niyang sinunggaban ng halik ang labi ng lalaki at sabik na tumugon at pinaglaruan ang labi ng binata. Hindi nakapagpigil ang lalaki ng unti-unting masindihan ang apoy ng pagna
last updateLast Updated : 2022-12-27
Read more
CHAPTER 9
Pinasundan ni Daniel ang sasakyan ni Victoria. Napailing siya ng makitang Lamborghini pa ang sasakyan nito. Nagtataka siya kumbakit nasa Skyscraper Tower ang babae. “Masyado kang misteryosa, Miss Lily. I don’t like playing hide and seek or guessing game. I hate surprises.” sabi nito. “Mang Godo, sundan natin ang kotseng iyon.” Napalingon ang mga empleyado ng D&G Textile nang makitang nakangiti ang kanilang CEO pagpasok sa kanyang opisina. Isang malaking himala na makita nila itong may ngiti sa labi. Madalas ay parang wala ito sa mood at hindi namamansin kahit binati mo na. Pagdating sa loob ng kanyang kuwarto ay ipapatawag ang sekretarya at nanginginig ito sa takot sa tuwing lalabas na. “What’s wrong in this world?” sasabihin na lang ng sekretarya habang yakap ang kanyang clipboard at 9’ inches na tablet. Natanggap niya ang mensahe ng kanyang ina. “Make sure to come and bring your girlfriend on our wedding anniversary, Iho.” Napatingin siya sa kalendaryo. Ilang araw na lang pala ay
last updateLast Updated : 2022-12-28
Read more
CHAPTER 10
Wala si Ella pagdating ni Valdemor sa bahay. First time iyong mangyari. Nakakapanibago na wala siya sa bahay. Sa tinagal-tagal na panahon, siya ang palaging hinihintay. Umaasa siya na palaging nandoon si Ella sa pinto para hintayin siya. Nasanay na rin siya. Kapag alam niyang aalis siya for business trip, palagi siyang nakaabang sa kanya sa pinto pa lang. pasalubong niya. Kahit hindi ang pasalubong ang una niyang ibigay, palagi siyang may halik mula sa kanya. “Welcome home, Papa!” Gulat na gulat si Valdemor na nasa bahay si Victorina. Maaga itong umuwi upang salubungin siya. Hindi siya pinansin ng ama. Hindi niya pinansin ang halik ng anak. “Where’s Ella?” “I don’t know. Sabi ng mga katulong ay umalis daw simula ng umalis rin kayo for business trip. Do you know that she has been like this kapag umaalis kayo? I wonder kung saan siya nagpupunta. For sure, hindi rin siya nagpaalam dahil kung nagpaalam siya ay hindi ninyo hahanapin.” Nakatitig nang masama ang ama dahil mukhang may ibig
last updateLast Updated : 2022-12-28
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status