Billionaire Ex-Wife's Revenge
Sa loob ng tatlong taon, naging isang tahimik at masunuring asawa si Ria kay Tristan Madrigal. Nagluto siya, nag-alaga ng bahay, at tiniis ang pambabalewala ng pamilya nito—lahat ng ito habang itinatago ang kaniyang totoong pagkatao bilang si Adriana Araneta-Leviste, ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Sa mismong kaarawan ni Tristan, dalawang malaking lihim ang nalaman ni Ria.
Una, buntis siya sa kaniyang panganay. Pangalawa, kailanman ay hindi siya minahal ng kaniyang asawa. Narinig ni Ria ang masakit na katotohanan mula mismo sa bibig ni Tristan. Pinaplano ng pamilya nito na palalabasing baog at walang kwenta si Ria para palayasin siya, upang maipakasal