Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO’s RANSOM

The CEO’s RANSOM

Nakipaghiwalay si Celeste sa nobyo nang masaksihan n’yang may kahalikan itong ibang babae. Naglasing s’yang mag-isa at habang pauwi ay may nasaksihan s’yang hindi magandang pangyayari. May isang lalaking pinagtutulungan ng tatlong nakaitim na damit. Nang makita n’ya ang mukha ng lalaking nakahandusay sa sahig ay agad s’yang sumingit sa eksena. Niligtas n’ya ito at inuwi sa isang hotel room para gamutin. Dahil sa pangyayaring ito, naging malapit ang loob ng lalaki sa kan’ya. Kinabukasan, pumasok na si Celeste sa trabaho bilang isang office worker sa Horton Incorporation. Pilit na nakikipagbalikan sa kan’ya si Henry pero saktong bumalik na ang CEO, ang uncle ng ex-boyfriend n’ya na nawala ng isang taon at ito ay walang iba kung hindi si Liam Horton, ang niligtas ni Celeste. Binalaan n’ya si Celeste na nasa panganib ang buhay n’ya dahil sa ginawa n’ya kaya naman inoperan s’yang pakasalan ni Liam para sa kan’yang proteksyon. Mabilis namang tinanggap ni Celeste ang offer dahil simula una pa lang ay ito na talaga ang kan’yang plano. Ang pasukin ang buhay ng mga Horton, ng pamilyang Mafia para mag-spy sa kanila dahil si Celeste ay anak ng kalaban nila na pinadala ng tatay nito. Pero paano kung sa misyon na ito ay mahulog ang loob n’ya kay Liam na ngayon ay mahal na mahal na rin s’ya? Makakaya n’ya bang ipaglaban ang nararamdaman o tuluyang pagtataksilan si Liam?
Romance
1087 viewsOngoing
Read
Add to library
Lovelies

Lovelies

Sa murang edad, naranasan na ni Cheska kung gaano kahirap mamuhay, buhay na hindi dapat maranasan agad ng kabataan. Isang mahirap na buhay. Natutunan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa upang magsikap para sa kanyang pag-aaral at para sa kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawa siyang ipahamak ng kanyang sariling ina. At dahil sa pangyayaring iyon, kinailangan niyang tumakas sa kanilang probinsya at pumunta sa siyudad upang makipagsapalaran. At dahil doon... Makakahanap siya ng mga taong tutulong sa kanya na muling bumangon. Makakakilala siya ng lalaking magmamahal sa kanya ngunit sasaktan din siya. At higit sa lahat ay mahahanap niya ang mga nawawalang piraso sa kanyang buhay.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Hidden Thorns

Hidden Thorns

Lumaki si Airy sa isang masayang pamilya, kailan man ay hindi niya naramdaman na may kulang sa kanya. Kaya nangako siya sa kaniyang sarili na susuklian niya ang mga ginawang sakripisyo ng kanyang pamilya. Nang makapagtapos siya ng pag aaral ay nag trabaho siya sa isang kilalang kompanya at hindi niya inaasahan na siya ay tatanggapin agad. Dahil doon nakilala niya ang nag iisang apo at nag mamay ari ng Dobouzet Enterprise. Hindi niya alam na ang binata ay matagal na siyang sinusubay bayan. At dahil sa binata ay malalaman ni Airy ang sekretong matagal ng ibinaon sa limot. Handa ba siyang tanggapin ang katotohanan? Ang katotohanang ipinag kait ng kaniyang pamilya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Little Trophy

My Little Trophy

Baby maker for hire! Iyan ang trabahong inaplayan ni Amber dahil sa larong truth or dare. At mukhang sigurista si Dark Indigo dahil bukod sa isang gabing namagitan sa kanila ay gusto pa nitong subukan ang artificial insemination. Naloko na! Wala tuloy siyang choice kundi makipaglaro ng habul-habulan at tagu-taguan sa binata. Ngunit makalipas ang ilang taon, muli silang natunton. At lalong nagulo ang lahat nang lumantad si Ash Blumentrint, ang tiyuhin ni Dark. Ipinagpipilitan nitong siya ang tunay na ama ng bata. Saan patungo ang triangulong umiikot sa agawan ng karapatan sa bata? At mapanghahawakan nga ba ang karapatan kung pag-ibig ang pag-uusapan? O mangigibabaw ang dinidikta ng puso kahit ito ay makasarili at mali?
Romance
1031.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

LightStarBlue
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
History
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's First Love

