Share

Chapter 7

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2023-08-03 07:20:01

Axis woke up that morning with a start. He felt like there's a heavy object resting on his chest at hindi siya makahinga ng maayos. Sa una ay sinubukan niyang pinalis ang bagay na iyon pero nag-freeze ang kamay niya nang maramdaman na malambot iyon. Mabilis na tinignan niya ang bagay na 'yun at kulang na lang ang gulat na naramdaman niya sa nakita. Animo nabilog ang ulo niya at hindi siya agad makapag-isip ng tama. Hindi siya makapaniwala at nakataas lamang ang kamay niya sa ere.

Ang inakala kasi niyang bagay na nakadantay sa dibdib niya ay ang ulo ni Abigail at mahimbing ang tulog nito. At ang nahawakan niya pala ay ang pisngi nito kaya malambot at mainit iyon. Ang mga paa nito ay nakalaylay sa gilid ng kama. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang narito sa kuwarto niya ang dalaga gayong pumasok naman siyang mag-isa rito pagkatapos niyang kumain. Nang mahiga rin siya ay sure siyang hindi man lang ito kumatok hanggang sa makatulog siya. Kahit kaluskos sa labas ay wala siyang narinig na lumabas ito ng kuwarto nito.

Itinulak niya ng mahina ang ulo nito hanggang sa mapunta iyon sa unan. Pagkatapos ay bumangon siya at bumaba ng kama. Inilibot niya ang tingin sa kuwarto at nang masigurong kuwarto niya ito ay muling tinignan niya ang natutulog na dalaga. Gamit ang paa ay kinalabit niya ang dalaga. Hindi agad ito nagising kaya inulit niya iyon ng limang beses.

Umungol ito at humilata sa kama bago unti-unting nagmulat ng mata. Humalukipkip siya at hinintay na tuluyang magising ang diwa nito. Ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay nakahilata pa rin ito na animo inaantok pa rin. Tulala lang itong nakatingin sa kesami. Kumikibot ang labi nito at parang bumubulong pero hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito.

Nang hindi pa rin ito tumitinag sa pagkakahilata ay bumuga siya ng hangin. Humalukipkip siya at matiim na tinignan ito. Ni hindi man lang kasi ito aware na narito siya dahil hindi man lang siya nito sinulyapan. Parang natutulog pa rin ang diwa nito.

"Ginapang mo ako kagabi," walang seremonyang sabi niya. Gusto niyang makita kung ano ang gagawin nito 'pag narinig ang boses niya.

Animo nabuhusan ng kumukulong tubig ang dalaga na bumalikwas ng bangon at nakangangang nakamata sa kaniya. He saw how terrified she is while staring at him. Hindi siya tuminag at nakipagtitigan siya kay Abigail. Nanlaki ang mata nito at tinuro siya pagkatapos ay binawi ang kamay at tinignan ang sarili nito. Nang makitang nakasuot pa rin ito ng damit ay napalunok ito.

"Oh my god! Not again!!" usal nito pagkalipas ng ilang sandali at agad na tumayo. Parang ngayon lamang nag-sink in sa utak nito kung nasaan ito at kung bakit nakatayo siya sa harap nito. Ang ekspresyon nito ay parang nakakita ng multo.

"Sinabi mo sana na gusto mo akong makasama at payag naman akong pagbigyan ka kagabi. Ilang taon din akong 'di nakatikim ng kimchi," hindi kumukurap na bigkas niya. "Parang nakalimutan ko pa nga kung anong lasa at kung gaano kasarap."

Biglang namula ang mukha nito. Pero matalim pa rin na tinignan siya nito. Parang sasaksakin na siya nito sa talim ng mata nito. Hindi siya nagpaapekto sa tingin nito at nag-cross arms pa siya.

"At sa tingin mo ba ay gusto ko na mapunta rito sa kuwarto mo?" angil nito pero umarko lang ang kilay niya. Ito ang pumasok ng kuwarto niya at natulog sa tabi niya. Ito rin ang ang nakayakap sa kaniya at hindi siya. Tapos ang himbing pa ng tulog nito na parang nag-e-enjoy sa init ng katawan niya.

