Si Alora Hazel Valezka ay dating babaeng walang pangalan at pamilya na ang ikinabubuhay lang ay ang pamamalimos. Nakuha niya lamang ang pangalan na iyan sa isang nawawalang bata sa simbahan at iyon ang ginamit niya noong tanungin siya ng dumukot sa kanya kung sino siya. Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala niya si Azrael Alcazar na nagbigay sa kanya ng offer na maging stand-in wife siya ng lalaki. Sa pag-asang makakawala siya sa kamay ng dumukot sa kanya ay pumayag siya sa gusto ni Azrael ngunit makakawala din ba siya sa kamay ng tadhana? Ano naman ang mangyayari kung bumalik ang totong Alora Hazel Valezka?
View MoreAlora's POV
"Meet Azrael Alcazar, your husband." Napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa dulo, sa kanan niya at nakalinya ang mga kalalakihan at sa kaliwa naman ay mga babae na naka-uniform nang pangkasambahay. Kada hakbang ko papunta sa lalaking Azrael ang pangalan ay kasabay ng pagyuko ng mga kalalakihan at mga kasambahay na nadadaanan ko. "Welcome home my wife." Inilahad niya ang kanyang kamay na tinignan ko lang naman ng ilang segundo bago ibalik ulit sa kanya ang tingin ko. "Your room is ready pati na rin ang mga gamit na kailangan mo," sabi niya sabay bawi ng kanyang kamay. "Sasamahan ka nila papunta sa kwarto mo." Lumapit sa akin ang tatlong kasambahay at ikinumpas ang kamay nila papunta sa isang deriksyon kaya naglakad ako papunta doon na parang robot. Ang kwarto ko ay napalaki, pwede na siyang maging isang bahay ng isang ordinaryong pamilya. Malaking kama, maluwag na lalagyan ng mga damit na tulad sa mga tindahan sa mall, pati rin ang banyo ay napakalaki na mas malaki pa ito sa bahay na tinutuluyan ko noong namamalimos pa ako. Matapos kong maglibot sa malaking kwarto na iyon ay sinundo ako ng isang babae at dinala ako sa kusina. "Eat." Tinignan ko ng pabalik-balik ang pagkain sa mesa at si Azrael. "Kumain ka na." Tiningnan ko ng mabuti ang ekspresyon niya. Paano kung may poison pala 'to? Dahan-dahan kong sinubo ang pagkain na inilagay niya sa plato ko. Masasarap iyon lalong lalo na ang karne na parang barbeque. Napatigil lang ako sa pagsubo nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. "Manang," tawag niya at may lumapit sa amin na matandang babae. "Dalasan mo ang paggawa ng ganitong pagkain because my wife loves them." Muling napako ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Bakit niya ako tinawag na wife? Bakit ganito ang trato niya sa akin? Bumalik ako sa kwarto ko matapos naming kumain at kasabay ko ang mga kasambahay na may dalang mga damit. Isa-isa nila iyong inilagay sa lalagyan habang ang isang kasambahay naman ay tinuruan akong gumamit ng mga bagay sa cr, tulad na lamang nang paggamit ng shower. "Are you there?" Binilisan ko ang pagbihis ko kahit nanginginig ang kamay ko sa biglaang katok na iyon. Nanatili ako sa lugar na malayo sa pinto hanggang sa bumukas iyon matapos ang ilang minuto. "Would you mind kung ilibot kita sa buong bahay?" si Azrael iyon, nakatayo isang metro ang layo mula sa pinto. Dahan-dahan akong tumango dahil ang totoo ay natatakot akong umiling dahil baka kapag ginawa ko iyon ay saktan niya ako. Nagsimula kami sa sala papunta sa kusina na nakita ko na kanina. Nagpunta rin kami sa labas ng bahay kung saan naroon ang malaking swimming pool at isang harden. Ang panghuli ay ang opisina niya. "Kapag may kailangan ka at hindi mo ako mahanap sa buong bahay, you can find me here." Binuksan niya ang pinto at pumasok kami doon. Maluwag din ang opisina niya, mesa niya agad ang makikita mo pagbukas ng pinto at sa kaliwang bahagi ay may mga upuan at mesa, sa kanan naman ay mga cabinet na may nakalagay na mga papel at ang isa ay may mga bote ng alak. "Sit here, may ipapakita ako sa iyo." Naglakad siya papunta sa may pinto, akala ko ay iiwan niya