Ang Dominasyon Ni Luther Rutherford
Isa sa mga tagapagmana ng pamilya Kingsley si Luther Rutherford, ang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Ngunit sa edad na labingpitong taong gulang, napagpasyahan niyang talikuran ang kanyang pamilya dahil sa kagustuhan niyang magrebelde.
Namuhay siya bilang isang ordinaryo sa loob ng maraming taon, kumpletong kasalungat ng pamumuhay na mayroon siya noong nasa puder pa siya ng pamilya Kingsley. Natutunan niyang mangalakal, mamalimos, tumira sa ilalim ng tulay, makipagbasag-ulo sa lansangan, pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang tumayo sa sariling mga paa nang sarili lang ang inaasahan.
Isang dekada ang lumipas. Isang araw, nakulong siya dahil sa kasong physical assault. Ngunit makaraan lang ang isang linggo, isang ubod na gandang babae ang bumisita sa kanya sa kulungan at piniyansahan siya nito. Wala siyang kaide-ideya kung sino ang babae at kung bakit nito ginawa iyon.
Pero nabigla siya sa naging sagot nito nang tanungin niya ito, "Gusto kong magpanggap ka bilang kasintahan ko, kapalit ng kalayaan nating dalawa. It's a win-win, right?"
Doon nag-uumpisa ang panibagong buhay ni Luther, bilang isang good-for-nothing boyfriend. Pero ang hindi nila alam, sa likod ng kanyang ordinaryong kaanyuan, ay ang mga katangiang ikagugulat at ikakaawang ng bibig nilang lahat.