Alam niyang nabastos niya ito pero naisip niya ang kuwento ng kaniyang ina tungkol dito. At hindi niya mapigilan ang isipin na sanay na ito sa makamundong bagay. Hindi siya judgemental pero sa tingin niya ay may karanasan na ito.

"Eh, bakit ka nandito kung ayaw mong pumunta dito?" tanong niya. Komportabli ka pa nga habang nakayakap sa'kin. Iisipin ko sana na gusto mo akong pagsamantalahan.

"I—" She glared at him. "As if naman na gagawin ko iyon! Hindi kita type! May mas guwapo pa kaysa sayo na kakilala ko!"

Ngumisi siya at nilampasan na ito. "Tignan mo! Hindi ako kumbinsido sa sinabi mong iyan! Aminin mo na kasi na type mo ako!"

"Puwede bang hintayin mo muna ang paliwanag ko bago ka mag-jump ng conclusion na gusto kitang gapangin!" iritadong saad nito at sumunod sa kaniya hanggang sa sala. Nang hindi siya huminto sa paglalakad ay mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya kaya hinarap niya ito.

"Nag-i-sleepwalking ako," pag amin nito.

"Oh?" Kahit na naniwala siya sa dahilan nito ay iyon ang lumabas pa rin sa bibig niya. Sa nakita rin niyang reaction nito kanina ay nahulaan na niyang hindi nito alam ang ginawa nito kagabi. "Bakit parang palusot mo lang 'yan."

Sa gulat niya ay umigkas ang kamao nito at sinuntok siya sa dibdib.

"Kung hindi dahil sa'yo ay hindi ako mai-stress at mag-i-sleepwalking!!" sisi nito sa kaniya.

Eksaheradong d*****g siya at hinawakan ang sinuntok nito na animo nasaktan siya ng sobra. Umatras pa siya at napaupo sa upuan.

"Ugh!!" Pinaikot nito ang mata at nagmartsa papunta sa kusina. Mahina siyang natawa bago tumayo at binuksan ang pinto. Lumabas siya at lumiko. Sa banyo siya pumunta dahil tinatawag siya ng kalikasan. Ngunit pagbukas niya ng pinto ay nagkagulatan pa sila ni Abigail na naroon sa loob. Kabababa lang nito ng pants at undies nito kaya lantad ang pribadong parte ng katawan nito.

Napasigaw ito at nagmamadaling hinila ang pantalon habang siya naman ay hinila pasara ang pinto.

"Bakit hindi mo ni-lock ang pinto!" malakas na wika niya. Akala niya ay sa nasa kusina ito at nagkakape. Hindi niya inaasahan na habang dumaan siya sa front door at lumiko ay sa backdoor naman ito dumaan para pumunta sa banyo.

"Ako pa ang may kasalanan? Bakit kasi hindi ka man lang kumatok!" malakas din ang boses na sagot nito.

"Eh, akala ko ay nasa kusina ka," rason din niya.

Hindi na sumagot si Abigail kaya hinintay na niyang matapos ito. Maya ay narinig niya ang pag-flush nito sa bowl at bumukas ang pinto kapagdaka. Hindi ito makatingin ng maayos sa kaniya kaya naisip niyang asarin na naman ito. Dahil sa totoo lang awkward din ang sandaling'to para sa kaniya.

What he saw earlier shocked him. Wala man lang kasing buhok ang hiyas nito. But it was still very beautiful and tempting.

"'Wag kang mag-alala dahil wala akong nakita. 'Di ko rin alam na nagshe-shave ka rin kaya walang buhok ang kimchi mo," saad niya at agarang pumasok sa banyo sabay sara ng pinto.

"Axis!!"