ako rito pero may pipindotin pala siyang switch doon. Umilaw ang buong kwarto niya. Ang ilaw ay para bang kalangitan sa gabi na pinapanood ko habang nakahilata sa gilid ng kalsada. Ang ganda, kahit alam kong ang nakikita ko ay gawa lamang ng isang bumbilya hindi ko pa rin maiwas ang tingin ko doon. "Ang ganda diba? Ito ang tinitignan ko sa tuwing stress ako." nakatingin rin si Azrael sa dingding habang sinasabi iyon. "B-bakit ganito ang trato mo sa akin?" tanong ko, iyon ang unang beses na nagsalita ako mula noong dumating ako sa bahay niya. "What do you mean?" nagtataka niyang tanong. "Bakit ang luwag ng kwarto ko? Bakit pinagsisilbihan ako ng mga kasambahay mo? Bakit ang bait mo sa akin? Bakit hindi mo ako pinagbubuhatan ng kamay?" sunod-sunod kong tanong. Kailanman ay hindi naging ganito ang pagtrato sa akin ng lalaking kinamumuhian ko, hindi ganito ang trato sa akin ng lalaking mahal daw ako. "O baka naman sa simula ka lang din ganito, katulad ni Koen. Magpapakabait ka rin sa akin pero kalaunan aabusuhin mo na ako. Kung ganoon din naman ay ibalik mo nalang ako kay Manang Karla. Mas gugustuhin ko pang mamalimos at mamatay sa gutom kaysa mamatay sa pang-aabuso niyo." Bumagsak ang mga luha ko kasabay ng panginginig ng kamay ko noong humakbang si Azrael palapit sa akin. Nagbago na ba ang isip niya? Ngayon ay pagbubuhatan na niya ako ng kamay, sigurado ako roon pero taliwas sa iniisip ko ay hinawakan niya ang kamay ko. "Maluwag ang kwarto mo kase gusto kong komportable ka sa tutulugan mo." Nanatili ang kamay niya sa kamay ko, hinihimas-himas na tila ba pinapakalma ang panginginig num. "Pinagsisilbihan ka ng mga kasambahay dito kase iyon ang trabaho nila at iyon din ang gagawin ng mga tauhan ko. Hindi kita pinagbubuhatan ng kamay at pagbubuhatan ng kamay kase hindi kita kaaway. You are my wife." Pinaharap niya ako sa kanya at pinahiran ang luhang naglalandas sa pisngi ko at hinayaan ko siyang gawin iyon. Hinayaan kong gawin iyon ng lalaking posibleng manakit sa akin sa susunod na mga araw "Pero hindi ako ang totoo mong asawa," bulong ko. "Andito lang ako para punan ang espasyong iniwan niya." Isa lang akong babae na ginamit ang pangalan ng asawa niya. Nagpanggap lang ako bilang Alora Hazel Valezka na naging rason kung bakit andito ako ngayon. Tumuwid siya ng tayo sa harap ko. "Tama ka. You are not her but that doesn't mean I will treat you less like a woman should be treated. and besides your my wife now." Wala akong naintindihan sa sinabi niya pero ang gaan ng loob ko matapos kung marinig ang mga salitang iyon.Madaling araw na noong makalapag ang eroplano na sinasakyan nila Azrael at Alora sa Pilipinas. Pagdating na pagdating nila ay naghihintay na iyong mga tauhan ni Azrael kaya agad silang nakauwi sa bahay ng Dad niya. Doon lang muna sila dahil nandoon din si Rail ngayon. Mahimbing na rin ang tulog ni Rail nang dumating sila pero hindi na nila ito ginising at nagpahinga na rin silang dalawa. Plano nilang surpresahin ang anak bukas na bukas dahil hindi pa nito alam na nakauwi na sila.Nagpahinga na rin sila at natulog, sa dami ng nangyari sa pamilya nila ngayong araw ay walang pag-aalinlangan na bumigay ang katawan nila sa pagod at antok. "Antok na ako," pagsasaway ni Alora sa asawa. "Isa lang promise." Umiling ulit ang babae.Kakatapos lang nilang magkwentuhan tungkol sa nangyari, kung ano yung ginawa ni Natphon kay Alora at kung paano nakapasok ang mga tauhan nito sa bahay nila pero ngayon ay iba na ang gustong pag-usapan ni Azrael. Gusto niyang pag-usapan ang pagbibigay ng kapatid k
