The Premium Husband
MedeaHarlow
Ang tanging gusto lang ni Mallory Madrigal ay magkaroon ng mapayapang buhay. Taliwas naman ang kanyang mga kamag-anak dahil palagi na lang siyang hinahanapan ng asawa. As if namang nakasalalay ang paghinga niya sa lalaki.
Para matahimik ang mga ito, napunta tuloy siya sa Lovefinity, ang website kung saan pwedeng rumenta ng lalaki. Good deal pa nga dahil sa murang halaga, nagkaroon na kaagad siya ng asawa. Hindi lang instant na lalaki kundi isa pang PREMIUM HUSBAND, si Nigel Laxamana.
Magiging mapayapa kaya ang bagong buhay ni Mallory dahil sa pagdating ni Nigel? o mauungkat lang ang nakaraan nilang dalawa?