The CEO's First Love

Tamara and Harry have been married for six years, and they have a daughter named, Lily. Tamara’s mom noticed that Harry has been distant to her, so she suggested that they should take a vacation to strengthen their married life. Pero dahil sumama ang pakiramdam ni Tamara, she was left in the house. Harry made it to the beach resort, alone. Tamara said he needed it. He needed to unwind and relax. Tamara thought he was really alone, dahil nung umayos na ang pakiramdam niya at sumunod siya sa resort, nahuli niyang may kasama itong ibang babae. Tamara had to grapple with decisions; to stay, or leave. At lalong naging magulo ang lahat noong pumasok sa eksena si Daniel De Guzman, ang billionaire CEO na first love ni Tamara, at ang tunay na ama ni Lily.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Legitimate Playboy Heir

The Legitimate Playboy Heir

Black_Jaypei
“Ikaw hindi ako! Ikaw ang sumira sa buhay ko! Naging miserable ang buhay ko ng dahil sayo! Wag na wag mong sasabihin sa akin ‘yan dahil sa ating dalawa ako ang dehado! Ako ang nasaktan! Ako ang nahirapan! Ako ang nagdusa! Ako ang umasa! Ako ang sumalo ng lahat nang paghihirap sa isang gabi mong pagpapasarap!” —Cheska Yvonne Torres Niko Vanrielle Hamilton is well-known womanizer extraordinarily. A savagely handsome grandson of a multi-billionaire with a low-key profile. He had a extremely desirously hot night with his gorgeous maid—Cheska Yvonne Torres. He got her pregnant. Would he take his responsibility or he’ll disown the baby and run away to his responsibility? Will her son become the legitimate playboy heir?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Destiny

Destiny

Dahil sa ambisyon, kinalimutan lahat ni Erica ang kanyang pag-ibig kay Jacob. Sa tulong ng mag-asawang Concepcion at ng nag-iisa nilang anak na si Elena, nakamit ni Erica ang kanyang pangarap. Subalit, mayroong nalaman si Erica, napangasawa ni Elena si Jacob. Ngunit may problema. Hindi mabibigyan ng anak ni Elena si Jacob. Kaya humanap ng baby maker si Elena. At si Erica ang napapayag niya. Pag-ibig pa kaya ang dahilan kung bakit pumayag si Erica o dahil umaasa parin si Erica na ito ang magiging daan sa muli nilang pag-iibigan ni Jacob. Tunghayan natin ang kuwento at pakikipag sapalaran ni Erica sa mundong gulo at pighati ang hatid sa kanya
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)

THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)

Isa lang naman ang gusto ni Cathy Xyra Garcia at ito ay si Grey Sanford, ang lalaking kinahuhumalingan niya ngunit sa kasamaang palad, hindi siya mahal nito kaya naman sa sobrang pagmamahal niya sa binata, ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan at kinulong ito sa isang kasal. Akala ni Cathy ay ito na ang magiging daan para sa kanilang happy ever after na ending, ngunit siya ay nagkakamali. Dahil sa kasamaang palad, imbis na makatanggap ng pagmamahal, nakatanggap siya ng pang-aabuso mula sa kaniyang asawa. Ngunit dahil mahal niya ito, nanatili parin siya sa piling ng asawa at piniling magpakamartyr. Hanggang kailan siya magtitiis? May pag-asa pa bang mahalin siya ni Grey? abangan....
Romance
1028.7K viewsCompleted
Read
Add to library
VENGEANCE AND DESIRE

VENGEANCE AND DESIRE

Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay nawalay si Kiana sa kakambal. Nangako siyang babalik ngunit natagalan dahil nawalan ng alaala. Sa kaniyang pagbabalik ay maniningil at nagpanggap na si Karen—ang kakambal upang maipaghigante rin ito mula sa pang-aapi ng pamilya ng napangasawa nito. Upang magtagumpay sa misyon, kailangan ni Kiana gamitin ang katawan upang mapalapit sa taong may malaking influence sa oraganisasyong may kasalanan sa kanilang pamilya. Ngunit nagulo ang plano niya dahil dominante at mapang-angkin si Xavier, ang lalaking gusto lang sanang gamitin. Lahat ay nakukuha ni Xavier kahit hindi na gumamit ng dahas o bakal na kamay. Ngunit pagdating sa babaeng naka one night stand ay nagbago ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mapaamo ang babae, kahit ang kapalit ay pagkabuwag ng organisation na pilit na pinagbubuklod ng abuelo at pagkasira sa relasyon ng kapamilya. Paano pagtagpuin ng tadhana ang landas ng dalawang taong may pusong bato at ang isa ay namamahay ang puot sa puso para sa mga taong may kasalanan dito? Alin ang pipiliin ni Kiana sa bandang huli, ang paghihiganti o reputasyon?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status