LOGINDahil sa ambisyon, kinalimutan lahat ni Erica ang kanyang pag-ibig kay Jacob. Sa tulong ng mag-asawang Concepcion at ng nag-iisa nilang anak na si Elena, nakamit ni Erica ang kanyang pangarap. Subalit, mayroong nalaman si Erica, napangasawa ni Elena si Jacob. Ngunit may problema. Hindi mabibigyan ng anak ni Elena si Jacob. Kaya humanap ng baby maker si Elena. At si Erica ang napapayag niya. Pag-ibig pa kaya ang dahilan kung bakit pumayag si Erica o dahil umaasa parin si Erica na ito ang magiging daan sa muli nilang pag-iibigan ni Jacob. Tunghayan natin ang kuwento at pakikipag sapalaran ni Erica sa mundong gulo at pighati ang hatid sa kanya
View More2 years ago Ang kompanyang Concepcion ay aligaga at maligalig dahil sa isang pangyayari makaraan ang isang taon, matapos kumalat ang balitang gumulat sa lahat. Hindi na nakatakas sa tenga ng nakararami ang insidenteng naganap sa pagitan ng bagong manager ng kompanya na si Erica. At ang kaisa-isahang anak ng Concepcion na si Elena. Marami ang nagalit at sinumpa si Erica ng malaman nila ang nangyari ngunit, marami din ang gustong malaman ang totoong pangyayari sa pagitan ng tatlo, ang tanging alam lamang nila ay naging baby maker ng mag-asawa ito at sa pagkalat ng insidente, ang pinaniwalaan lamang nila ang posibleng tanging gawin ng isang malanding babae na tulad ni Erica, at 'yon ay ang pag-akit sa lalaki upang siya nalamang ang mahalin nito, sa pag kakaalam ng karamihan wala pa itong nakakasalamuhang lalaki dahil ilag ito sa mga manliligaw at magbabalak manligaw. Kaya ganon nalamang ang naisip nilang naging uhaw ito sa lalaki.Marahil sa iba a
Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon."Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya."Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena."Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib
Kung gusto ni Jacob na mapag-isa, ganun din ang gusto ni Elena. Saan-saan lang talaga nagpunta si Elena. Hanggang maisipan nitong pasyalan ang kaibigan ni Erica na si Lori."Surprise?" Anito sa nabiglang si Lori. "Kayo pala Ma'am, tuloy," tarantang sabi nito. Sa salas sila nagkaharap. "Napasyal kayo, Ma'am?" Anito na may pagtatanong."Walang magawa, eh... walang makausap," boring na usal ni Elena habang nakangiti."Teka, Ma'am, maiwan na muna kita sandali. At may kukunin lang ako na pizza pie sa may kanto. Kukunin ko na at 'yon ang pagsaluhan natin habang nag tsi-tsikahan tayo," masayang ani nito."Go ahead, take your time," ngiting sambit ni Elena.Nang makaalis si Lori ay naisipan ni Elena na buklatin ang isa sa dalawang album na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan.Payapa nitong inisa-isa ang bawat pahina ng album. Sa isang dahon ng album ay nakita nito ang malaking larawan ni Kyver. Bigla siyang kinabahan. Bakit may
Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag
Namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan."S-Siguro naman ay kuntento ka na sa buhay mo ngayon?" Tanong niya kay Jacob."Kung inaakala mong nasisiyahan ako dahil tulad ni Elena ang naging asawa ko, nagkakamali ka," ani Jacob."Ibig mong paniwalaan ko ang sinabi
Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya an
Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli
Isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ngayon nga ay buong-buo na talaga ang nasa isip ni Erica. Ang ikilos ang sarili sa kung sino man siya, hindi ang ganito na panandalian lang ang pinapalasap sa kanyang kaligayahan na sana ay kanyang madadama kailanman niya gustuhin, kung sakaling
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews