OPERATION: Seducing Ruthless Tycoon
Matapos ang isang malaking pagkakamali sa huli niyang mission, napilitan si Charlene Dumont na tanggapin ang trabahong personal secretary ni Bastien Morel, ang kilalang masungit, perfectionist, at ruthless na CEO ng Vireya Corporation, isang high-profile na kumpanya sa Pilipinas. Pero hindi lang basta trabaho ang pakay ni Charlene. May kailangan siyang makuhang code mula kay Bastien, isang critical na detalye para maayos ang sablay sa nakaraan niyang operasyon.
Ang hindi niya alam, si Bastien ay hindi basta-basta boss. Isang maling kilos lang at puwede kang mawalan ng trabaho... o masira ang buong pangalan mo sa industriya. Iisa lang ang reputasyon nito: terror. Pero handa si Charlene na gawin ang lahat, kahit pa ang pakisamahan ang lalaking tingin ng lahat ay halimaw.
Ang hindi niya inaasahan?
Na unti-unti siyang mahuhulog sa lalaking dapat sana’y lalabánan niya.
Makukuha ba niya ang code bago siya tuluyang bumigay sa tukso?
O tuluyan na bang magiging Mission Impossible ang lahat?