Narinig niya ang naiinis at matinis na pagtili nito sa labas. Pigil ang tawa na umihi din siya. Nakikinita na niyang namumula na ang mukha nito dahil sa embarrassment at pagkayamot sa kaniya. Mukhang araw-araw, paggising niya ay ito ang magiging daily routine niya. Ang asarin at sirain ang araw ni Abigail. May silbi rin pala ang pagpunta ng dalaga rito dahil may entertainment na siya bago siya magsisimula sa kaniyang trabaho sa bukid.

Ikiniling niya ang ulo at napaisip. Wala nga pala siyang gagawin ngayong araw kundi ang ibilad sa araw ang palay bago niya dalhin sa kiskisan. Paubos na rin kasi ang bigas niya. Kasya pa iyon sa kaniya ng isang lingo pero ngayon na may kasama siya ay kailangan niyang magpa-kiskis.

Lumabas na siya ng banyo nang tapos na siya at dumaan sa backdoor para deretso na siya sa kusina. Naroon na si Abigail na nagkakape at nang makita siya nito ay nagkulay makopa ang buong mukha pati na ang leeg nito.

Nagyuko pa ito at halos itago na ang mukha sa kaniya.

"Samahan mo ako mamaya na ibilad sa araw ang palay," kaswal na saad niya. Hindi naman siya isang manhid para 'di maramdaman ang saloobin ng dalaga. Kinokonsidera pa rin niya ang nararamdaman nito bilang isang babae.

"No!" madiing tanggi nito subalit 'di pa rin tumingin sa kaniya.

"Huwag kang magdadahilan sa'kin na ayaw mong umitim dahil maitim ka na," hayag niya dahilan para mapatingin ito sa kaniya. "Oh, 'wag ka nang humirit pa. Babantayan mo lang naman mamaya. Mauupo ka lang sa bangko sa maliit na balkonahe ng bahay ko at itaboy ang mga manok kung meron man."

Hindi na niya hinintay na magprotesta ito at nilayasan na niya ito. Pumunta siya sa may kamalig at binuhat ang isang sako ng palay habang binitbit ang itim na net para gamitin niya sa pagbibilad ng palay. Pagkatapos ay bumalik siya sa bahay at inilagay sa balkonahe ang mga dala niya.

Eksaktong lumabas naman si Abigail at nakita ang mga dala niya.

"Kunin mo ang walis tingting at walisan mo ang bakuran bago natin ilatag ang net na 'to," utos niya rito. Nang hindi ito kumilos ay itinulak niya ito. "Iyon ang walis nakasabit sa dingding. Iyon naman ang dustpan at basurahan. Ilagay mo doon ang mga tuyong dahon."

She shot a fierce glare at him before doing what he ordered her to do. Kahit kita niyang very clumsy ang kilos nito ay hinayaan niya ito. Nakita pa niya na kumikibot ang labi nito at kahit hindi niya hulaan ay alam niyang minumura siya nito.

Nang makitang tapos na itong walisan ang bakuran niya ay kinuha niya ang net at inilatag iyon. Nilagyan din niya ng bato sa gilid para 'pag humangin ay 'di iyon madala ng hangin. Pagkatapos ay nilagay na niya ang palay doon. Sinigurado niya na naikalat lahat iyon para agad na matutuyo at bukas ay puwede na niyang dalhin sa kiskisan. Lalo pa at malakas ang init ngayon.

Pinanood naman siya ni Abigail na nasa balkonahe hanggang sa matapos siya.

Pumasok siya at kumuha ng maliit na upuan at inilagay sa harap nito. "Dito ka maupo habang binabantayan mo 'yan. Pangako 'di ka mababagot sa pagbabantay."

"At ikaw? Anong gagawin mo?" masungit na asik nito.

Nagkibit balikat siya at iniwan na ito pero sinagot pa rin niya ang tanong nito. Kung maimbyerna man ito sa naging tugon niya ay wala siyang pakialam.

"Iidlip lang ako ng isang oras!"