AZRAEL'S POV Nang malaman ko ang balita tungkol sa nag-crush na eroplano ay agad akong kinutuban na may mali at may masamang mangyayari kaya agad kong tinawagan ang asawa ko.Mukhang wala namang masamang nangyari base sa kwento niya sa akin kung gaano kasaya si Rail na uuwi na ako habang naliligo ito sa pool pero syempre tinawagan ko rin si Dad. "Dad where are you?" tanong ko nang sagutin nito ang tawag ko. "Nasa byahe, I already arranged the helicopters and private plane and they are ready to take off anytime." Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag sa kanya kaya hinayaan ko ang sinabi niya dahil alam ko na rin naman kase kakasabi lang sa akin ni Calem. "Can you check my family th—" hindi pa nga ako natatapos sa sasabihin ay sumagot na siya. "I am on my way but it might take an hour bago ako dumating doon. I am also about to contact the head guard so don't worry." Tumango ako. Alam kong maasahan ko si Dad, simula pa noong bata ako hanggang sa mamatay si Mom ay hin
ALORA'S POV "And his son." Tanong niya nang hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa panga ko. "We were not able to get him sir because she protected him," pagpapaliwanag ng isang lalaki. "And you were defeated by this slim woman?" Hindi makapaniwalang sabi ng tinatawag nilang sir at boss. "She was good at fighting si—" hindi pa nga natatapos magsalita ang lalaki ay agad na may narinig akong putok ng baril kaya napaigtad ako. "I don't need someone who is irresponsible..." Ngayong mulat na ang mata ko sa gulat ay hindi ko mailayo ang tingin sa lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig habang lumalabas ang dugo nito sa katawan. "And I know that you were awake." Pinilit niyang ipatingin sa kanya ang mga mata ko, hindi ko nga lang masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa bintanang nasa likod niya. "Anong... Anong..." Walang makalabas na salita sa bibig ko. "Don't worry, your husband already knows what happened and he's very furios." Inilapit niya ang mukha niy
Alora's POV "Anak remember the secret passage on our backyard?" Hindi ko siya pwedeng papuntahin sa office ng Papa niya para doon tumakas dahil may mga kalaban doon kaya mabuti na lang talaga ay gumawa kami ng bagong escape route. Isang pinto iyon na naka-camouflage, nakakonekta rin iyon sa tunnel na daan papunta sa secret garage ni Azrael kaya mahirap iyong hanapin lalo na dahil kaming apat lang nila Azrael, Rail at Dad ang may alam tungkol doon.Nang tumango si Rail ay nagsalita ulit ako habang umaatras dahil palapit ng palapit sa akin ang mga lalaki. "I want you to run on the count of three, pumasok ka doon at dumiretso sa garage ng Papa mo. Wait for me there and don't go out until I am not there okay?" Tumingin ako sa kanya, may pag-aalinlangan pa sa mga mata niya pero kalaunan ay tumango naman siya. "And one more thing anak, kung hindi ako makasunod sayo just tell your papa kung anong nakita mo ngayon, especially their tattoos okay?" Muling tumango si Rail. Alam niyang ang u
Alora's POV Lumipas ang mga araw at marami na kaming natututunan ni Rail sa martial arts, minsan ay iyon na nga ang ginagawa naming bonding sa bahay. Nagpunta na rin sa Thailand si Azrael kaya naman ay napakaraming bantay na naman sa loob at labas ng bahay. Palagi ring dumadalaw dito si dad para raw masigurado na safe kami. Wala pa namang nagtangka at nakita na umaaligid sa bahay namin pero kahit ganoon ay hindi pa rin nagpakampante ang nga tao sa paligid namin dahil kahit anong oras ay pwede talaga kaming sugurin dito kaya rin naman maski ako ay nakaalerto.Tatagal rin ng lagpas isang linggo si Azrael sa Thailand, gusto niya nga sanang isama na lang kami pero hindi agree si dad sa opinyon na iyon dahil mas lalo raw kaming mapapahamak kung kasama niya kami, nag-agree rin ako kay dad dahil bukod sa rason niya ay baka hindi niya magawa ng maayos ang pinunta niya doon dahil sa sobrang pag-aalala sa amin na alam ko ring nararamdaman niya pa ngayon kahit hindi niya kami kasama."Anak an
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments