Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
You're Mine, My Best Friend

You're Mine, My Best Friend

Paano kung masira ang kasal mo at ng taong mahal mo dahil lang sa kagagawan ng best friend mong may lihim na pagtingin sa 'yo, ano nga ba ang gagawin mo?
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
12.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1

All or Nothing (Tagalog/Completed) BISU Series 1

Nanlumo siya nang makita nabunot ang ibang ugat nito. Kakaunti na lang ugat ang nag - uugnay sa puno at sa lupa. Napaupo siya swing doon. Ilang taon. Ilang taon niyang minahal si Enzo. Si Enzo lang, wala nang iba. Nang maging maayos na ang lahat sa kanila, saka sila magkakaroon ng matinding problema. Parang itong puno lang. Noong panahong bata pa ito ay hindi man lang nagupo ng bagyo. Ngayong kung ilang panahon nang nakatanim, Bagyong Andoy lang pala ang magpapasuko dito. Sa kaso nila ni Enzo, isang Natalie na kailan lang nito nakilala ang magpapabago sa lahat. For love encompasses a strong, positive emotional and mental states.. a woman in distress may feel at lost when the love of her life cheated on her. Athena and Enzo were childhood friends who later on became sweethearts. But something came along the way that broke her heart. She felt cheated and cannot do something about it. Here come Martin to the rescue. Will she fall for him or will she stay in love with Enzo?
YA/TEEN
1011.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Taming The Billionaire Surgeon

Taming The Billionaire Surgeon

Blurb: She Leslie Laurice Bueno Dela Constancia a surgeon na may matigas na puso at hindi naniniwala sa salitang pagmamahal. Pero sa kabila ng pinaniniwalaan ay niya pa rin ang sarili sa isang sitwasyon na hindi niya alam kung paano matatagalan at iyon ay ang maging kasintahan ni Ethan. Ethan Lim ay isa rin surgeon gaya niya, labis ang pagmamahal nito sa kaniya na umabot pa sa puntong napilitan nalang siyang sagutin ito. Maayos ang pagsasama nila ni Ethan hanggang sa makilala niya ang magiging pasyente niya na si Alisson Luigi Aballe a bad boy na anak ng isa sa mga mayamang negosyante sa bansa at walang ibang alam kung hindi ang mangulit at magpapansin at mangbabae kaya naman labis niya itong kinaiinisan. Paano mapapaamo ng isang Alisson Luigi ang isang babae na itinanim na sa isip ang salitang walang forever at paano niya ito mapapaamo kung mayroon na itong kasintahan?
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
Romance
8.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Revenge To My Ex Lover

Revenge To My Ex Lover

Revenge. Iyan ang nasa puso at isip ni Aaron sa loob ng mahabang panahon na pananatili niya sa ibang bansa. Bumalik siya para kay Valerie Fuentebella, ang minsan niyang minahal nang higit pa sa buhay niya. Si Valerie ang unica hija ni Don Carlos Fuentebella na pumatay sa pinakamamahal niyang ina. Sa pagbabalik ni Aaron at lingid rin sa kaalaman ng lahat, siya ang creditor ng pamilyang Fuentebella. At si Valerie ang nais niyang maging kabayaran sa lahat ng utang ng mga ito. 𝑭𝒂𝒍𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒏 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒊𝒔 𝒅𝒂𝒏𝒈𝒆𝒓𝒐𝒖𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒚𝒐𝒖 𝒎𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒆𝒏𝒅 𝒖𝒑 𝒉𝒖𝒓𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒍𝒇. 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒆𝒊𝒈𝒉𝒔 𝒎𝒐𝒓𝒆 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒆𝒏𝒅, 𝒉𝒊𝒔 𝒓𝒆𝒗𝒆𝒏𝒈𝒆 𝒐𝒓 𝒉𝒊𝒔 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒇𝒐𝒓 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒓𝒊𝒆? ------- Can you give a second chance to your Ex-lover? . .
Romance
1010.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
I love you, Sister

I love you, Sister

Bata pa lamang si Bianca ay pangarap na niyang maging isang madre, kaya naman kahit mayaman ang pamilya nila ay walang nagawa ang mga magulang niya nang magdesisyon siyang pumasok sa kumbento after niya makagraduate ng Business Administration sa college. Ngunit noong gabing iyon bago niya tuluyang tanggapin na nakatadhana na siyang maglingkod sa Diyos buong buhay niya ay niyaya siya ng mga kaibigan niya na icelebrate ang last minute ng kanyang pagiging single, dahil kinabukasan ay magpapakasal na siya kay Lord. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalasing siya at nakainom siya ng alak na may halong ecstasy. Dinala siya ng mga kaibigan sa isang kuwarto sa itaas ng bar para sana makapagpahinga, pero pinasok siya ng isang estranghero at may nangyari sa kanila. Kahit hindi na malinis ay ipinagpatuloy pa rin ni Sister Bianca ang pagpasok sa kumbento, at pilit kinalimutan ang nangyaring noong gabing iyon. Ngunit makalipas ang dalawang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Nanganak siya ng lihim at dinala sa bahay-ampunan ang kanyang anak, pero nalaman niya na inampon ito ng biggest donor nila sa simbahan, ang milyonaryong si Mr. Vaughn Avery. Paano niya ngayon mababawi ang anak niya? Panahon na ba para lumabas siya ng kumbento? Ito na ba ang sign na matagal na niyang hinihingi sa Diyos?
Romance
1011.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Still The One

Still The One

sheensofroses
Everyone who works in their household loves Venice Lauren. Lahat sila ay saksi sa kabaitan ng dalaga, maging si Jefferson Madrid na nagtatrabaho din para sa pamilya nila. Like some typical romance, they both fell inlove. Ano nga ba ang magagawa kapag pag-ibig na ang tumama? Kahit anong estado pa, wala nang pakealam. Pero, gaya nga ng mga tipikal na storya, palaging may hadlang sa pag iibigan. Her family couldn't accept her that led Venice to ler her lover, Jefferson go. sa nakalipas na apat na taon, marami ang nagbago. Yung aakalain mong habang buhay na nasa itaas ay hindi pala mananatili sa itaas dahil sa apat na taon, nagbago ang buhay nilang dalawa. Their paths crossed but this time, their worlds switched. Despite of their worlds switching, their feelings remains. She's still the one for him He's still the one for her.
Romance
106.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2829303132
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status