Pagkapasok sa kaniyang kuwarto ay kinuha niya ang laptop niya. Magtatrabaho muna siya at bahala si Abigail sa labas. Hindi naman siguro nito iiwan ang binabantayan nitong palay dahil sa pagkayamot nito sa kaniya. Kailangan muna niyang tapusin ang na-email ni Amara sa kaniya dahil ayaw niyang matambakan. 'Pag nangyari 'yun ay baka 'di na niya maaasikaso ang bukid niya. Kaya samantalahin na niya ang pagkakataon na 'to na katatapos lang ng ani. Kasi plano niyang mag-second crop at sa susunod na linggo niya sisimulan ito.

Puwede naman siyang kumuha ng mag-aararo at bubunot ng damo pero kailangan pa rin na naroon siya. Ayaw niyang iasa ang mga iyon sa taong babayaran niyang maglilinis ng bukid niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Tirso Andres
pa unlock nmn po nabasa ko na po dati to bkt nka lock po ulit laki na ng nabayad ko dto
goodnovel comment avatar
Tirso Andres
nabasa ko na dati ito ngayon naka lock na nmn
goodnovel comment avatar
Gemma Bahia
ang ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 70. Finale

    Kasalukuyang nakaupo siya sa duyan sa lilim ng bayabas at katatapos lamang na kumain ng tanghalian. Naiwan naman sa loob ng bahay si Axis na ngayon ay kaniya nang asawa. Noong last Saturday ang kasal nila ng kabiyak at iyon ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang mga vows na palitan nila at I do's na sinagot nila sa pari'ng nagkasal sa kanila ay fresh pa sa utak niya. At alam niyang kahit lumipas ang maraming taon ay hindi niya ito makakalimutan.Ang kasal nila ay dinaluhan ng mga matataas na personalidad ng bansa. At may mga media pa ang dumating. At lahat ay namangha nang makita kang naging bulaklak na ginamit nilang dekorasyon. Iyon ay ang mga tanim ni Axis at Roger na cabbages at iba pang gulay sa bukid nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kaniyang asawa at iyon ang sinabi sa wedding planner. Kaya naman binansagan na bilyonaryong magsasaka si Axis ng kaniyang mga kakilala na tinawanan lamang nito.Sa ibang bansa sana sila mag-honeymoon pero siya ang pumiling

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 69

    "Hindi kaya sila magtataka na bigla tayong nawala roon?" atubling tanong ni Abigail kay Axis nang makapasok sila sa room ng una.Ikinulong niya ang kasintahan sa mga bisig niya at agad ipinasok ang palad sa loob ng suot nitong blouse. "They won't mind!" anas niya habang hinahalikan ito sa leeg."Pero napansin ko na sumulyap si Gale at Amara kanina nang paalis tayo," ani Abigail pero hindi naman siya sinaway.Bagkos ay inilapat nito ang dalawang palad sa kaniyang dibdib at bahagya siya itinulak. Napangiti siya at umatras naman hanggang sa mapansandal siya sa dingding na hindi naglalayo ang katawan nilang dalawa. Tumingala ito sa kaniya habang ang baba ay nakapatong sa kaniyang dibdib. Ang mga mata nito ay puno ng pang-aakit at pagnanasa.Pinisil niya ang baywang nito at bumaba ang kaniyang ulo. Hinalikan muna niya ito sa noo, sa pagitan ng kilay nito, pababa sa mata nito at sa tungki ng ilong nito. Saglit na tumigil siya at gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang ibabang labi ni

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 68

    Napangiti si Axis nang makita ang luhaang mukha ni Abigail. Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Sabihin na okay lang at hindi naman talaga siya galit at nasaktan kanina. Ginawa lamang niya iyon para makalabas siya ng room nito at pumunta rito sa second floor kung nasaan ang restaurant. Siya ang owner nito kaya pinaayos na agad niya ito kaninang hapon. And Amara hired many people to arrange everything.After kasing hindi bumalik ang dalaga ay nag-usap sila ng ama nito. At hindi siya ang may plano nito ang sarili rin nitong ama. He told him how sad he was after she went back home. Her eyes are filled with yearning even though she's smiling. At hindi nila kayang makita iyon kaya nagplano ito at sinabing mag-lunch sila na agarang sinang-ayunan niya. Iyon pala ay gusto lang nitong gumawa ng rason para maihatid nito ang dalaga sa kaniya. Kaya noong nasa Los Angeles pa ang mga ito ay nagplano na ang magulang nito. Kahit hindi sila sigurado kung papayag siya ay itinuloy pa rin nila. They even

