Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge
Baon sa utang at desperadong makalaya sa isang mapang-abusong pagsasama, handa nang gawin ni Celine Villareal ang lahat upang makamit ang kanyang kalayaan. Ngunit nagulat siya nang malaman na ang hahawak sa kanyang kaso ay walang iba kundi si Jaxson De Silva.
Ang scholar na walang-awang iniwan niya anim na taon na ang nakalipas. Ngayon, isa na siyang tanyag at makapangyarihang abogado, habang si Celine naman ay wala nang natitirang yaman, pangalan, o dignidad upang ipangtapat sa kanya.
Inasahan niyang tatanggihan siya nito.
Sa halip, tinanggap ni Jax ang kaso.
Ngunit ang bawat pagkikita nila ay puno ng malamig na titig, masasakit na salita, at mga sugat na hindi kailanman tuluyan