Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
My Only Love

My Only Love

Re-Ya
Isang ubod lalim na paghinga ang ginawa ni Anya bago inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Pagkatapos ay sinuot niya ang de- kulay na salamin sa mata. Sinukbit ang signature na shoulder bag at maingat na hinila ang katamtamang maleta. Marahan siyang naglakad palabas ng paliparan. Dalawampu’t taon ang lumipas ng lisanin niya ang bansang Pilipinas para manirahan sa Amerika. Baon ang labis na hinagpis at pagkabigo sa pag-ibig ay nakipagsapalaran sya sa ibang bansa. Kaya naman ngayon sa muling pagtapak ng kanyang mga paa sa bansang kanyang tinakasan ay may kung anong pakiramdam sa dibdib niya ang hindi niya sukat mawari. Isa lang ang sigurado si Anya naroon pa rin ang bigat sa puso niya. Tila nanariwa ang pighati na dulot ng nakaraan. May butil ng luha na gustong bumukal sa sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinawi iyon at pinuno ng hangin ang nagsisikip na dibdib. Mayroon siyang mahalagang pakay sa kanyang pagbabalik. Iyon ay ang lalaking kanyang inibig ng wagas subalit nagawa niyang talikuran. Subalit lagi na’y naroon ang katanungan sa isip niya. Kaya ba niya itong harapin? Handa ba siyang anihin ang poot at galit ni Clark sa kanilang muling pagtatagpo? Pagka’t ang tingin na ng lalaki sa kanya ay isang talusira.
Romance
2.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Unlucky girl is billionaire

The Unlucky girl is billionaire

"P-Pa..bat nyo naman ako iniwan" sabi ko sa malamig na bangkay ni papa na nasa loob ng kabaong,umalis lang ako saglit pagdating ko patay na sya. "Ano pang ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay tita habang nakapamewang sya. Napayuko nalang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao dito. "T-tita--" "Wag mo akong matita tita dyan! Ikaw ang malas sa buhay namin! Pati asawa ko namatay dahil sa kamalasan mo!! Ngayon layas!!" Malakas na sigaw nito,nagbubulungan na ang ibang tao. "T-tita wala p-po akong m-matutuluyan e" Umiiyak na sabi ko kay tita.Bigla nya akong kinaladkad palabas ng mansyon. "Pag sinabi kong layas! Layas!!" Sigaw nanaman nito dahilan para mapatingin maging ang mga tao sa labas ng gate. Umiiyak na tumayo ako,nagmamakaawang wag naman sana nya akong palayasin. "Malas ka samin alam mo ba yun?! Ha?! Dahil sayo nawalan ng pake sakin ang asawa ko! Nasa sayo ang atensyon nya! Huh! Bakit nga ba ganun?! E AMPON KA LANG NAMAN!!" Malakas na sigaw nanaman nito kaya mas lalong lumakas ang mga bulungan. "Mom whats happening here?" Tanong ni Stella....anak nya. "Pinapalayas ko na sya" maawtoridad na sabi ni Tita,tumawa naman si Stella. "So ano pang ginagawa mo? Layas na! Chupi! Bawal ang malas dito!" Sigaw nito. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo.Siguro nga malas ako,wala na si Papa sakin...wala na rin akong matutuluyan,bakit pa ako nabuhay?!
Other
829 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
123
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status