Carrying My Ex-Boyfriend's Child
Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki.
Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal.
Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?