Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Play with Me, Mr. Billionaire

Play with Me, Mr. Billionaire

[WARNING: SPG] Gwapo, playboy at malakas ang appeal. Iilan lang iyan sa mga katangian ng bilyonaryong si Kian Fuentavilla kaya napakaraming babaeng nagkakadarapa sa kanya—maliban kay Jhymea Madrigal. Isang dalagang manang kung manamit at madalas pang napagkakamalang lola at mambabarang. Panget si Jhymea, at aminado naman siya roon, pero para sa kanya ay may karapatan pa rin naman siyang mamili kaya inayawan niya si Kian na kahit mala-Adonis na ang datingan ay ubod naman ng yabang. Unang pagkikita pa lang ng dalawa ay nagkairingan na sila. Labis na dinibdib ni Jhymea na tinawag siyang ‘janitress’ at ‘ipis’ ng binata at ganun din si Kian sa kanya nang mapunit ang pwètan ng slacks nito dahil sa dalaga. Halos isumpa nila ang isa't isa hanggang napagdesisyunan ng kapatid ni Kian na si Nexie Fuentavilla na mag one-night stand silang dalawa. Kapalit nun ay ang impormasyong hinihingi ni Kian tungkol sa ex niyang si Tanya, at pera naman para kay Jhymea para mapauwi na niya sa bansa ang ina niyang OFW na kay tagal niyang ‘di nakasama. Dahil sa pagiging maloko ni Kian ay pinalabas niyang nabutas ang còndom na ginamit niya sa pakikipagtalik sa dalaga. Ilang linggo iyong iniyakan ni Jhymea kasi ang buong akala niya ay hindi na siya makaka-graduate, ngunit nahuli niya ang binata nung minsan ay may kausap ito sa telepono at inamin nito ang lahat. Doon ay naisip na gumanti ni Jhymea at pinalabas na totoong nabuntis nga siya ng binata. Nakarating ang tsismis na yun sa ina ni Kian na si Mrs. Anita Fuentavilla. Nagkukumahog na nagpaliwanag ang dalawa na hindi totoo ang lahat pero huli na kasi nagawan na sila ng kontrata ng ginang sa nalalapit nilang kasal. Matakasan kaya nila ang kapalarang nagsimula sa isang laro lamang? O mauuwi na ang lahat sa totoong pag-iibigan?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status