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 67

    Kunot ang noong binuksan ni Abigail ang pinto at lalo siyang nagtaka nang makitang walang tao roon. Akmang isasara sana niya ito pero may nahagip ang mata niya na note at nakadikit sa pinto. Inabot niya ito at binasa ang nakasulat doon. Para lamang lumaki ang mata niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nabasa.Nagmamadaling pumasok siya sa loob at deretsong inayos ang mga gamit niya. Ang nagtatakang si Axis ay mabilis na pinigilan siya. Pero pumalag siya at isinuksok sa bag ang damit niya. Gusto niyang bilisan ang pagkilos dahil baka makaalis na ang kaniyang ama at hindi niya ito maabutan.Ang nakasulat kasi sa note ay nagpaalam ang daddy niya na babalik na ito nang hindi siya kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ginawa ng ama niya."What's wrong?" tanong ni Axis at hinawakan ang kamay niya. Tinabig niya ang kamay nito at hinarap niya ito."You knew, don't you?" akusa niya sa binata. "Alam mo na ngayong gabi ang balik ni daddy sa Los Angeles. At kaya ka biglang sum

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 66

    Sakay na sina Axis at Amara sa kotse pabalik sa office niya. Napapailing siya sa nakitang pangbungisngis ng pinsan niya. Mukhang siyang-siya ito sa ginawang kalokohan at pang-iinis kay Abigail. Hindi niya sinaway ito kanina sapagkat gusto niyang makita ang reaksyon ng dalaga. Kung paano nito pakikitunguhan ang kaniyang pinsan. At nang makita niya ang pilit nitong itinatagong inis at selos ay pinigilan niya ang mapangiti. Parang sasakmalin kasi nito sa tingin si Amara.Katunayan ay nagulat din siya nang makita niya ito. Dahil sinabi niya sa magulang nito huwag sabihin ang tungkol sa pagiging owner niya ng Levanter. Pero ito at sinama pa rin para sa lunch nila. Hindi naman siya galit sa ama nito. Mas nangibabaw ang tuwa dahil ito nagawa niyang makita muli ito. Madali lang naman na puntahan niya ito sa Los Angeles pero nerespeto pa rin niya ang sinabi nito. Peto ngayon na ito mismo ang sumulpot sa harapan niya ay mas gumaan pa ang loob niya.Kung hindi lang niya inisip kanina na nasa pub

  • Ang Bilyonaryong Magsasaka   Chapter 65

    Pasulya-sulyap si Abigail sa entrance ng restaurant lalo na 'pag may pumapasok doon. Baka sakaling ang susulpot doon ay ang may-ari ng Levanter. Pero kapag may dumarating ay kung hindi may kasama at uupo sa ibang mesa, ang iba naman ay may kasama na rito at hinihintay sila. Isa pa ay wala pa siyang makita na taong masasabi niyang 'ito siguro ang owner' sa isip niya.Hindi niya napansin na napapailing ang kaniyang ama sa kabilang silya habang pinapanood siya.Nang makitang hindi sa mesa nila dumeretso ang nakita niyang pumasok ay bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Mabilis na ibinaba niya iyon nang makitang ngumiti ang kaniyang ama at ang mata nito ay nakatutok sa may entrance. Kumuha siya ng napkin at pinunasan ang bibig niya bago sila tumayo ng kaniyang ama. Nagplaster siya ng ngiti sa labi at hinarap ang paparating para lamang mapatda.Her hand shook and she almost lost her composure. Even her knees trembled when she saw the person approaching. He's wear

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status