Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”
Maikling Kwento · Mafia
1.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

The Revenge of Billionaire's Wife (Tagalog Version)

"Sino ka para pigilan akong pumasok sa gusaling ito?" sabi nung babae. “Wala kang karapatang pumasok dito, patay ka sa isip ng asawa mo. Ako na ang mahal niya ngayon.” Sagot ng babae. “Babawiin ko ang akin. Hindi ako papayag na kunin mo lahat ng meron ang asawa ko.” Galit na sabi ng babae. Masaya ang mag-asawang Taylor. Isang araw ay nagbakasyon sila sa isang isla kasama ang kanilang magandang anak. Sumakay sila sa yate kasama ang kanilang Yaya. Sa hindi inaasahang pagkakataon bago sila makarating sa isla ay may masamang panahon, bumuhos ang malakas na ulan at humampas ang malalakas na alon. Sinubukan ng mister na iligtas ang kanyang asawa at ang kanyang anak ngunit dahil sa alon ay nabitiwan niya sila. Habang ang kanyang asawa at anak ay agad na tinulungan ng kanilang Yaya. Ngunit dahil sa malalakas na alon ay bumagsak silang dalawa ng kanyang anak. Nahulog ang mag-ina, ngunit kumapit ang babae. Tinulungan siya ng Yaya na bumangon ngunit sinamantala ng kanyang Yaya ang sitwasyon dahil sa kanyang masamang intensyon. Sa halip na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanyang amo na asawa, inalis niya ang kamay ng kanyang amo na asawa sa pamamagitan ng paghawak nito sa tubo hanggang sa mawala ito at tuluyang nahulog sa dagat ang mag-ina. Makalipas ang ilang araw, natagpuan ng isang estranghero na mangingisda ang bata na umiiyak. Inakala ng lalaki na nag-iisang anak ang nandoon, kinuha niya ang bata ngunit paglingon niya ay nakita niyang walang malay ang ina ng bata ay nilapitan niya ito at tinulungan. Nang magising ang babae ay wala siyang naalala, hanggang sa naisipan ng dayuhang mangingisda na bigyan siya ng pangalan at sinabing asawa niya ito at anak nila ang bata. Paano niya maipaghihiganti ang kanyang karapatan bilang isang legal na asawa?
Romance
1013.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The baby maker of heartless mafia boss

The baby maker of heartless mafia boss

Yunnashane
Disclaimer:THIS STORY IS PURELY WORK OF FICTION. ALL CHARACTERS, NAMES, PLACE OR EVENTS MENTIONED IN THE STORY ARE USED FICTITIOUSLY, PLEASE DON'T ASSOCIATE THE CHARACTER TO THE ACTUAL PORTRAYER. >>> Naglalakad ako ng may marinig akong ingay sa bandang kusina. Nung una benaliwala ko lang yun pero ng may narinig ako iyak ng batang babae ay agad ko tinungo ang kusina dahil alam ko kung sino yung batang babae umiiyak. Pagdating ko ng kusina nakita ko umiiyak ang kapatid ko at bukod dun nakita ko rin na pinapagalitan s'ya ni Beatrice. Agad ko naman nilapitan ang kapatid ko para tanongin kung bakit s'ya umiiyak. "Yana anong ngyari? bakit ka umiiyak?" nagaalala tanong ko. Pinunsan nito ang mga pisnge n'ya bago ako sagutin. "A-Ate ako po kasi sinisisi ni ate Beatrice na kumuha ng necklace n'ya kahit hindi naman po talaga ako ang kumuha." sagot nito sa tanong ko habang umiiyak. "At talagang masisinungaling kapa bata ka! eh! Ikaw lang naman ang pumasok sa kwarto ko bago mawala yung necklace ko!" asik ni Beatrice sa kapatid ko. Hindi ko maiwasang hindi s'ya patulan sa pagbibintang n'ya sa kapatid ko. Alam ko hindi magagawa ng kapatid ko ang binibintang n'ya dahil hindi ko ganon pinalaki ang kapatid ko. "Ano ba Beatrice? Bakit mo naman pinagbibintangan yung kapatid ko? Eh wala ka naman ebendinsya na s'ya ang kumuha ng necklace mo!" sabi ko sa galit na tuno. Pagak itong tumawa bago muling nagsalita. "AT TALAGA KINAKAMPIHAN MO PA YANG KAPATID MO MAGNANAKAW" asik nito sa akin at sa kapatid ko. "Opss! Nakalimutan ko palang anak kayo ng mga magnanakaw! Mga mukang pera! gold digger!" sambit nito sa mapangasar na tuno. Sa puntong yun hindi ko na napigilan ang galit ko. Idamay na n'ya ang lahat wag lang ang kapatid ko at lalong-lalo na
Romance
10852 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Between the Mafia's and the Agent's

Between the Mafia's and the Agent's

“Bakit sumunod kayo rito?" tanong n'ya sa mga kaibigan n'ya. “Nandito ang bagong misyon natin kaya pinapunta kami ni Boss dito." sagot ni Via sa kan'ya. "Sino?" tanong ko kay Via. “Ang pamilya Lazardo." sagot naman ni Fritzie. “The hell! Ang pamilya ni Franz,?" gulat kong tanong sa kanila. “Kilala mo ang mga Lazardo?" tanong naman ni Mau. “Guys, naalala ninyo iyong lalake na nakabangga ko sa Hongkong?" tanong ko sa kanila. “Anong kinalaman ng lalake na 'yon sa misyon natin?" tanong ulit ni Mau. “Puta naman oh! Ano question and answer portion ba ito ha Pia?" naiinip na tanong ni Cassy. “Ang nakabangga ko sa Hongkong na lalake at ang tinutukoy ninyo na pamilya Lazardo ay related sa isa't-isa. Siya lang naman ang panganay na anak nina tita Victoria at tito Mauro." mahabang paliwanag ko sa kanila. “So iyong lalake na tinutukoy mo ang mas dilikado ang buhay dahil s'ya ang tagapagmana ng isang Mafia Boss." sabat ni Via sa usapan. “What the hell!? Ibig sabihin si tito Mauro ay isang Mafia Boss! Kaya pala no'ng kaarawan ni tita Vicky ay may nagtangka sa buhay nila, mabuti nalang at matalas ang pakiramdam ko kaya nakita ko 'agad ang tatlong lalake na balak sanang maglagay ng lason sa mga baso ng mga Lazardo," mahaba kong paliwanag sa kanila. “Pero ang pinaka punterya nila ay iyong lalake dahil s'ya ang tagapagmana sa lahat kaya mas dilikado ang buhay n'ya." saad ni Mau. “Kaya lumapit ang mag-asawa kay Boss upang humingi ng tulong para maproteksyonan ang mga anak nila." sabi naman ni Via. "At nabalitaan namin na may mga ibang grupo na ang 'andito sa probinsya kaya kami napasugod 'agad." dagdag pa ni Via. Paano pagnalaman ni Franz na ang babaeng nasa likod ng maskara at ang babaeng pinakamamahal n'ya ay iisa?
Mafia
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
434445464748
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status