Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

Si Raheel Del Fuego, ang tagapagmana ng Del Fuego Industries, ay handang magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang bride—ngunit biglang nawala ito. Habang abala sa paghahanap, isang babaeng hindi inaasahan ang magpapabago sa kaniyang kapalaran. Si Anabelle Enriquez, isang simpleng cashier, ay nagsusumikap para sa buhay ng kaniyang may sakit na ina. Nang iligtas niya ang Lolo ni Raheel mula sa mga armadong kalaban, hindi niya alam na ang kaniyang kabutihan ay magbubukas ng pintuan sa isang kasunduan na magbabago ng lahat. Upang makapagbayad ng utang-loob, inalok siya ng matanda ng kasal kay Raheel, isang hakbang na makaliligtas sa buhay ng kaniyang ina. Pumayag si Anabelle, ngunit hindi niya inaasahan ang bagong mundong puno ng yaman, lihim, at mga pagsubok. At nang magbalik ang dating fiancé ng kaniyang asawa, muling magbabalik ang mga sugat ng nakaraan. Pagtitiwalaan ba ni Anabelle ang kasal na puno ng sakripisyo, o maghahanap siya ng kaligayahan sa labas ng kasunduan? Book 1: Completed Book 2: Completed Book 3: Completed
Romance
1073.7K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (16)
Read
Idagdag sa library
Deigratiamimi
Hi po. If you are wondering kung bakit ang haba ng chapters, starting from chapter 138 ay book 2 na po. Story sa eldest child nina Anabelle at Raheel na si TJ. Book 1: Anabelle and Raheel (Chapter 1-137) Book 2: Kaisha and TJ (Starting from Chapter 138) Maraming salamat at happy 41kviews! 🩷
Papamooooo
May nakita akong nagagalit sa comment HAHAHAHAHA nakikita ko ang sarili ko sa kanila, pero nang ipinagpatuloy ako sa pagbabasa, sheeeett para akong naiihi sa kilig ng lovestory ni Tj at Kaisha. Author ang ganda ng story nila. Bawing-bawi ang inis ko sa kwento ng mga magulang ni TJ.
Basahin ang Lahat ng Review
Womanizer Series 05: Zack Balley

Womanizer Series 05: Zack Balley

Blazingfire
Zack Balley is one of the womanizer in town. Nagmana ito sa ama nitong si Zaver Balley na dati ding womanizer. Zack is a cold person, but not in his secretary, Maiden, na siyang palaging kalaban nito pagdating sa mga babae niya. One night, isang mainit na pagtatalik ang nangyari sa kanila. They are both drunk, but Zack was in his right mind when it comes to Maiden. Matagal na niya itong gusto pero hindi niya maligawan dahil may boyfriend na ito. Dahil sa nangyari sa kanila, Maiden decided to leave. Hindi niya kayang harapin si Zack. Hindi pumayag si Zack sa pag-alis nito kaya naman umalis na lang siya ng walang pasabi. Pumunta siya sa ibang lugar para magsimula ng bagong buhay pero hindi niya inaasahan na sa bagong buhay na sisimulan niya ay may kasama na siyang bata. Hindi niya inaasahan na magbubunga ang nangyari sa kanila. Sa nakalipas na limang taon, muling magkikita ang landas nila. Makikilala kaya ni Zack ang anak nilang kasing mukha nito, pero kasing ugali naman ni Maiden?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Boss was a Nerd

My Boss was a Nerd

SBS
Pamela is a playgirl. And Tristan is a nerdy boy. Paano kung magising sila isang umaga na bumaliktad na pala ang panahon at... Ang playgirl na si Pamela ay nagiging nerd at si Tristan "the nerd" ay nagiging playboy. Kakayanin kayang harapin ni Pamela ang nerd na naging playboy? Tunghayan natin ang kwento ni Pamela at Tristan sa "My Boss was a Nerd" by S.B.S Disclaimer: This story is written in taglish.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night To Remember  (One Night Stand With A Billionaire)

