Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.131.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)

My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)

Nagbago ang buhay ni Arisielle Dominguez, nang ampunin siya ng pamilyang Del Quinco–Huangcho—isang mayamang angkang may limang anak na lalaki at isang babae na kaedad niya. Akala niya natagpuan niya na ang tunay na tahanan. Mula sa unang araw pa lang, alam na niyang iba ang titig sa kanya ni Knife Blade Del Quinco-Huangcho—ang tahimik, matalim, at misteryosong middle child na parang laging may tinatago. Lumipas ang mga taon. Si Knife, isa nang kilalang detective—brilliant, cold, at halos hindi na mahawakan ng mundo. Si Arisielle naman, isang designer na tahimik ang pamumuhay, pero hindi pa rin nakakaalpas sa mga titig at salita ng lalaking matagal na niyang iniiwasan. Hanggang isang araw, biglang gumuho ang lahat. Namatay si Katana, ang kapatid nilang babae, at ang mga bakas ng katotohanan ay nagtuturo sa isang lugar na tinatawag na Euphoria—isang lihim na mundo ng kasiyahan, karangyaan, at kasalanan. At doon sila muling nagtagpo. Sa lugar kung saan hindi mo alam kung sino ang inosente at sino ang nagtatago ng halimaw sa ilalim ng ngiti. Doon muling sumiklab ang tensyon—hindi na lang dahil sa nakaraan, kundi dahil sa pagnanasang hindi na nila kayang itago. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at kasinungalingan—isang tanong lang ang kailangang sagutin: Hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ang tanging bawal ay siya ring tanging gusto mo? "You're mine, Arisielle. My little sis." "I am always yours Kuya KB."
Romance
8.5594 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)

Eternal Retribution (Revenge of an Heiress Sequel)

Precious Jasmin
Reuniting after 4 years, Gab and Seanne are finally together. Ipinangako nilang wala nang kahit ano at kahit sino ang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa. With guidance from her father and a few trusted friends, Seanne is now the CEO of the Zima Corporation. Gab is also the head of the mafia organization and is now in full control over the family business. Matapos ang nangyari four years ago, pinangako ni Gab na hinding-hindi niya gagamitin ang organisasyon sa kahit anong karahasan. But when someone threatened Seanne’s life, alam niyang kaya niyang baliin ang pangakong iyon para sa kaligtasan ng kaniyang minamahal. This time, their enemy is far more dangerous than they’ve ever met. Dahil wala pang kahit sino ang nagtangkang kaharapin ang grupo ng mga assassin. At upang malabanan ang mga ito, kailangan nila ng tulong mula sa taong alam nilang kayang-kayang magpabagsak sa mga ito. But how can they do that, if the help they need is from the most secretive and discreet group in the country? Paano nila makukuha ang tulong na kailangan nila kung ang taong kukumbinsihin nila ay si Rainier Grisha, the CEO of the Grisha Transportation Industry, and the third of The Big Three?
Romance
914 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marry Me Or I Will Marry You

Marry Me Or I Will Marry You

Upang huwag matuloy ang arrange marriage ni Franki Avella sa lalaking hindi pa niya nakikita at nakikila, nag pasyang maglayas ang dalaga. Nag disguised siya bilang pangit na babae sa katauhan ni Fancy upang walang may makakilala sa kanya. Namasukan siyang kasambahay nang binatang si Argel Montero. Meet Argel Montero - Tall, dark and handsome na secretly inlove sa kababata nito na si Steffie Carion. Na may iba naman na minamahal. Katulad ni Franki Avella ay biktima din ang binata nang arrange marriage ng mga magulang nito. Asot-pusa kung silang dalawa ay mag kasama na nauwi din sa pag mamahalan, na humantong din sa pag-iiwanan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil ang lalaking ayaw ni Franki pakasalan ay walang iba kundi, si Argel Montero ang lalaking minsan na niyang nakasama at minahal. Minahal magpahanggang ngayon...
Romance
9.8106.8K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (39)
Read
Idagdag sa library
corasv
Sakaling mabasa n'yo 'to, may new story po ako. "You're The One I Love". Kapag pumasa sa bagong editor, post ko na iba pang chapters... Matagal na akong hindi nakapagsulat sa GoodNovel pero marami na akong naisulat na wala rito, ang iba ay may Physical Books na. Soon Librong Itim. PaperInk pre-order
ChAnime
Waahhhh!!!! katatapos ko lang po mabasa to sa Novelah. Nag dl pa ako ning GoodNovel kasi akala ko didto ko makikita ang story nila Arth at Francine. Ang ganda po talaga ng mga story mo author lalo na yung Exchanged Heart na nabasa ko rin sa Novelah. Sana ang story naman sila Arth at Francine .........
Basahin ang Lahat ng Review
El Haciendero

El Haciendero

Dahil sa pagiging broken hearted ni Alexa ay napilitan siyang umuwi sa hacienda nila na kanya ng iniwan, pitong taon na ang nakalilipas. She left and lived her life in the City because of Aslan. Si Aslan ang trenta y tres anyos na lalaking inampon ng kanyang mga magulang pero naging other man pa ng kanyang ina. As much as possible, Alexa doesn't want to see the guy anymore, who stole her inheritance and her mother. Ninakaw ni Aslan ang lahat ng mana na dapat ay kanya. At sa kanyang pag-uwi sa hasyenda Escobar ay babawiin na niya ang dapat na kanya bilang kaisa-isang anak at solong tagapagmana mula sa lalaking tinatawag ng lahat na hasyendero, peke naman.
Romance
1036.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
For the Unloved

For the Unloved

Leonardo Aquilino Del Madrid only wants to be loved. Buong buhay niya, palaging sa bunsong kapatid niya nakatuon ang atensyon ng mga magulang niya kahit gawin na niya ang lahat ng gusto ng mga ito- ang kaso, napagod rin siya kalaunan. Sawang-sawa na siya sa mga panandaliang pakiramdam. Gusto niya
Romance
104.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Sold to my Professor (Tagalog)

Sold to my Professor (Tagalog)

Pinilit si Crizel na ipakasal ng kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan at sa taong hindi niya kilala. Buong buhay niya ay sinusunod niya ang mga utos ng mga magulang ngunit sa pagkakataong ito ay umayaw siya. She went to her boyfriend's pad to convince him to runaway with her but then she found out he's been cheating on her with her bestfriend. Bigong-bigo, pumayag si Crizel sa gusto ng kanyang mga magulang. Ngunit nayanig ang buo niyang kahimalayan nang malamang ang taong papakasalan niya ay walang iba kundi ang bagong propesor sa paaralan niya! How can she live her life knowing her husband is now her professor? May mamumuo kayang pag-ibig? Paano kapag nalaman niya ang katotohanan sa likod ng pagpapakasal niya sa binata?
Romance
10247.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna. Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Gay Best Friend Impregnate Me (Impregnate Series 1)

My Gay Best Friend Impregnate Me (Impregnate Series 1)

Edmingard
Celeste Lyra and Nizar Kale, best friend since elementary days. Napaka-close nilang dalawa. Celeste knows Nizar secrets, and nobody knows about it. Until one day, nakaaway ni Celeste ang ‘girlfriend’ ni Nizar. It resulted in a deal she couldn’t refuse. After that intense night, Celeste fled away to hide because she was ashamed of what she did. Nagulat si Nizar nang makita ang isang bata—no, there are three of them who have the same face as him in the park. At mas nagulat pa ito nang makita kung sino ang nanay ng triplets. Is it coincidence na kamukha nito ang mga bata? O may tinatago ang babaeng matagal na niyang hinahanap?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2223242526
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status