Ang Bilyonaryong Magsasaka
Tipid na ngiti lang ang iginanti nito sa kaniya.
"Pero tigilan mo na ang pang-iinis sa'kin. At—" Yumuko ito at tinignan ang mug nito. Nag-aatubli itong ituloy ang sasabihin nito pero determinadong nagtaas ito ng ulo at sinalubong ang tingin niya. "Iyong katulad ng nangyari kahapon, sana ay hindi na mauulit iyon. Gusto kong pure friendship ang meron sa ating dalawa. Kalimutan na lang natin iyong tungkol sa bagay na 'yun," anito.
"Walang sisihan, ah, kung gusto mo akong halikan ay hindi kita hahayaan na gawin iyon. Maliban na lang kung aayain mo ako sa kuwarto mo—"
인기 회차