One Night To Remember (One Night Stand With A Billionaire)

Parang sinukluban ng langit si Rica ng malaman ang kondisyun niya sa doctor. Lalo pa siyang nalugmok sa kalungkutan ng sabihin nitong bilang na ang panahon niya. Halos hindi na naging normal ang Buhay niya magmula noon.Isang alok ng kaibigan ang sasagip sa kanyang lugmok na kapalaran pero hindi akalain ni Rica na iyon ang magdudulot ng samot saring paghihirap sa kanyang buhay
Romance
1013.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaires Love Beyond Boundaries

The Billionaires Love Beyond Boundaries

Sa dalawang taon na nagpakalayo si Althea kasama ang kaniyang pamilya ay hindi niya inaasahan na muli na naman siya tatapak sa lugar kung saan nawasak ang kaniyang puso. Ang Maynila. Muli namumbalik ang sakit ng kaniyang Ina at mas lalo pa iyong lumala kung kaya't mararanasan na naman niya ang halos tumira na sila sa ospital maging ang paghahanap ng bagong trabaho pangtustos sa pagpapagamot ng kaniyang Ina. Papasok siya bilang isang Personal assistant sa tulong ng isang bagong kaibigan kung kaya 't agad na niya iyong sinunggaban. Ang hindi niya alam ay iyon na pala ang pagtatapo nilang muli ng lalaking rason kung bakit siya nasaktan at lumayo. Si Calvin. Guguluhin na naman ng lalaki ang mundo niya gayong ito naman may gustong makipag-hiwalay at tandang-tanda niya kung gaano kasakit sa kan'ya habang pinipimahan ang annulment papers nila no'n. Subalit tliwas naman iyon sa ikinagagalit ni Calvin dahil ang alam naman nito ay ipinagpalit siya ni Althea at mas piniling sumama sa ibang lalaki.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Heartless CEO (Tagalog Version)

The Heartless CEO (Tagalog Version)

Wala nang sasakit pa ang itakwil ka ng sarili mong mga magulang dahil mas pinaniniwalaan ng mga ito ang taong itinuring niyang tunay na kaibigan. Ang akala ni Nicole na mapabuti ang buhay sa tulong ni Danica ay kabaliktaran ang nangyari. Ginamit siya nito upang matupad ang ambisyon sa buhay—ang maikasal sa isang arogante at may pusong bato na si Steven. Hindi na nagtaka si Nicole kung bakit nagawa siyang traidurin ng kaibigan dahil sa lalaking ito. Bukod sa milyonaryo na, angkin pa nito ang katangiang kinababaliwan ng kababaihan sa isang lalaki. After six years, babalik si Nicole upang agawin ang bagay na inangkin ni Danica, kasama na ang lalaking nagbitaw ng isang salitang hindi siya karapat-dapat maging ina ng anak nito.
Romance
10199.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Night Before Summer Ends  (TAGALOG)

The Night Before Summer Ends (TAGALOG)

yajesdecru
Nang mapunta si Raven De Leon, sa lugar na kung saan malayo sa syudad. Lugar na kung saan, puro puno at tunog ng mga ibon at alon ng dagat lamang ang maririnig. Lugar, na kung saan nakilala niya ang isang binatilyo na si, Aries De Guia. Nagkita at nagkakilala sila sa hindi inaasahan na lugar at pagkakataon, at mag hihiwalay nga din ba sila, sa itinakdang panahon?
7.314.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Trapped With The Crippled Billionaire

Trapped With The Crippled Billionaire

Limang taon ang lumipas mula nang magkalamat ang pangako nilang panghabambuhay—pag-ibig na nauwi sa paglayo at pagdurusa. Ngayon, muli silang nagtagpo. Mapapawi kaya ng panahon ang sakit ng nakaraan, o mananatili itong sugat na hindi na maghihilom? Para kay Angela, tapos na ang kanilang kwento, kwentong ayaw na niyang balikan pa. Pero para sa bilyonaryo, “As long as it’s you, there will be more chances.”
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
Romance
4.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
48
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status