Contract With The Devil
Sa loob ng isang gabi, nawala ang lahat kay Tala Valerio. Ang kanyang dangal, ang kumpanyang pinaghirapan, at ang lalaking akala niya ay pakakasalan niya. Nahuli niya ang kanyang fiancé at sariling kapatid sa isang akto ng kataksilan na naging dahilan ng kanyang pagpapatalsik sa sariling pamilya. Habang basang-basa sa ulan at walang matakbuhan, isang itim na sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. Sa loob nito ay ang lalaking pinaka-kinatatakutan ng kanyang ama—ang bilyonaryong si Rocco De Silva.
May alok si Rocco: Isang bagong buhay, proteksyon, at ang pagkakataong mapabagsak ang mga taong sumira sa kanya. Ang kapalit? Kailangan niyang maging pag-aari nito at magpanggap bilang fiancée. Tatanggapin ba ni Tala ang kasunduan kung ang kabayaran ng kanyang paghihiganti ay ang sarili niyang puso?